Nagsusuka si Dale umagang umaga, hinang hina siya, tinulungan naman siya ni Anne, mabuti na nga lang at Holiday ngayon walang pasok sa School na pinagtuturuan ni Anne, namalengke kase si Teacher Chell. Kaya silang dalawa lang ang naiwan.Iwasan mong mag isip ng malulungkot Dale, para sa Baby mo, tibayan mo ang Loob mo, Mahal mo siya Oo pero wag mo ring kalimutang mahalin ang sarili mo, paalala ni Anne kay Dale.
Hindi ko alam kung gaano kasakit kahirap ang sitwasyon mo ngayon, pero alam kong malalagpasan mo ito, isa kang matatag, alam ko yan kaya dapat wag kang panghihinaan ng loob. Dagdag pa ni Anne.Salamat Anne dahil anjan kayo ni Tita Chell, lagi nyo na lang akong pinoproblema, nahihiya na ko sa inyo. Ang naiiyak na pahayag ni Dale.
Pamilya tayo dito, so Sino pang magtutulungan dito?Inuwi na nila si Edward sa Mansion, hindi naman ito tumutol, dahil sa kalagayan nya parang nabura rin lahat kung ano namang galit at tampo nya sa Daddy Kevin nya.
Masaya silang Pamilya, lagi pa ring dumadalaw si Hazel sa bahay nila para bisitahin si Edward.
Nakapagsolo si Momny Claire at Laura sa Kitchen, at nagkaroon sila ng pagkakataong mag usap tungkol kay Dale.
Kamusta na kaya si Dale Mom?! Ang bungad na tanong Laura, ayaw na ayaw kase ni Edward na pag usapan si Dale, paulit ulit lang daw na sumasakit ang ulo nya.
Yon nga din ang iniisip ko eh, awang awa na ko sa kalagayan nya naOspital nga rin si Dale kase nakwento ito ng mga katrabaho ni Edward. Pero ok naman n daw nakalabas na over fatigue lang daw.
Alam mo ba bahay ni Dale? Tanong ni Mommy Cathy kay Laura...
Hindi nga po Mom eh, gustong gusto ko siyang bisatahin, pagaanin ko ang loob nya kaso, kase ramdam ko na sobra siyang nasasaktan ngayonPumunta si Edward sa Condo nya
Pag pasok nya sa loob nililibot ng mga mata nya ang loob ng Condo nagbabakasakali din siya na may maalala siya, ayaw nya mang aminin sa sarili nya na gusto nya ring maalala ang babaeng nagpapakilalang Girlfriend nya, kitang kita kase nya sa mata ng Dalaga ang lungkot.
Pumasok si Edward sa Kwarto, nakita nya sa Side table ng kama ang picture nila nung babaeng may lungkot sa mata.Pinipilit nyang alalahanin, kaso wala talaga sumasakit lang ulo nya.
Si Dale naman kasama ngayon si Marlo,
Nag open siya dito ng lahat ng iniisip nya, sinabi nga nya na plano nyang lumayo. Nahihiya na rin kase sya Kay Tita Chell at Anne dahil sobrang dami ng gastos nila para saknya ayaw na din nyang maging pabigat sakaling makapanganak siya.Nag offer naman si Marlo na pwde siyang manirahan sa Probinsya nila, taga Baguio si Marlo, my mga taniman ng bulaklak at gulay doon pwede siyang mamasukan doon.
Nabuo ang pasya ni Dale pupunta nga siya sa Baguio susubukan nyang mabuhay mag isa kasama ang anak.
Gusto rin nyang makalimot, hindi na kaya ng puso nya ang paulit ulit na pagtataboy ni Edward, ito din siguro ang makakabuti para sa kanilang dalawa.Umuwi si Dale sa bahay nila, nag plano siya kung paano aalis na hindi malalaman at mahahalata n Tita Chell at Anne.
Maagang silang naghapunan nagbolontaryo si Dale magligpit ng pinagkainan nila.
Okay lang ba sayo talaga Dale ang tanong ni Anne.
Oo naman, wag kang mag alala. Sagot ni Dale.Maagang nagpahinga si Anne at Tita Chell nya. Tumungo siya sa Kusina at doon gumawa ng liham para sa dalawa.
Nang matapos siyang gumawa ng liham, dahan dahan siyang nagtungo sa kwarto nila Anne, nag impake ng mga damit, alas Dose nag pasya siyang umalis ng bahay.
Tumulo ang kanyang Luha ng ilagay nya ang Liham sa may side table ng kama ni Tita Chell nya katabi ang Salamin nito sa mata. Nag taxi siya at nagtungo sa Cubao.
Nag aantay doon si Marlo.Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita sa Baguio? Pangungulit ni Marlo.
Wag na kaya ko naman, nabigay mo naman na yong Address, at nakontak mo na kamo yong Taong pupuntahan ko doon. Uuwi ka naman sa pagtatapos ng Semester eh, kaya magkikita din tayo doon..
Salamat Marlo sa Tulong mo ah? Tatanawin ko ito ng utang na loob.
Umakyat na ng Bus si Dale at ilang sandali lang ay aalis na rin ang Bus.
Habang nasa Byahe si Dale, hindi nya maiwasang hindi tumulo ang Luha nya.
Sobra sobra na kaseng pagsubok ang pinagdadaanan nya.
Kakayanin ko pa kaya? Tanong nya sa sarili nya, sana anak tulungan mo si Mama na kayanin ko, wag mo papahirapan si Mama ah? Ang bulong nya sa hangin habang haplos haplos nya ang Tiyan nya.
Nakatulog si Dale sa Byahe nya. Naalimpungatan siya nung nag Bus Station na hindi naman nya mawari kung anong lugar na iyon, bumaba siya sa Bus para bumili ng makakain at magtanong na rin kung nasaan na sila.Napag alaman nya na asa Damortis na sila La Union. Bumili ng Cup noodles si Dale at Siopao dahil kumakalam ang Tiyan nya baka nagugutom na ang baby nya, alas kuwatro na ng madaling araw.
Matapos siyang kumain umakyat na siya uli ng Bus.
Pagkaupo nya sa upuan nya, may ginang na naki usap sa kanya kung pwede hawakan nya muna ang Baby nitong tulog dahil ihing ihi na ito. Pumayag naman si Dale, ang cute ng Baby girl, h
Kulot kulot ang Buhok nito, mahimbing na natutulog.
Nagtawag na ang konduktor hudyat na aalis na sila, nagtaas siya ng kamay dahil yong nanay ng Baby asa baba pa..Ilang minuto umakyat na Ina ng Baby.
Salamat sayo Miss ah? Ako nga pala si Lilia,
Ako po si Dale. Pakilala ni Dale.Nagtabi na sila sa upuan total wala namang katabi si Dale.
Papunta ka ba ng Baguio? Usisa ni Lilia
Hindi ko nga alam kung saan ako papunta, bahala na maghahanap ako ng pupuntahan ko makalayo lang ako ng Manila, anas ni Dale.
Kung gusto mo, sumama ka na lang sa Baryo naman, sa may Sagada kami ang pangunahing kinabubuhay ng mga katutubong tulad ko ay pagtatanim ng gulay at mga Bulaklak.
May bahay doon na pwede mong tuluyan sa mababang halaga lamang.Kaya kahit na mag alala pa si Marlo dahil hindi sya sa Lugar nila tutuloy wala na siyang pakialam gusto nya kase talagang mabuhay muna ng mag isa kung kakayanin nya.
Alas syete na ng umaga ng huminto ang Bus sa Station ng Baguio. Bumababa sila sa Bus, nag aya si Lilia na kumain muna bago sila sumakay ng panibagong Bus papuntang Pulang Lupa, nagising na ang si Baby Malia ang cute cute na baby..
Asan ang asawa mo, kung ok lang para sayong sagutin. Tanong ni Dale.
Wala akong asawa, naanakan lang ako ng aking Nobyo, na may asawa din pala. Kaya nung malaman ko, umalis kami agad ng anak ko, ayokong makasira ng pamilya. Wala na kong mga magulang, Katorse lang ako ng mamatay sila pareho sa Aksedente, pababa sila ng Maynila para magdeliver ng mga ani naming Gulay, kaso sa sobrang pagod ng aking Ama nakatulog ito sa byahe na siyang sanhi ng kanilang pagkahulog sa Bangin.
Nalulungkot akong malaman yan Lilia,ang saad ni Dale.
hindi nalalayo ang edad nilang dalawa Bente Uno na si Dale at si Lilia ay Bente Singko.Buhat buhat nya si Baby Malia at si Lilia naman ang may dala dala ng mga gamit nila. Sumakay sila sa isang Bus papuntang Baryo ng Pulang Lupa. Isang oras at kalahati rin ang Binyahe nila bago sila makarating, sumakay pa sila uli ng tricycle 30 minutes uli ang ginugol nila. At mga bente minutos pang lakaran.
Dale pasensya kana ah? Sobrang layo nitong lugar namin, paghinging paumanhin ni Lilia.
Okay lang wala iyon sabi naman ni Dale..
Narating nila ang Pulang Lupa, isang napaka gandang paraiso sa paningin ni Dale.
Dito, dito ko gustong palakihin ang Baby ko. Ang saad ni Dale sa sarili.
Sa panibagong yugto ng buhay ni Dale sa isang estrangherong Lugar kasama ang mga estrangherong tao, kayanin nya kayang mabuhay mag isa kasama ang Baby nila ni Edward.?
Abangaaaaaaan..
Hi guys.. Kamusta kayo?!
Sorry kung pinasasakit ni Author mga puso nyo.Vote and Comment namin jan..
Nakakahanga din ang tatag mo,
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
DragosteIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...