Chapter 17

770 59 9
                                    


Nahanap ni Laura si Teacher Chell sa University kung saan ito nag tuturo at king saan naka enroll si Dale.

Teacher Chell, ako po si Laura ang Ate ni Edward, gusto ko lang po sanang makausap si Dale, ilang araw na po kase siyang hindi nagpapakita sa amin, hinahanap na din po siya ng Mommy at Daddy ko. Mahabang pahayag ni Laura sa Guro.

Halika muna at maupo tayo sa Bench doon. Aya ni Teacher Chell.

Nung isang Linggo umalis si Dale ng bahay, nagpakalayo layo siya hindi rin namin alam kung saan siya nagpunta, nag aalala na nga ko lalo na sa kalagayan nya ngayon.
Ang madamdaming pahayag ni Teacher Chell.

Ano po bang ibig nyong sabihin? Ang tanong ni Laura.

Buntis si Dale at maselan ang kalagayan nya, noong unang ipasok sa Hospital si Edward, nawalan ng malay si Dale, pinatignan namin siya sa Doctor at sinabi nitong Buntis si Dale, Magdadalawang Buwan, at maselan ito bawal siyang ma stress. Ang naluluhang pahayag ni Teacher Chell, Laura naaawa na ko sa kalagayan ni Dale, maliit lang ang ipon nya, wala din ang kanyang cp hindi nya dinala iniwan nya, hindi ko alam saan ko sya hahanapin.
Pinapanalangin kong sana ok lang sya. Dagdag pa ni Teacher Chell.

Napatupok ng bibig si Laura sa nalaman, buntis si Dale, at anak nila ito ni Edward, kawawang Dale kinakailangan nyang haraping mag isa ang hamon ng buhay dahil tinalikuran siya ng kanyang kapatid...

Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa pag hahanap kay Dale, dahil kung pinili nitong lumayo ibig lang sabihin ayaw nyang magpahanap kanino man, sana okay lang sila ng magiging pamangkin ko. Saad ni Laura.

Nagpaalam na si Laura sa Guro at kailangan nyang makausap si Edward at kanyang mga magulang.
Habang pauwi sya at nagmamaneho, gulong gulo si Laura.

Nasa isang Star Plaza Hotel sina Edward at Hazel, nagdidinner.

Edward matagal na tayong magkakilala, alam ko na nararamdaman mong mau pagtingin ako sayo, were not getting any younger anymore, mahal kita sana bigyan mo ko ng pagkakataong iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.
Saad ni Hazel habang hawak ang kamay ni Edward.

Hazel alam ko ang gusto mong iparating, naiintindihan ko yon, matagal na tayong magkaibigan, hindi ka mahirap mahalin, gusto kong pagbigyan ang puso kong subukan maging masaya. At sana matulungan mo kong maka alala. Mula sa mga oras na ito, Girlfriend na kita. Ang pahayag naman ni Edward ngunit walang kinang sa mata nyang sambit.

Napatayo si Hazel sa upuan nya at niyakap ang Binatang Abogado.

Walang maramdamang kakaiba si Edward habang yakap nya ang kababata.

Hinatid ng Binata ang Dalaga sa ka nilang bahay. At nung magpaalam na si Edward hinalikan ito ni Hazel sa Labi, tumugon naman ang Binata ngunit agad nya itong pinutol ng bumukas ang Gate nila Hazel.

Inirapan ni Hazel ang atribidang kasambahay, Mag iingat ka Babe pauwi, magtext ka ah? Paalam ni Hazel sa Nobyo.

Habang nagmamaneho si Edward pauwi sa Mansion nila, nagugulahan pa rin itobsa mabilis na kaganapan. Nararamdaman nyang may mali pero hindi nya mawari ming ano ito.

Mom Where are you? Ang palahaw ni Laura.,

Laura anong problema?
Tanong ng ginang sakanya?

Dale left and no where to be found.
Mom, and She's pRegnant with Edward..

Ang bombang sumabog sa pandinig ni Edward.
Narinig nya ang pag uusap ng kanyang Mommy at ni Laura pero hindi siya pumasok.

I heard What??? Buntis si Dale at ako ang Tatay? Paulit ulit na tinatanong ni Edward sa isip nya?!
At nawawala siya, Saan ka nagpunta Dale? Saan kita hahanapin? Gusto ko ng maalala ang lahat ang bulong nya pa rin sa sarili.
Mababaliw na ko kakaisip sa mga nangyayari?!

Ng biglang tumunog ang Cellphone nya.

Babe nakarating ka na ba? Hindi ka na nagtext, ang paglalambing ni Hazel.

Sorry Hazel, nakalimutan ko nagtext kase si James may tinatanong tungkol sa kaso nakalimutan ko ng tawagan ka. Ang pagsisinungaling ni Edward.

Makakapunta ka ba sa Exhibit ng mga Art works ko? Sa Friday na yon Babe.
Ang tanong ni Hazel.

Susubukan ko Hazel ah? Kase may kaso kong hinahawakan. I'll let you know. Cge kailangan ko pa kaseng ireview yong isang kaso namin sa Isang Textile Company. Paalam ni Edward.
Hindi na nito narinig ang iloveyou ni Hazel dahil pinatay na ito ni Edward.

Tama ba talaga tong minadali kong pumasok sa isang relasyon kay Hazel?!
Naguguluhang tanong pa rin ni Edward.

Habang...

Nakahiga naman na si Dale sa maliit na papag sa Kubo na tinutuluyan nya, nag offer si Lilia na sa bahay na lang niya siya tumira kaso tinaggihan nya ito. Gusto nya kaseng subukang mamuhay mag isa kasama ang Baby nya, mejo nahahalata na ang umbok sa tyan nya. 3 months na ang Tiyan nya. Ok din ang trabaho nya sa Flower Farm, sinubukan nya ring magtanim ng mga gulay gulay, nagbigay ng  mga punla ang kapitan Wigo sa mga residente. Ganito kase sila sa Sitio Payapa, bigayan. Mababait ang mga tao dito sa lugar nila kaya alam nyang hindi siya mapapaano.

Kinabukasan..

Maagang nagising si Dale para magdilig ng mga pananim niya. Nakasalang naman ang sinaing nya para makapag agahan pa siya at makapag baon ng kanin at ulam, ng sa ganun hindi na siya bumalik ng kubo sa lunch break.

Dale, anong niluto mong panaghalian mo? Tanong ni Lilia? Nag gisa ako ng Corned beef, sagot ni Dale.
May dala akong adobong Manok, pinagtabi kita, pagbibigay ni Lilia.

Naku ikaw talaga nag abala ka pa, saluhan mo kaya ako mag agahan my prinito akong Tuyo bigay ni Aling Pasing.

Hahaha tara, iiwan ko uli si Baby Malia kay Neneng habang papasok ako sa Flower Farm, kailangan ko ring makaipon.
Buo pa rin ang plank natin db?

Mag iipon lang tayo tas magpapatayo tayo ng Flower Shop natin sa Bayan, pati ng gulayan, magsososyu tayo db? Ang paninigurado ni Lilia sa Kaibigang si Dale.

Oo naman, kailangan ko yon para sa future namin ng magiging baby ko.

Halika na nga mag agahan na tayi, Baby Maliaaaaaa gusto mong kumain??? Halika baby halika dito kay Ninang...
At napatingin si Lilia sa kanya, hindi pa pala nya napapabinyagan si Baby Malia.

Oo, magiging Ninang ako nitong Baby Malia natin na to noh?! Kahit ayaw mo
Nkatawang saad ni Dale..alas syete ng matapos silang mag agahan, naglalakad na sila patungo sa bahay nila Neneng kung saan iiwan ni Lilia ang Anak.

Nakarating sila sa Farm ng iilan pa lang ang tao.

Naku ang aga talaga nina Dale at Lilia laging pumasok ang pamumuna ni Mang Teban ang Katiwala ng Farm.

Mang Tebang kailangan po para maasikaso po ang mga Rose na malapit na natin iharvest.

Naku iha, ang galing ng kamay mo, napuksa mo ang mga pesteng sumisira sa ating panananim, ang mga Orchids din natin unti unting yumayabong na.

Ang mga Sunflower din natin ang yayabong na, mukhang maganda ganda ang anihan ntin, dadalaw ang namamakyaw ng mga bulaklak bukas para inspeksyunin ang mga bulaklak natin. Mahabang pahayag ni Mang Teban.

Naku isang hulog ng langit talaga ang gaya ni Dale dito sa Sitio Payapa. Ang tugon naman ni Lilia, na siyang pagsang ayon ng mga ibang kasamahan nila sa Flower Farm ng mga Santillan.









Maganda ang tinatakbong buhay ni Dale sa Sagad, Brgy. Pulang Lupa Sitio Payapa. Abangan ang mga kaganapan sa pagitan ng relasyon ni Edward at Hazel.

Mahanap kaya ni Edward ang mga katanungan naka stock sa utak nya.

Vote and Comments Guys ah?!.

DANKEEEEE..

#MAYMAYLovesMEGA

And I LOVE you so...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon