Dale anong Plano mo?!
Lumalaki na si Kian Edward, ang pagtatanong ni Lilia...Matuling nagdaan ang Panahon at Taon, maglilimang taon na siyang nakatira sa Sagada Brgy. Pulang Lupa Sitio Payapa.
Ngayon Apat na taon na din ang kanyang Young Man na si Kian Edward mas kilala sa Lugar nila bilang si Ked ang Batang akala mo matanda na, sobrang daming tanong, sobrang daldal, pero sobrang sweet at bait na bata. Mahal na mahal siya ng mga Taga Sitio Payapa,Keeeeeed, ayaw mo bang sumama sa amin ni Nanay Thelma? Tanong ng Classmate ni Ked sa Day Care si Jessa.
Hindi kase ako nag paalam kay Ina eh, pagagalitan ako noon pag hindi pa ko uuwi ngayon. Paliwanag ng madaldal na si Ked.
Mauuna na pala kami sayo iho, antayin mo na lang ang Ninang Lilia mo wag kang aalis mag isa dito. Ang bilin ni Aling Thelma sakanya..
Maliaaaaaa asan si Ninang???
Tanong ni Ked,
Asa Principal's office kakausapin daw siya eh, ewan ko antayin na lng din natin siya dito.Matanda si Malia kay Ked ng isang taon, pero lumaki silang magbestfriend, ganun din naman kase ang mga Nanay nila.
Ked, Malia tara na uwi na tayo.. Aya ni Lilia sa dalawa.
Ninang may problema po ba? Pangungulit ni Ked.
Wala naman nasabi lang ni Mam Principal yong tungkol sa Family Day nyo, sasabihin ko na lang sa Nanay mo pagdating natin ng Flower Shop..paliwanag ni Lilia kay Ked.Hi Ked, kamusta ang school today bungad ni Dale sa anak na mukhang malungkot.
Mauuna na kaming umuwi Bez Li, mukhang wala sa mood ang Poging Baby ko, pang aasar ni Dale. Salamat sa pagsundo kay Ked pahabol pa nya.
Sige magtetext na lang ako, anas ni Lilia..
Babye Ninang, Babye Ked.. Kumaway lang si Ked at humalik naman si Dale sa Bata at kay Lilia.
Tahimik sa byahe si Ked, naka baba na sila ng tricycle at naglalakad na sila pero wala pa ring imik ang anak ni Dale.
Anak may Problema ba??? Tanong ni Dale kay Ked.
Nanay, sabi ni Ninang Lilia May Family Day daw, paano yon wala naman akong Tatay, di hindi tayo makakasama? Tanong ni kEd.
Iho anak, andito naman si Nanay Dale ah, anjan din si Ninang Lilia mo si Malia. Bakit malungkot ka pa rin.
Asan po ba si Tatay? Sabi nyo po asa Ibang Bansa siya, hindi pa po ba siya nakakabalik? Ang tagal tagal na nya doon eh. Reklamo ni Ked sa Ina
May inaayos kase ang Tatay mo anak kya hindi sya makaka uwi. Paliwanag ni Dale.
So hindi na po nya tayo mahal?
Alam mo Nay, sabi sa School ng mga classmates ko, wala naman daw talaga kong Tatay. Sumbong ni Ked kay Dale.
Kakarating lang nila sa Kubo nila, nilapag ni Dale ang mga pinamalengke.
Alam mo anak, mahal na mahal ka ng Nanay, marami akong ikukwento sayo pag mejo malaki kana yong kaya mo ng unawain lahat, kase sa ngayon anak Bata ka pa kase eh. Paliwanag ni Dale sa Anak.
Nay maiintindihan ko po yon, sige na po.
Pag pipilit ni Ked kay Dale.
Oh siya magbihis ka muna, magkukwento si Nanay habang magluluto tayo ng hapunan. Ganting sagot ni Dale.Masiglang nagbihis ang Batang si Ked.
Habang naghahanda sa pagluluto, inumpisahan ni Dale magkwento sa Anak,
Nagkakilala kami ng Tatay mo sa isang Sitwasyon, Attorney siya at tinutulungan nya ang Nanay, masayang masaya kami ng Tatay mo pero nagkaroon siya ng sakit, na kailangan maagapan, maipagamot kaso ang hinihingi ng pagkakataon ay matindi ang kapalit, maari tayong makalimutan ng Tatay mo once nagpaopera siya anak, dahil mahal na mahal ko ang Tatay mo anak, pinili kong makalimutan nya tayo para siya ay gumaling, aalagaan ko na lang siya pag matagumpay ang operasyon. Sa Awa ng Itaas anak, ligtas ang Operasyon ng Tatay mo, kaso nangyari nga ang inaasahang mangyari. Nakalimutan ako ng Tatay mo, pinagtabuya Nya ko sa buhay nya, nung mga panahong yon hindi nya alam na meron ka ng buhay sa sinapupunan ko Anak.
Nay? Magaling na kaya ang Tatay? Hinahanap pa kaya nya tayo? Mahal pa nya tayo? Mga tanong ni Ked na hindi masagot ni Dale.
Naku Anak, maghugas ka na ng kamay mo at kakain na tayo.. Pagwawala ni Dale sa tanong ni Ked.
Samantala....
Pare may kaso kang tinanggap nung nakaraang buwan nareview mo na ba?
Isang malawak na lupain yon sa Sagada, pag aari ng mga katutubo, balak bilhin ni Mr. Ong yon, gagawin nya kase daw yong Planta ng mga Imported Flowers. Saad ni James kay Edward.Oo nga eh, gusto kong bisitahin yon personally, malaki ang utang na loob ko kay Mr. ONG Alam mo yan Pare kay gusto ako mismo mag asikaso ng Kaso nya. Lahad ni Edward.
Tama Pare ng makapg pahinga ka naman, sobrang subsob kana sa Trabaho, masyado mo ng pinapalaki ang Law Firm natin, minsan natatanong na ako ng Ermats ko kung Artista na daw ba career ko eh, pagpapatawa ni James.
Hahaha baliw, si Anne ba susunduin mo mamaya??? Balak ko kaseng bisitahin si Teacher Chell kung kamusta na ang kalagayan nya. Paliwanag ni Edward.
3 years na ring in a relationship si Anne at James masaya naman sila, hindi naputol ang ugnayan ni Edward kina Teacher Chell dahil lagi lagi pa ring bumibisita si Edward, tuwing my mga okasyon ay present si Edward.
Oo sasamahan ko siyang mamili para sa Outreach Program ng School nila. Alam mo namang supportive Boyfriend to.. Pang aasar ni James kay Edward.
Sagada......
Yan ang hinding hindi mangyayari, dito ko pinanganak, andito ang ugat ng lahi namin kaya hindi ako papayag malaki man ang kapalit na salapi, ikaw ni Aling Pasing.
Ako din, hindi ako papayag sa kagustuhan nila, mayaman na sila bakit
Kailangan pa nilang pag interesan tong lupa natin??? Pagmamaktol ni Mang Tasyo.Kalat na ang usap usapang binibili daw ang buong sitio Payapa ng isang mayamang Negosyante.
Nababahala ako sa mga bulong bulungan Bez Dale, ang bungad ni Lilia.
Bakit ano bang meron? Pag uusisa naman ni Dale.Pinipilit kase ang mga nakatira sa Sitio Payapa na ibenta ang kanilang mga Lupa. Kase yong karatig na bundok pag aari na din pala nya yon, ang Sitio Payapa ang gitna pag nagkataon kase nabili na rin nya ang mga lupa sa Sitio Kasipagan. Kwento ni Lilia.
Ay naku, ipaglaban ang karapatan wag papa api s mga gahaman. Saad ni Dale.
Mangyayari na kaya ang pinakahihintay ng mga avid Readers??? (Hahaha) magkikita na ba si Edward at Dale..? Tunghayan ang mga kaganapan sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan at pansamantalang pinaglayo ng pagkakataon..
Sorrrrrrrrry na po, sobrang nabusy lng tlga.. Daming ganap sa buhay eh.. Mahal ko kayo....
Patience is a Virtue..
Bukaaaaaas na po, kita kits mga labs..
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
RomanceIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...