Pumunta sila Edward, Ked, Laura at Raymund sa Malaking Flower Farm sa Sitio Payapa. Nais ipakilala ni Edward si Laura sa mga taong kanyang tinutulungan.
Magandang hapon po, Nandito po ako kasama ang aking Kapatid na si Doktora Laura Barber, kung inyo hong mamarapatin nais ho nya kayong tulungan.
Gusto nyang magsagawa ng malawakang pagsusuri ng inyong kalusugan. Gusto ho ba ninyo iyon? Ang tanong ni Atty. Edward Barber sa mga taong kasalukuyang asa Flower Farm.
Nagsalita si Mang Tiban ang isa sa katiwala ng Farm.
Lubos ho naming ipagpapasalamat ang inyong kabutihang Loob Atty. Tinutulungan nyo na mga kami sa aming suliranin sa pag tatanim, pati po ang aming kalusugan ay gusto nyo ring pangalagaan. Marami hong Salamat Atty. At Dra. Pasasalamat ni Mang Tiban.
Naku ho, maliit na bagay lang po ito, pag nakabalik po ako ng Manila at nalaman ko kng ano ano ang mga nais kong maibahaging tulong, itutulong ko po saad ni Laura.
Habang kausap ni Laura ang mga mamamayan ng Sitio Payapa, lubos na lalo ang paghanga ni Raymund sa Dalaga, hindi mo aakalain na isang kagaya ni Laura na maganda at may kaya sa buhay eh, may busilak din pa lang na puso.
Siguro nga siya na yong Babaeng laan para sa akin.Patuloy ang pag tingin ni Laura sa mga tao, my mga dala siyang ilang Vitamins para sa mga matatanda at bata, meron din siyang binibigay na vitamins para sa mga Buntis.
Dumating si Dale sa lugar kung saan busy ang lahat sa pag aasikaso ng mga tao.
Ang swerte mo sa Tatay ni Ked Besh Dale, ang Bunggad ni Lilia.
Napakabuting Abogado, at may Kapatid din may mabuting Puso. Sa pagmamahal sa inyong mag ina buong Sitio Payapa nakikinabang.
Nakangiti lang si Dale sa turan ng Kaibigan.
Umuwi na si Dale sa kubo dahil kailangan nya pang magluto ng hapunan nila.
Masayang masaya si Ked sa mga kaganapan ng pamilya nya.
Tatay masayang masaya po ako, dahil gumaling na po kayo at bumalik na kayo sa amin ni Nanay. Nakilala ko pa po ang Tita Ganda ko, kasama si Tito Pogi, mahal na mahal nyo po ang mga taga sitio Payapa, at masayang masaya po ako doon Tatay.
Ang masayang pahayag ni Ked sa Amang si Edward.Anak may itatanong si Tatay sayo. Malulungkot ka ba kung dadalhin ko kayo ni Nanay sa Manila? Andun si Grandma, Grandpa, Tito Tanner si Lala Chelle, Tita Anne at Tito James mo lahat sila nag aantay sayo na makilala ka. Madamdaming paliwanag ni Edward sa Anak.
Tatay, masaya po ako dito, kasama ang mga Taga Sitio Payapa, andito mga kaibigan ko. Andito si Nanay, ikaw po at si Tita Ganda, hindi po ba pwede na dito lang tayo?
Natahimik si Edward, mahihirapan nga siyang makumbinsi ang anak na sumama sa kanya.
Naunawaan naman ni Laura ang lungkot na dinaramdam ng kapatid na si Edward, naglakad na sila pauwi ng Kubo.
Hello mga Team Lalabs ko. Kamusta ang araw ng pagtulong nyo? Tanong ni Dale.
Masayang nagkwento si Ked sa kanyang karanasan kasama ang Tatay, Tita at Tito nya sa pagtulong sa mga taga Sitio Payapa.
Tinulungan ni Laura si Ked mag linos ng katawan para makakain na sila, si Raymund naman ang nagbobomba sa Poso para may magamit si Laura panlinis kay Ked.
Mahal bakit ang tahimik mo? Napagod ka ba? Gutom ka na ba??? Tanong ni Dale kay Edward.
Mahal, mahihirapan nga ata akong maisama kayo ni Ked pabalik sa Maynila. Masyado nyang mahal ang Sitio Payapa para iwan ito, at sumama sa akin. Ang nalulungkot na sagot ni Edward.
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
RomanceIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...