Ilang araw ng hindi nagkikita si Dale at Edward, wala ding paramdam ang huli sa Dalaga. Kaya nilibang na lang ni Dale ang sarili sa pag aasikaso ng Hardin ni Chell.
Siya na rin ang nagdedeliver sa mga Bulaklak for Orders ng mga Flower Shop na suki nila.Busy na rin kase si Anne kaka apply sa mga Public Schools malapit lang sa tinitirhan nila ayaw nya kaseng gumamit ng connection ng Tita nya na isang Admin Staff na sa Private University, at gusto nyang Elementary ang turuan nya.
Kaya napapadalas ang pag iisa ni Dale sa Bahay. Hindi rin ito gaanong lumalabas kundi lang mag dedeliver ng mga bulaklak.
Nagtataka na si Dale sa hindi pagpaparamdam ni Edward sa kanya.
Ay naku bahala siya sa buhay nya! Pagmamaktol ni Dale sa harap ng mga halaman.
Sinasadya naman ni Edward na hindi magparamdam kay Dale, sinusubukan nya lang din kung mamimiss siya ng Dalaga. Kaso mukhang siya ang matatalo sa sarili nyang Laro.
Tinawagan siya ng Kaibigang Abogado na si Atty. Montemayor na sa Katapusan na ng buwan ang huling pagbasa sa Kaso ni Larry Ramoso at Dale Entrata.
Nakalimutan nya ang challenge na ginawa nya dahil sya mismo ang unang kumontak sa Dalaga.
Nagulantang naman si Dale sa pagtunog ng Cellphone. Nakita nyang si Edward ang tumatawag, ngmamadali nyang tinanggal ang Garden gloves nya.
Hello Edward, napatawag ka? Halata ang excitement sa boses ni Dale.
Hi, kamusta ka na? Pang iiba ni Edward.
Ok lang naman, mejo busy sa Garden ni Tita Chell, walang tigil kase ang pamumukadkad ng mga ito kaya panay ang pag haharvest ko ng mga Rose at deliver sa mga Suki ni Tita Chell. Ang kwento ng Dalaga.
Ahhh mabuti naman pala at nag eenjoy ka jan, maski hindi ka lumabas ng bahay. Alam mo na safety mo dapat ung top Priority mo Dale.
Oo nga eh, sabi mo nung huli mong tawag lalabas tayo ng Sabado dumating ang Sabado hindi mo naman na ko inaya uli, pumayag naman si Tita nun eh, nahiya na tuloy akong ipaalala mo, baka kako nakalimutan mo o busy ka lang talaga masyado. Nakalabing turan ni Dale.Hindi ka na kase ngsabi kung pinayagan ka kaya iniisip ko na lang baka di ka pinayagan, saktong ang dami kong kaso na nirereview. Pahayag ng Binata, ngiti -ngiti din siyang malamang dissappointed ang Dalaga dahil hindi natuloy ang paglabas nila.
Ok lang, set na lang natin uli.. Para masaya, anas ni Edward.
Nga pala bago ko makalimutan, sa Katapusan na raw ang Pagbasa ng kaso. Pahabol ni Edward.
Natigilan naman si Dale, kinabahan siya bigla kung ano magiging hatol ng Husgado.Alam ko nag aalala ka, pero wag kang mag alala lalabas ang Katotohan, mananalo tayo Tiwala lang..
Salamat Atty. Edward.. Ang buong puaong Pasasalamat.
Dalawin kita mamaya sa Bahay nyo,Paalam.
Hapon na ng magpasya si Dale na umahon na sa Hardin ng Guro. Mag uumpisa na siyang magluto ng kanilang hapunan.
Dumating si Anne ng may ngiti si Labi, tanggap na kase ito sa isang Public Elementary School. May dala dala itong Pancit Palabok at manok wag ka ng magluto Dale ito na lang pagsaluhan natin sabi Anne.
Sige, sang ayon naman ni Dale. Congratz sayo Anne nakahanap ka na rin ng trabaho mo.
Salamat Dale, ok lang ba sayo mag isa dito palagi sa Bahay mon-friday? Tanong ni Anne.
Okay lang naman, pag natapos na ang Kaso maghahanap din ako ng Trabaho ng sa ganun may iba din akong pagka abalahan. Ang saad ni Dale kay Anne.
Alam na ni Tita Chell na nakapasa ka na? Matutuwa yon pag nalaman nya. Usisa ni Dale.
Oo pinaalam ko na pauwi na din siya. Sagot ni Anne.Nakarating si Chell na may bitbit na Cake para sa celebresasyon nilang Tatlo.
Bandang Alas Syete ng Gabi may nagdoorbell sa gate nila, nilabas ito ni Dale dahil tiyak nyang si Atty. Edward ito.
Halika Pasok ka, anyaya ni Dale.
Good evening po Teacher Chell bati ni Edward.
Tamang tama iho hindi namin mauubos tong pagkain dito, siya nga pala si Anne Pamangkin ko sa Probinsya. Anne si Atty. Edward tumutulong sa kaso ni Dale.
Nagkamay ang dalawa.
At masayang nagkainan silang Apat.
Binalita din ni Dale kay Chell na sa Katapusan na ang Basa ng Kaso nya. Sana Palarin tayong manalo usal ni Teacher Che ng maka usad ka na rin sa Buhay Iha saad kay Dale.Tango tango lang ang Dalaga.
Pagkatapos nilang kumain, inaya ni Dale si Edward sa may Hardin habang pinagtimpla nya ito ng Kape.Maganda itong Hardin na inaalagaan mo, kasing ganda mo ang hindi maiwasang sambit ni Edward, na siyang kinapula ni Dale. Mas namumuka kang Rosas na pabukadkad pag namumula yang pisngi mo, na siyang lalong nagpangiti sa kanya.
Kung saan saan napadpad ang usapan nila ng Biglang hawakan ni Edward ang knyang kamay at aktong babasahin ang kapalaran.
Nakikita ko sa iyong mga Palad na makakatagpo ka ng Gwapong Simpatikong Binata.
Natawa lang si Dale sa mga mensahe nito.
Abot sa Universe ang Kilig ni Dale, jusmiyooooooooo iwasan man hindi pa rin talaga maaapula ang apoy ng Pag ibig....
Vote and Comment mga loves.. Labyu
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
Любовные романыIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...