Chapter 23

1K 70 41
                                    


Habang papunta sila sa Kubo nila Dale at Ked muling nagsalita si Ked.

Sir Pogi, pwede nyo na po akong ibaba, maglalakad na lang po ako, mabigat na po kase ako. Ang nahihiyang pahayag ni Ked kay Atty. Edward.

Iho tawagin mo siyang Atty. Edward Barber, abogado siya. Paalala ni Kapitan Wigo.

Woooooah?! Talaga ho ba? Ang Tatay ko Abogado din siya, pagbibida ni Ked na siyang kinalaki ng Mata ni Kapitan Wigo at ni Neneng sa kadaldalan ni Ked.

Talaga ba? Balik tanong ni Edward sa Batang madaldal na si Ked.

Opo, kaso may sakit siya eh, hindi pa kami pwede magpakita ni Nanay Dale sa kanya.
Lagi ko ngang dinarasal kay Lord Jesus na sana Gumaling na si Tatay Atty. Para magkita na kami, gustong gusto ko na siyang makilala ang madamdaming kwento ni Ked sa bagong Kakilala.

Nangilid na naman ang mga luha sa mata ni Edward. Ito siya ngayon buhat buhat nya ang anak na matagal ng nawalay  sa kanya. Hindi nya alam kung paano nya haharapin ang Dakilang Ina ng batang ngayoy Buhat buhat nya.

Nagpababa na si Ked dahil tanaw na nila ang Kubong tinitirhan nila ng Inang si Dale.

Nanaaaaaaaay andito na po ako..
Ang palahaw na sigaw ni Ked.

Naku batang to, wag kang tumakbo baka madapa ka.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa Mata ni Edward, nasa harapan nya ngayon ang Babaeng pinaka mamahal nya na kay tagal nawalay sa kanya.

Yumakap si Dale sa batang nakangiting tumatakbo papalapit sa kanya, lahat ng mga kaganapan ay parang asa pelikulang naka slow mo sa paningin ni Edward.

Hindi pa napapansin ni Dale ang presenya ng mga tao sa Harap ng bakuran nila.

Kamusta ang Birthday ni Jasper anak? Tanong ni Dale.

Ang saya saya Nanay, may palaro, maraming pagkain, ang sarap noong Spaghetti nila ang daming keso at ang lalaki ng hotdog... Gustooooo ko rin po ng ganun Nanay sa Kaarawan ko ah?
Kwentong palambing ni Ked sa Inang si Dale.

Oo anak, magluluto ang Nanay ng ganun...
Sang ayon ni Dale sa Hiling ni Ked.

Napakamot ng ulo si Ked, nakalimutan nyang may mga kasama pala sila, ng biglang dumating ang Ninang Lilia nya.

Kapitan Wigo kasama nyo pala si Poging Atty. Anas ni Lilia.

Na siyang kinalingon naman ni Dale, at nagtama ang mga mata ng dalawang magkasintahang pinaglayo ng pagkakataon.

Lumuluhang lumapit si Edward kung nasaan si Dale habang hawak kamay naman nito si Ked.

Lumuluha na rin si Dale,

Ang tagal kitang hinanap Mahal ko, bakit mo ko iniwan?! Ang lumuluhang tanong ni Edward kay Dale..

Lumapit si Lilia para kunin muna si Ked at isama sila Kapitan Wigo, at Neneng sa Kubo nya ng makapag usap muna ang dalawa..

Ilang minuto ng nakakaalis sila Lilia pero tulala pa rin si Dale habang umiiyak..

Niyakap ni Edward si Dale ng mahigpit, habang walang tigil ang tangis ng kanyang mga luha.

Isang taon din bago bumalik ang memorya ko, nadisgraxa kami ni Hazel noon, pag mulat ko ng mga mata ko, ikaw agad ang hinanap ko, halos mabaliw ako nung sinabi ni Mommy na matagal ka na raw umalis at walang sino man ang nakakaalam kung nasan ka. Patuloy na paliwanag ni Edward.

Nilayo ni Dale ang katawan at sinimulan nyang magsalita sa pagitan ng pag hikbi nya.

Mahal na mahal kita Edward, kaya nung nakikita kong nahihirapan ka tuwing pinipilit mong alalahanin ako, nag pasya akong magpakalayo muna sa iyo. Gusto kong gumaling ka agad, pero hiniling mong lumayo ako, kaya kahit gaano kahirap, pinili kong lumayo sayo, buntis na ako nun kay Ked, nahihiya na rin ako kila Tita Chell at Anne kaya maski sa kanila hindi ko sinabi kong saan ako pupunta. Tinulungan ako ng classmate kong si Marlo, binigyan nya ko ng Idea na sa Baguio ako pumunta at may Flower Farm daw sila pwede daw akong magsimula doon, kaso nakilala ko si Lilia sa Bus, buong puso at pagtitiwala nya kong dinala dito sa Lugar nila. Ang mga tao dito ay mapagmahal at mapag malasakit, tinanggap nila ko ng buo kahit hindi nila ako lubusang kilala. Minahal nila ako dito, kaya pinasya kong mamalagi dito at dito na lang isilang si Ked. Ang mahabang pahayag ni Dale kay Edward.

Apat na taon na si Ked Mahal, bakit hindi ka man lang sumubok komontak. Nalibot ko na halos lahat ng lugar para hanapin kayo ng anak natin pero sadyang ayaw ata ng kapalarang mahanap kita, binibigyan nya ako ng napakalaking karma, dahil na rin sa Pananakit ko ng Damdamin mo. Ang tugon ni Edward.

Ayokong magulo ang buhay mo dahil lang mahal kita, kaya pinili kong lumayo na lang, babalik naman ako pag alam kong kaya ko na. Ang tugon di Dale.

Walang oras o araw na hindi ko kayo naiisip, kung kamusta na ba ang kalagayan nyo, nagpakasubsob ako sa trabaho, lahat ng kaso sa ibat ibang Lugar sa Pilipinas tunatanggap ko nagbabaka sakali akong mahahanap ko rin kayo, kailanman hindi ako pinang hinaan ng loob dahil alam kong ikaw rin ganun din mAhal ko.

Mahal ko may puwang pa rin ba ako sa Puso mo? Mahal mo pa rin ba ako?!

Mga tanong ni Edward na nagdulot ng nkakabinging katahimikan..

Inulit ulit ni Edward, Mahal mo pa rin ba ako???

Huminga ng malalim si Dale, saka sumagot.

Mahal na mahal kita, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo, gabi gabi kong pinagdarasal ang pag galing mo na sana maalala mo pa ko, na sana tanggapin mo ng buo ang anak natin. Wala kong hiniling na karangyaan sa pag layo ko, ang tanging Pag galing mo lang Mahal ko ang buong puso kong tinatangis..  Saad ni Dale.

Nagyakap ang mag sing irog ng mahigpit, naglapat ang mga labing nabasa na ng mga luha, matagal, madiin dahil sa tagal ng pagkasabik nila sa isat isa.

Nahihiyang kumalas si Dale sa gitna ng mainit na tagpo ng dalawa, inanyayahan niya si Edward na pumasok sa kubo kung saan sila nakatira ni Ked.

Samantala...

Hindi ko talaga lubos maiisip na si Poging Atty. Pala ang tatay ni Ked, kaya pala pamilyar ang mukha nya sa akin dahil kamukha ito ni Ked. Ngunit paano?

Mga katanungan sa isip ni Lilia.

Maupo ka nga Lilia at akoy nahihilo na sayo ang sita ni Aling Pasing,

Ako man nabigla sa mga nalaman ko, ani ni Kapitan Wigo.

Ked hindi ba pinakita ni Nanay Dale mo ang litrato ng Tatay Atty mo? Usisa ni Nana Rosa.

Hindi po, wala daw pong naitabi ang Nanay ng Larawan ni Tatay Atty. Ang buong tatas ni Ked sa tanong sa kanya.

Ang pogi ng Tatay Atty mo Ked, kasing pogi mo, ang buong paghanggang wika ni Neneg sa Bata.

Magkamukha po ba talaga kami???
Maputi po si Poging Sir eh.. Ang humble na sagot ni Ked.

Maputi ka rin naman ah, sa Bundok kase tayo nakatira madalas ka sa Arawan.. Ang pagdepensa ni Ninang Lilia nya.







Nagkita, nagkausap, nag yakapan at higit sa lahat.. Naglapat na rin sa wakas ang mga labing pinaghiwalay ng kapalaran..

Subaybayan ang mga susunod na kabanat.. Mapapayag kaya si Dale na sumama pabalik ng Manila ni Edward?

And I LOVE you so...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon