Tanghali na nakahiga pa rin ang Gwapong Abogado sa kubo ng kanyang mag ina.Habang si Dale nagluluto ng kanilang almusal, si Ked naman ay nagdidilig na ng mga pananim ng kanya g Ina, mga Rosas na namumukadkad na, mga gulay na malapit na ring maani.
Nagising si Edward sa ingay ng mga manok na animoy mga myembro ng prestiheyosong koral.
Napangiti ito ng maalala nyang asa Sitio Payapa pala siya kasama ang mag ina nyang pinangulilaan nya ng ilang taon.
Bumangon ito at pupungas pungas na nagtungo sa Kusina, kung saan naroon ang kanyang Pinakamamahal na nobya.Ambango bango naman nyan, ang masuyong lambing ni Edward sa magandang Binibining abalang nagluluto.
Asussss at nambola ka pa talaga, pritong Daing lang naman yan, nagsangag din ako ng bahaw, at pritong itlog na hindi basag ang pula na paborito ni Ked. Tugon ni Dale.
Namiss ko yan Mahal, yong ipinagluluto mo pa ko sa Unit natin dati ani ni Edward.. Sabay yapos sa likuran nito..
Ano ka ba mahal makita tayo ng anak mo, nakakahiya ka.. Inis initong sambit kay Edward.
Nanay tapos na po akong magdilig ng mga halaman at gulay... Ang pasigaw na saad ni Ked.
Wooooow ang sipag naman ng anak ko, halika nga dito, anyaya ni Edward sa Anak,
Kinalong ito ni Edward at nagsimulang magpakwento sa lahat ng ganap sa buhay ni Ked nung mga panahong wala sya.
Masayang natatawanan ang Mag Ama ni Dale na siyang pagdating naman ni Lilia at ni Malia.
Marshieee, may dala akong Native na Tinolang manok para sa inyo at sa Gwapong gwapong Tatay ni Ked, saad ni Lilia habang kinikilig.
Pasok Mars, ang ganting anyaya naman ni Dale sa Kumareng kaibigan nya.
Nag abala ka pa Lilia, maraming salamat ah, halina at sumalo kayo sa Agahan namin, masasarap ang inihanda nitong si Mahal ko. Pagbibida ni Edward.
Ay grabeeee Mahal na, agad agad.. Hindi man lang ako nabigyan ng chance maging Kamahal mahal ni Atty. Ang pagbibiro ni Lilia.
At napuno ng tawanan ang munting Kubo nila Dale.
Papasok pa rinvat magbubukas ng Shop ang magKumareng si Dale at Lilia sapagkat maraming order na bulaklak sa kanila pa Maynila.
Samantalang si Edward naman kasama ang anak, magtutungo sila sa Kubo nila Kapitan Wigo para pag usapan ang ikakabuti ng lahat ng mamayan ng Sitio Payapa.
Gusto kaseng imungkahi ni Edward kina Mr. LIM na, wag na lang bilhin ang mga Lupa bagkos, bigyan na lang ng puhunan ang mga katutubo para sa pagpapalago ng mga bulaklak, para maiangkat ito sa ibang lugar at pwede pang gawing pang Export.
Masyadong napahanga ng Gwapong Abogado ang mga Katutubo ng Sitio Payapa sa iminumungkahi nito.
Kinausap din ni Edward ang mga may ari ng malilit na Farm, kung ano ba kadalasan ang problema bakit hindi nakakabawi sa gasto para sa puhunan ang mga ito.
Tinanong din nya kung ano madalas mga kailangan nila para mapaganda nila lalo ang farm ng mga Bulaklak..
Tumulong ang Gwapong abogado sa pagdidilig ng mga Halaman at bulaklak.
Bukod sa Financial na Tulong, ano pa ba sa tingin nila ang kailangan pa para makatulong sa pag unlad ng kani kanilang hanap buhay. Ang tanong ni Edward kay Kapitan Wigo.
Dito ho sa Sitio Payapa, umaasa lang kami sa rasyon ng tubig mula sa Bayan mismo, kapag kase hindi tag ulan, wala halos tubig ang mga bukal, kaya mga halaman kadalasan nalalanta, lalo na ang mga Rose. Ang sagot ng Kapitan Wigo.
Programang patubig ang pipilitin kong isulong kay Mr.Lim na siyang pangunahing alam kong makakatog sa inyo, nailapit nyo na po ba ito sa Mayor ng Bayan ng Pulang Lupa? Ang magalang na sunod na tanong ni Edward.
Naidulog na ho namin Atty. Ang kaso wala ho silang aksyong ginagawa, ang patubig na rasyon mula sa Bayan ay pinag aambagan pa naming buong Sitio Payapa. 5,000 Ang isang truck ng tubig rasyon. At isang beses isang linggo sila kung magdeliver. Ang sagot ng isa sa mga residente ng Sitio Payapa.
Maraming nalaman si Edward sa lahat ng kabaryo ng mga tinuring na kapamilya ng kanyang Mag ina, nararapat lang na ibalik nya lahat ng ito sa mga Tao rito.
Samantalang abalang abala si Dale sa pag inspect ng mga Roses na ipapadala pa Maynila..
Marshie kumain ka na???
Kumain ka muna kaya, masyado kang inspired eh.. Pambubuska ni Lilia sa kaibigan.Malaking order kase ito Mars, sayang kung hindi sila maka ulit sa atin db? Sa tiyaga mong mag sales talk sa Baguio, dapat lang na ayusin ko trabaho ko. Ang ganting sagot ni Dale sa kaibigan..
Bigla namang nalungkot si Lilia, ng biglang maalala na baka bigla ng umalis si Dale at Ked sumama kay Atty. Edward
Alaaaaam ko na yang ganyang mukha Mars, hindi pa namin napag uusapan ni Edward ang pagsama sa kanya, ayomong biglain si Ked, kailangan pa naming ibalanse ang sitwasyon. Si Ked ang mag susuffer pag nagkataon. Ang paliwanag ni Dale.
Naiintindihan ko naman Mars kung sumama kayo kay Edward, pamilya kayo eh, kaso malulungkot ako ng sobra kase isa ka na rin sa Pamilyang tinuturing namin ni Malia. Ang nakalabing sagot ni Lilia.
May mga naiwan ako sa Maynila na Pamilya ko, na lubos na ring nag aalala sa akin at kay Ked, pero mag aalala at malulungkot din ako pag sakaling umalis kami dito ni Ked. Naguguluhan din ako Mars. Alam mo namang na sa loob ng limang taon na pamamalagi ko dito, hindi ako tinuring ng sinuman na iba dito sa Sitio Payapa. Malaki ang utang na loob ko sa Sitio na ito lalo na sayo Mars. Mahal na mahal kita kayo ni Malia alam mo yan. Dagdag ni Dale sa sinasabi nya.
Matuling lumipas ang maghapon. Napick up ang order na mga 500 pcs Roses paMaynila.
Naisa ayos naman nina Edward lahat ng mga hinaing ng mga Sitio Payapa, naisulat nya sa Calendar Notebook nya ang mga posibling matugunan ng agarang solusyon.
Mabilis lumipas ang mga Araw, isang Linggo na si Edward Sitio Payapa. Ang saya saya ng pamamalagi nya rito, nagkaroon sila ng Quality time ng knyang anak at ng kanyang minamahal na si Dale.
Meanwhile....
Nag papanic na si Laura, dahil isang linggo na nyang hindi nakakausap si Edward, hindi nya rin ito matawagan, hindi nya mawari kung lowbat ba ang cellphone nito or walang signal. Kailangan may gawin ako ang usal ni Laura sa sarili, aakyat ako ng Sagada hahanapin ko si Edward.
Buo na ang pasya ni Laura kinaumagahan isasakatuparan na nya ang kanyang planong paghahanap kay Edward.
Author's Note...
(Hahahaha enidit ko, dami ko typo, inaantok na kase ko hindi ko na alam mga pinagtatype ko.. Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay, sobrang sorry kase sobrang lagi ko kayong pinag hihintay..)
Abangan ang susunod na tagpo, ano ang mangyayari sa paghahanap ni Laura.
At ano naman kaya ang maging resulta ng pag uusap ni Dale at Edward tungkol sa pagsama nilang Mag ina pabalik ng mAynila..
😘😘😘😍😍😍
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
RomanceIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...