Dadating ang Pamangkin ni Teacher Chell galing Probinsya kaya sinundo nila ito sa Terminal ng Bus.Siya si Anne, 23 years old nagtapos ng Kursong Edukasyon, plano nyang sa Maynila mag hanap ng Trabaho at sa Tiyahin nyang Si Chell siya tutuloy.
Magkakasundo kayo ng Pamangkin ko panigurado Dale, may Makakasama na tayo sa bahay. Isang sawi din yon, dapat ay ikakasal na sana siya ngunit yong Nobyo nyang Seaman ay nagloko at nakabuntis ng katrabaho nya sa Barko, labis na dinamdam ito ni Anne kaya pinilit nyang ilayo ang sarili sa ibang tao, hindi na siya pumapasok sa Paaralang pinagtratrabahuhan nya dahil lagi siyang usap usapan ng mga co-teachers nya. Dinamdam nya ito. Kaya nagpasya ang Kuya ko na Tatay nya na pumirmi muna sa poder ko. Ang kwento ni Teacher Chell kay Dale.
May pakiusap ako sayo Dale, pwde bang Tita na lang din ang itawag mo sa akin? Hindi kana iba sa akin Iha, dagdag ni Chell.
Naluluha si Dale sa turan ng Guro, sadyang mapalad pa rin siya dahil, may kumukopkop skanya na parang sariling pamilya, namimiss na rin kase talaga ni Dale ang Tiyahin nyang si Liezl.
Tumayo si Chell ning may dumating na Bus galing Bicol, alam nya kase lulan na ito ng Pamangkin, matagal nya rin itong hindi nakita kaya sabik na sabik na rin ito, matagal na rin kase siyang hindi nakakauwi sa Probinsya nila.
Bumababa ang isang Dalagang mahaba ang buhok at may taas na 5'6, balingkinitan ito at mejo may kaputian.Nagmano ito kay Teacher Chell at
Yumakap ito ng mahigpit sa huli.Nagkamustahan sila ng pandalian at biglang inakay ni Chell ang Pamangking si Anne kung nasaan si Dale, oh siya nga pala siya Si Dale, isang ampon ko na kasa kasama ko ngayon sa bahay, Dale ito naman ang Pamangkin kong si Anne na kinukwento ko sayo. Nagkamay ang dalawa, ngitian ni Dale ang dalaga at niyakap nya din ito, Maligayang pagdating sayo Anne ang saad ni Dale.
Tara muna at mananghalian, tiyak panigurado gutom kana iha.
Nagpunta sila sa isang malapit na FastFood.
Omerder sina Dale at Teacher Chell ng makakain nila habang naghihintay si Anne sa Lamesa na kasya sila.Habang kumakain sila, kamustahan sila ng kamustahan, mababakas naman sa mata ni Anne ang lungkot, matapos kumain nagpasya ang Tatlo na umuwi na sila ng bahay. Habang nasa Byahe nakatanggap si Dale ng isang mensahe galing kay Atty. Edward
Sabi:
Kamusta? Napadaan ako sa bahay nyo kanina nakakandado ang gate nyo.Sinagot nya ang mensahe ng: Ngpunta kami ni Tita Chell sa Bus Terminal sinundo namin ang pamangkin nyang si Anne galing pa sa Bicol, pero pauwi na rin kami.
Tumawag naman si Edward.
Napatawag ka pa? Sumagot na ko, sabi ni Dale, mejo mahina ang turan nya sapagkat magkakatabi lang sila sa pang tatluhang upuan.
Ah ganun ba? Cge daan na lang ako sa inyo mamaya. Turan ni Edward.
Wag na lang muna siguro kase marami pang pag uusapan sina Tita at mg pamangkin nya, nakakahiya naman kung pupunta ka Atty. Ang magalang na pagtanggi ni Dale na siyang naunawaan naman ng Abogado.
Ai Atty. Ba yon Dale? Tanong ni Chell,
Opo siya nga po, pupunta daw po siya mamaya kaso tinutulan ko naman po, sa ibang araw na lang po kako.
Tumango lang ang Guro.
Bibit ng Guro ang Bag ni Anne habang binubuksan naman ni Dale ang gate nila.
Nakapasok na sila ng magpasya si Dale na magtimpla ng malamig na Maiinom para sa kanilang tatlo.Ipapaayos ko pa ang Kwarto mo Anne, mung gusto mo sa Kwarto ko na lang ikaw muna o gusto mo sa Kwarto ni Dale para magkakilala kayong mabuti.
Cge po Tita sa Kwarto na lang po ni Dale, ngumiti si Dale sa sagot ni Anne aayusin ko muna ang kwarto ng sa ganun makapag pahinga ka muna ang saad ni Dale.
Samahan na lang kita Dale ani ni Anne, kaya si Chell pumunta sa Kwarto nya at kumuha ng Extra Unan at Kumot.
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
RomanceIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...