Pagka tapos naming kumain lumabas muna kami ni kazzy para magpa hangin ulit.
"What if kazzy may lakakeng mag mamahal ulit sayo pero natatakot siyang mag sabi sayo?." Napatingin kaagad si kazzy sa akin na para bang nag tataka siya kung ko tinatanong yon.
"Ha? Kumain lang tayo ganyan na mga naiisip mo? Anyare?." Natatawa niyang tanong pabalik sa akin. "Pero kung meron man, then patunayan niya na worth it ang ibibigay kong tiwala at pag mamahal sakaniya. You know naman ayoko na ulit masaktan. I know for that time baka ikamatay ko. Joke. But on a serious note, I want him to prove him self that his worth it. Na hindi masasayang ang pag mamahal na ibibigay ko, dahil kapag ako ang nag mahal? Buong buo ang ibibigay ko." Sagot niya sa akin. Napaka swerte ng magiging boy friend ni kazzy, mapag mahal siya kaya tanga nalang siguro ang mananakit sakaniya.
"Ang swerte siguro ng magiging boy friend mo kung sakali." Ngumiti siya sa akin at sa ngiting yon naka ramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
"Bolero! Ikaw talaga!." Hinampas hampas niya ako sa braso ko.
Masakit pero bakit ganon hindi ko magawang sabihin na nasasaktan ako.
"Ouch. Tama na. Baka masugatan mo yong gwapo kong mukha eh." Natawa nalang ako sa sinabi ko. Pati siya natawa din. "Pumasok na tayo, nag gagabi na eh isa pa malamig na din." Tumango nalang siya at nag lakad kami papuntang hotel.
Bago pa man kami maka pasok sa hotel nag vibrate ang phone ko kaya binuksan ko at tinignan ko muna kung sino.
Sabi na hindi ka mapapakali.
"Ah kazzy? Una ka na. May pupuntahan pa pala ako." Tinignan niya ako.
"Sige. Pero saan ka pupunta?." Nag tatakang tanong niya.
"Ah may kikitain lang ako." Nginitian ko siya para mapanatag siya.
"Sige. Bumalik ka kaagad, malamig na eh." Ngumiti siya pabalik sa akin.
Nakaramdam ako ng lamig pero pinilit kong mag wave kay kazzy.
Ngayon, mag uusap kami ni jers. I know his mad. Pero kasalanan niya, hindi siya pumunta sa tabi ni kazzy eh.
Nakita ko kaagad siya sa bench malapit sa dagat.
"Anong sasabihin mo?." Malumanay na patay malisya kong tanong.
"Naka balik na ba si kazzy sa hotel?." Napangisi nalang ako dahil sa tanong niya.
"Oo. Hinatid ko siya kanina kaya wag ka ng mag alala sakaniya." Naka ngising sagot ko sakaniya.
Halatado siya masyado.
"Close pala kayo? Ngayon ko lang alam." Ughm. Sabi na eh. Kilalang kilala ko siya.
The way he speaks. Alam kong nag seselos siya at nag pipigil siya. Kilalang kilala ko siya.
Maloloko niya ang lahat pero maliban sa akin. Alam ko kung kailan siya tunay na ok at kung kailan hindi, alam ko din kung kailan siya nag sasabi ng totoo at kung kailan hindi, alam ko din kong nag seselos siya oh hindi. Kabisado ko na ang galaw niya.
"Hindi naman. Nilapitan ko lang siya kanina dahil naawa ako sakaniya." Napatingin ako sakaniya na naka tingin sa dagat.
"Alam mo naman siguro na bawal natin magustuhan si kazzy, rules yan ni tandang karl." Napangisi nalang ako sa mga sinasabi niya.
Kumuha nalang ako ng beer na naka lagay sa baba at uminom.
"Alam ko yon. Hindi naman mahalaga ang rules kung tunay mong mahal yong isang tao." Ngumisi siya sa sinabi ko.
Kumuha din siya ng beer na nasa baba at ininom niya muna yon.
"Alam mo ang kapalit non hindi ba?. " nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Our Story
RandomMay sarili tayong storya na kung saan mararanasan natin ang saya, hirap, kapaguran, sukuan, at sakitan pero sa bandang huli kung ipagpapatuloy mo ang naumpisahan mong storya makikita mo at malalaman mo kung anong ending niyo. Happy ending, sad endi...