Kazzy.
Habang nag kakatuwaan kami ay naka ramdam ako ng pagkahilo pero hindi ko nalang ipinahalata at nakipag laro lang ako.
"Nasan na ba yong piso na 'yon?." Bulong ko sa sarili ko.
May biglang sumigaw kaya napalingon kami sa isang lalake.
"Ate nakuha ko na po! Napunta po yata don, dahil sa galaw ng tubig na ginagawa niyo." Ini-abot sa akin ng lalake yong piso.
"Ah salamat.." Nginitian ko siya.
Umayaw na ako dahil sa masakit na ang ulo ko.
Pinatong ko ang ulo ko sa lap ni kuya karl. Bigla nalang niya akong tinignan.
Ipinikit ko ang mata ko dahil ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko para akong bulkan na nag iinit na konte nalang sasabog na.
Naiiyak na ako dahil sa hilo at sakit ng ulo ko, hindi ko din maigalaw ang ulo ko para masabi kay kuya na nahihilo ako at masakit na ang ulo ko.
Napapikit ako ng sobra at feeling ko...mawawalan ako ng malay..
Unti-unti akong napapikit at nong naramdaman kong itinaas ni kuya ang ulo tska ko naman naramdaman ang pagkawala ng hangin ko.
"Alalayan niya siya sa baba para maitaas natin siya!." Yan nalang ang huling boses ni kuya na narinig ko bago na talaga ako mawalan ng malay....
--
Nagising ako sa sakit ng ulo ko, unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Nasa kwarto ako? Iniikot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si kuya na naka patong ang ulo niya sa kama ko.
Ginalaw ko ang mga kamay ko para magising siya pero hindi yata niya naramdaman, pagod siguro siya.
Iba na din ang damit na suot ko ngayon, ano bang nangyare?
"Kuya..kuya karl?." Unti-unting itinaas ni kuya ang ulo niya at napatingin siya sa akin.
"Ok ka na ba? May masakit sayo?." Nag-aalala niyang tanong sa akin.
Umiling ako.
"Anong nangyare? Bakit ako nandito sa kwarto?." He let a heavy sigh bago ako sinagot.
"Nawalan ka ng malay habang nasa pool tayo, mainit ka kaya dinala ka namin kaagad dito sa kwarto mo." Paliwanag niya.
Hinawakan niya ang noo ko para icheck kung mainit pa ako.
"Hindi ka na masyadong mainit, kukuha lang ako ng pagkain at gamot. Dito ka lang, ok? Papunta na din sila stacey dito." Seryoso niyang sabi.
Sakto din na pagkasabi niya nom ay bumukas ang door ng unit ko at pumasok sila stacey.
"Hi besty!." Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang pisngi ko.
"Hello, sorry kahapon ha?." Pagkasabi ko non pinaningkitan niya ako ng mata. "At para saan yang paniningkit na yan?." Tanong ko.
"May sakit ka na pala, hindi mo man lang sinabi kahapon ayan tuloy nawalan ka ng malay!." Tinarayan niya ako bigla.
Napangiti ako bigla, shes so sweet maldita ngalang.
"Sorry na, mag sasabi na ako sa susunod." Ngumiti nalang siya sa akin bago tumingin kay kuya karl.
"I'll take care of her, go ahead buy medicine." Tumango si kuya bago ulit tumingin sa akin.
"Babalik ako, ok?." Humalik siya sa nuo ko bago lumabas.
Umupo si stacey sa tabi ko.
"Alam mo bes? Yong tingin ni Jers sayo kahapon, kakaiba. Lalo na nong nawalan ka ng malay sa pool, siya ang unang bumaba para alalayan ka pataas galing sa baba." Napatingin ako sakaniya.
YOU ARE READING
Our Story
RandomMay sarili tayong storya na kung saan mararanasan natin ang saya, hirap, kapaguran, sukuan, at sakitan pero sa bandang huli kung ipagpapatuloy mo ang naumpisahan mong storya makikita mo at malalaman mo kung anong ending niyo. Happy ending, sad endi...