Kazzy.
Pagpasok ko sa loob ng hotel umakyat na ako kaagad sa room na nakalaan sa akin.
Aaminin ko nakakapagod 'tong araw na 'to. Ang daming nangyare.
Pag dating ko sa tapat ng room ko pumasok ako kaagad at humiga sa kama.
Naalala ko na naman yong pag uusap namin ni Ars. Hindi ko inaasahan na mag tatanong sa akin ng ganon si Ars kaya nagulat ako.
"I didn't expect me to be loved Ars. Hindi ako magaling mag mahal, dahil kung oo, Hindi ako iiwan ni freddie at ipagpapalit kay jaycel." Bulong ko sa sarili ko.
Totoo naman eh. Kung magaling akong mag mahal edi sana hindi ako ipinag palit ni freddie, at ang masama pa doon at sa best friend ko pa slash pinsan.
Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Kung minahal ko sana ng sobra sobra si freddie hindi sana niya ako ipagpapalit sa pinsan kong best friend ko.
Sabagay ang alam ko lang noon ay puppy love not exact love.
Sana bukas may mahal na ako, sana paggising ko bukas may nag mamahal na sa akin ng buo at tunay.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ko ng makatulog ako.
This day is the day I will move forward.
Good night........
--
Nagising ako sa sikat ng araw na nangaggaling sa labas.
"Good morning world." Bulong ko sa sarili ko bago tumayo.
Ngayon ang first day ng bonding namin with the four's.
Kumuha ako ng mga gagamitin ko sa kabinet bago pumasok sa cr ng room na 'to.
Trenta minutos akong naligo dahil inenjoy ko yong tubig na malamig. Ang sarap sa pakiramdam.
Pag labas ko nag bihis ako kaagad at nag lagay ng pabango sa batok ko at sa katawan ko.
Hunarap ako sa salamin na may ngiti sa mga labi ko.
"I'm so prerty." I whispered.
Lumabas na ako ng room after kong mag ayos. Dumiretsyo agad ako sa open area dahil nandon sila mama.
"You look so pretty today anak, good morning." Bati sa akin ni mama.
"You too omma, good morning." Bati ko din sakaniya.
Actually hindi halata kay mama na may edad na siya.
37 na si mama pero nag mumukha parin siyang bagets.
"Wow manang ang ganda mo yata ngayon, good morning." Nakangiting bati sa akin ni kuya karl.
"Maganda naman ako at all times, good morning din tanda." Nag bago bila ang timpla ng mukha niya nong sabihin kong tanda.
"Sige tawagin mo akong tanda, papapangitin kita." Seryosong banta sa akin.
"Mama oh! Si kuya karl inaaway na naman ako!." Pag susumbong ko.
"Biro lang lilsis. Ito naman 'di ka pa mabiro." Pag lalambing niya pero inirapan ko nalang siya.
"Mukhang wala pa yong mga tatlo ah? Umuwi na ba sila?." Pag iiba ko ng usapan.
Pero bigla silang dumating, aba on time?
"Sinong unuwi best friend?." Naka ngiting pam bungad sa akin ni jasper.
"Akala ko umuwi ka na. Oh hi Ars." Napatingin sila sa akin at kay ars na para bang nag tatanong kung bakit siya lang binati ko. "Hi, jers." Dagdag ko nalang.
YOU ARE READING
Our Story
RandomMay sarili tayong storya na kung saan mararanasan natin ang saya, hirap, kapaguran, sukuan, at sakitan pero sa bandang huli kung ipagpapatuloy mo ang naumpisahan mong storya makikita mo at malalaman mo kung anong ending niyo. Happy ending, sad endi...