Nagising ako sa ingay nila jasper at Ars."Eh kasi nga pagkain ko yon! Kinuha mo eh!." Seriously? Pagkain na naman pinag aawayan nila?
"Eh wala ka namang nilagay na pangalan eh! Kaya ayon kinain ko!." Sigaw pabalik ni Ars.
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para di sila marinig na nag tatalo, masyado akong gwapo para mahaggard.
"Eh porket walang pangalan?! Nakita mo naman na ako ang nag lagay non eh!." Agghhhh! Sumasakit ulo ko sa dalawang 'to.
"Ang damot mo talaga. Pagkain lang yon eh!." Ayaw talaga nilang tumigil?
"Kakainis ka naman! Nagpa cute pa ako sa nag titinda niyan!." Kaya pala. Pacutero talaga to.
Badtrip kulang pa ako sa tulog.
"Edi mag pa cute ka ulit don!." Diko na talaga kaya.
"Ano ba?! Pwede ba manahimik kayo! Natutulog ang tao eh!." Napatigil sila sa pag aaway nila tapos napatingin sila sa akin.
"Eh kasi tong si Ars nangunguha ng pagkain!." Pag mamaktol ni jasper.
"Magsi-layas kayo dito. Mga badtrip kayo sa pag tulog ko!." Hinagis ko sakanila yong unan sa gilid ko.
"Ito na aalis na nga eh." Napakamot nalang sa ulo niya si jasper. "Ito kasi ayan tuloy napa layas tayo!." Pag babangayan nilang dalawa habang papunta sa pinto.
Asan si jers? Wala siya dito ah?
"Sandali. Asan si ugok?." Napatingin sila sa akin.
Tangina ang sakit ng katawan ko at ulo ko dahil sa hindi kompleto ang tulog ko.
"Nasa labas kasama nila sila angel." Napatingin ako sakanila.
"Angel?." Nag tataka kong tanong.
"Oo. Si xyne angel nasa baba sila." Napa buntong hininga nalang ako.
Akala ko si angel lexia na.
"Sige layas na." Lumabas naman sila kaagad kaya ako, balik higa at tulog.
Hindi pa ako nakakaidlip oh tulog bigla nalang bumukas ang pinto at nakita ko si kazzy.
Hinayaan ko siyang pumasok. May kinuha siya sa mga gamit ni Ars bago siya umalis.
Ano kaya yon? Aish ang aga aga may babantayan na naman ako.
Baka trust yon. Hay nako ano ba 'tong pinagi-iisip ko.
Pero paano kung oo nga? Ayoko pa mag karoon ng pamangkin. Lagot talaga silang sa akin kapag may ginagawa silang kabalbalan, lalo na si ars. Mabubugbog ko yon.
Pero sangayon, natutulog muna ako.
Nakatulog ako pero nagising ulit ako sa ingay nila jasper at ars na naman.
Para talaga silang aso't pusa na nag aaway.
Hinayaan ko nalang sila at pinanatili kong naka pikit ang mga mata ko.
"Oo nga! Maganda pero hindi sexy kaya panget parin! Mas maganda best friend ko don!." Pag angal ni jasper kay ars.
"Oo na, oo na! Pero maganda din yon!." Tangina kanina pag-kain. Ngayon babae naman?
Hindi ko na kaya 'to. Ako nalang lalayas.
"Hay nako! Ako na nga aalis! Hindi ako makakatulog kapag kasama ko kayo, palagi kayong nag aaway!." Binuksan ko ang pinto at padabog na sinara yon.
Inaantok pa ako, kay manang muna ako makikitulog.
*ding dong*
Nakakatatlong ding dong palang ako pinag buksan na ako ni kazzy.
YOU ARE READING
Our Story
RandomMay sarili tayong storya na kung saan mararanasan natin ang saya, hirap, kapaguran, sukuan, at sakitan pero sa bandang huli kung ipagpapatuloy mo ang naumpisahan mong storya makikita mo at malalaman mo kung anong ending niyo. Happy ending, sad endi...