Annyeong thanks sa pag basa ng story.
Jers
Ugh! Bakit kasi ang manhid manhid niya? Hindi ba niya alam na gusto ko siya?
Damn! Almost 3 years ko na siyang gusto pero hindi parin niya alam?
Sabagay, may mahal siya noon. Si freddie, yong gagong nanloko sakaniya noon.
Hanggang ngayon gusto parin niya ang mokong na 'yon.
"Hi Jers! Whats up?" Napatingin ako sa kakarating lang na si denver.
"Hi dev. I'm doing good, how about you?" Umupo siya sa tabi ko .
"Talaga? Eh kamusta na kayo ng 'crush' mo na kasali na ngayon sa grupo natin?" Tinignan ko siya ng masama pero ang loko tumawa lang.
"Ayon hindi parin niya alam na may gusto ako sakaniya, ang manhid eh" Napatawa na naman siya ng mahina.
"Hindi siya manhid jers.." Tinignan niya ako ng seryoso "sadyang torpe ka lang" nginisian niya ako.
Sasagot na sana ako ng bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok sila..kazzy.
"Wag ka masyadong tumitig baka matunaw ng di oras" pang aasar sa akin ni dev.
"Hi!" Bati nila sa amin.
As usual si kazzy naka suot parin ng head phone habang nag lalakad.
Maganda din boses niya kaya tamang tama lang na naka suot siya minsan ng head phone dahil naibabagay sakaniya.
"Ok guys, ito ang mga steps and positions na nagawa ko na kagabi.." Tumingin ako kay kazzy na nag tanggal ng head phone niya.
"Then?" Tipid niyang tanong.
Napa ngiwi nalang ako. I know na Choreographer siya kaya matindi siya mag isip lalo na sa mga part to part.
"Kazzy ikaw ang face natin sa choreo na ito. Kaya sa harap ka katabi ni denver at ako. Then ang iba naman ay papalibot at mapagpapagitnaan si melonie" agad nilang ginawa ang inutos ko dahil na din siguro sa ayaw nilang mapagalitan.
"Pwedeng mag suggest?" Singit ni kazzy.
This is it, tama nga sila. Kapag may nakita siyang hindi maganda isasaayos niya.
"Ok go on" hinayaan ko siyang mag ayos ng mga formation.
Wala naman akong angal dahil mas nag paganda nga iyon.
"It is okey kung ganito ang formation? Hindi kasi pwede na maraming babae ang nasa likod" tumango nalang ako bago pumunta sa tabi nila ni dev.
"Ok sabayan niyo ako. Sabihan niyo ako kung may hindi kayo magets na step at kung may papalitan kayo" napatingin ako kay kazzy na naka tingin sa akin.
After ng mga steps wala namag umangal pero habang nag papahinga kami sa mga bleachers lumapit sa akin si kazzy.
"Jers pwede bang mag add na tayo kaagad ng steps ngayon?" Napatingin ako sakaniya.
Imposible yon eh, mahirap ng masundan.
"Bakit?" Tipid kong sagot.
"Kasi by saturday laban na ninyo ng basketball hindi ba? Hindi tayo makakapag focus" ay oo nga pala. Buti pa siya naalala niya.
Pero "wala pa akong naiisip na mga steps eh" sagot ko sakaniya.
"Don't worry. Try natin tong nabuo ko kanina habang nag pa-practice tayo" hindi ako nag kamali na kunin siya sa grupo ko.
"Sige try na natin?" Tumango siya kaya tumayo ako at sabay kaming bumaba ng court.
Maganda ang mga steps niya. Choreographer na choreographer talaga.
YOU ARE READING
Our Story
De TodoMay sarili tayong storya na kung saan mararanasan natin ang saya, hirap, kapaguran, sukuan, at sakitan pero sa bandang huli kung ipagpapatuloy mo ang naumpisahan mong storya makikita mo at malalaman mo kung anong ending niyo. Happy ending, sad endi...