Naka upo na ako ngayon sa gitna ng VAN sa tabi ni jers at ars.Tumahimik na din si stacey at jasper dahil pumagitna na sakanila si kuya karl.
Buti nalang at tinawag ako ni Ars para tumabi sakanila.
Gosh stress ako sakanilang dalawa ha? Hindi ko kinaya ang bangayan nilang dalawa.
Kinuha ko ang phone ko and ear phones ko sa bag. I need to rest.
Sinara ko ang mga mata ko at hinayaan kong makatulog ako.
Hindi din nag tagal nakatulog na nga ako.......
----
"Kazzy? Wake up, nandito na tayo." Minulat ko ang mata ko dahil sa pag tawag ni kuya karl sa pangalan ko.
"What time is it?." Kinusot kusot ko ang mga mata ko tska ako umupo ng maayos.
"Oras na para bumaba ka ng sasakyan ko..may pupuntahan pa ako kaya alis na" hinila niya ako pababa ng van niyang wala man lang kamuwang muwang.
Ang sweet talaga ng kuya ko noh? Sarap sapakin.
"San ka naman pupunta?" Pag tataray ko sakaniya.
"Sa minamahal ko.." Pumasok soya ng sasakyan niya ng hindi man lang hinihintay ang sagot ko.
May minamahal na ulit si kuya? Oh my gesh!
Napatingin ako sa phone ko na bigla nalang tumunog.
One text message from Jers.
Psh. Anong kailangan nito?
"Hey kaz. 3:30 tomorrow sa office ng president. Thats all" ay oo nga pala kami ang napili nilang sumali sa dance competition.
"Mama I'm home!" Bati ko pag pasok ko sa bahay.
Walang tao? Si kuya alam ko na wala pero si mama? Nasan siya?
"Mama? Nandito ka ba? Nandito na ako" pag uulit ko sa sinabi ko kanina.
"Ah kazzy ang mama mo ay wala, lumabas siya papuntang Baywalk" salubong ni aleng saly.
"Ah ganon po ba? Sige po aakyat na po ako sa taas" nag excuse ako bago pumuntang kwarto.
Humilata ako kaagad sa kama ko pagka pasok na pagka pasok ko.
"Hay nakakapagod" bulong ko sa sarili ko.
Teka nga? Saan ako mapapagod?
Napatitig ako sa phone ko dahil sa pag flash ng pangalan ni Ars doon.
Alam ko kung bakit ako nag kakaganito ngayon, alam ko sa sarili ko 'yon.
Alam kong si freddie parin ang gusto ko pero bakit ganito?
Magaling lang talaga siguro akong mag tago ng nararamdaman kaya naman maging ako'y hindi ko din napansin.
"Kazzy! May bisita ka!" Napatayo ako kaagad sa kama ko ng maeinig ang sigaw ni yaya saly.
Bisita? Sino? Omy baka killer siya? Mamamatay tao. Wala pa man din si kuya.
Teka ang OA ko. Kung killer man siya bakit pa isisigaw ni yaya na may bisita? Psh.
Inayos ko ang nakusot kong damit sa pagkaka higa bago ako bumaba ng kwarto.
"Yaya sino po?" Napangiti sa akin ng kakaiba si yaya.
"Nasa may salas siya" hindi ko na pinansin si yaya at nag lakad na ako papunta sa salas.
"Hi kazzy!" Napalaki ako ng mata dahil sa mga nakita ko.
YOU ARE READING
Our Story
RandomMay sarili tayong storya na kung saan mararanasan natin ang saya, hirap, kapaguran, sukuan, at sakitan pero sa bandang huli kung ipagpapatuloy mo ang naumpisahan mong storya makikita mo at malalaman mo kung anong ending niyo. Happy ending, sad endi...