Chapter 9

3.9K 73 0
                                    

HINDI makapaniwala si Tazmania na nasa ospital siya sa ikalawang pagkakataon nang dahil kay Odie. This time, he had been bitten by a dog for saving that accident-prone woman. Pero kalmado na siya ngayon dahil naturukan na siya ng antirabies vaccine at ayon naman sa doktor na gumamot sa kanya kanina, ligtas na siya.

Sa ngayon ay nasa ward siya, hinihintay si Odie na binayaran ang hospital bills niya bilang pasasalamat daw at paghingi na rin ng dispensa. Hindi niya gusto na ang babae ang gumagastos para sa kanya, pero nawalan na siya ng lakas para makipagtalo pagkatapos ng nangyari kaya hinayaan na niya ang dalaga.

"Tazmania?"

Nalingunan ni Tazmania si Odie na tila nag-aalangang lumapit sa kanya. Hiyang-hiya siguro ito dahil sa nangyari. He forced a smile to encourage her to come closer. "Hey, Odie. Okay na ba? Puwede na ba 'kong lumabas ng ospital?"

Doon lang lumapit sa kanya si Odie. There was guilt in her eyes. "Oo, clear ka na for discharge." Humugot ito ng malalim na hininga bago siya tiningnan nang deretso sa mga mata. "Tazmania, I'm sorry. I really am."

Bumuntong-hininga rin si Tazmania. "Odie, kanina ko pa sinabing okay lang ako at pinapatawad na kita. Stop apologizing, okay?"

"I feel guilty..."

"Why did you throw rocks at the dog, anyway? Alam mo bang magwawala ang PETA kapag nalaman nila ang ginawa mong 'yon?"

Napapiksi si Odie, saka nag-iwas ng tingin. "N-natakot kasi ako nang makita kong umuungol 'yong aso. Akala ko aatakihin niya 'ko, kaya binato ko siya para paalisin."

Tinitigan ni Tazmania si Odie. Kunsabagay, sa laki ng asong iyon, hindi niya masisisi si Odie kung natakot man ito. At siguro, walang alam si Odie sa mga aso kaya nataranta ang dalaga. "Next time, don't throw anything at dogs. Kung natatakot ka, huwag mong ipahalata. Basta kalmado ka lang dapat habang naglalakad. Huwag kang tatakbo dahil lalo ka lang nilang hahabulin."

Tumango si Odie, hindi pa rin makatingin sa kanya. "Okay. Thanks."

Ah, Odie probably felt guilty and Tazmania couldn't help but think it was cute. Napangiti siya dahil natutuwa siyang makitang nag-aalala ang dalaga sa kanya. "Don't feel guilty, Odie. Ako naman itong nagkusang iligtas ka. Hindi naman kita sinisisi sa nangyari."

Nag-angat ng tingin si Odie. May takot sa mga mata nito. "M-mamamatay ka ba dahil sa rabies?"

Lumuwang ang ngiti ni Tazmania. "No, silly. Naturukan na ako ng vaccine so I'm good as new."

Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Odie, at pabulong na tinanong: "Oh. Hindi ba nakamamatay ang rabies?"

Nawala ang ngiti ni Tazmania. "Gusto mo ba 'kong mamatay?"

Tila natauhan naman si Odie. Nanlaki ang mga mata nito, saka mabilis at mariing umiling. "Hindi, hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Nag-alala lang ako na baka malala 'yong rabies at baka mamatay ka dahil sa 'kin. I'm sorry."

Ah, akala niya gusto ni Odie na mamatay siya sa rabies. Siguro ay natakot talaga ito sa nangyari kanina kaya natataranta pa rin ito hanggang ngayon at kung ano-ano na ang nasasabi. "Tara na. Ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na."

"Paano ang interview?"

"Ituloy na lang natin bukas," sabi na lang niya, sabay gawa ng mental note sa isip na i-cancel ang meeting niya bukas.

Hay. Ano ba 'tong ginagawa ko para sa babaeng 'to?

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon