Chapter 16

3.8K 74 0
                                    

NAGISING si Tazmania na masakit ang katawan, at puyat. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil mukhang namamahay siya. Hindi siya komportable sa bagong tulugan niya.

Maliit ang "storage room" na iyon sa lugar ni Odie. Hindi nga kasya ang kama roon, kaya binigyan na lang siya ni Odie ng foam na inilatag niya sa sahig kagabi para higaan. Medyo mainit sa kuwarto dahil bukod sa walang bintana, sira din ang air conditioner. Kaya isang electric fan lang ang nakatutok sa kanya para maging komportable siya.

Nailipat na niya ang kanyang mga damit sa maliit na cabinet, at nadala ang ilang importanteng gadget gaya ng iPad at laptop niya. Pero masyadong masikip ang kuwarto para madala niya ang kanyang TV.

Bumangon si Tazmania at naiinis na ginulo ang buhok. "Shit. Ano'ng kagaguhan ba 'tong pinasok ko?"

Ilang beses na rin niya iyong naitanong sa sarili kagabi, pero wala pa rin siyang nahanap na matinong sagot. Gusto niyang pigilan si Odie sa balak nitong pagpapakamatay dahil iyon ang tamang gawin, dahil kargo de konsiyensiya niya ang dalaga kapag nagkataon. Pero kailangan ba talaga niyang magsakripisyo nang ganoon para lang makatulong sa isang estranghera?

Biglang pumasok sa isip niya ang imahen ng likod ni Odie habang nakatayo ito sa dulo ng platform sa MRT station. Kahit nakatalikod ang dalaga mula sa kanya noon, napansin niya ang matinding kalungkutan nito base pa lang sa bagsak nitong mga balikat. Nang dahan-dahan itong humakbang na animo ay tatalon na habang mabilis ang andar ng tren, may kung anong nagising sa damdamin niya—awa.

Aside from love, hate, and fear, he didn't know there was one more powerful feeling a person could possess—pity. At si Tazmania ang tipo ng tao na naniniwalang bale-wala ang pagkaramdam ng awa kung walang kaakibat na tulong. Kaya iyon ang ginagawa niya ngayon.

I'm so fucked up, iiling-iling na sabi ni Tazmania sa isipan, bago hinila ang sariling tumayo at lumabas ng kuwarto para magbanyo. Nang subukan niyang pihitin ang seradura, doon lang niya na-realize na naka-lock iyon.

Ah, ginagamit siguro ni Odie ang banyo. Nakalimutan niyang iisa lang ang banyo sa palapag na iyon. Mayroong banyo sa ibaba, pero hindi iyon puwedeng liguan.

Dahil inaantok pa, humiga muna si Tazmania sa sofa. Mapipikit sana siya nang may makitang botelya sa ibabaw ng center table. Kinuha niya iyon at inalog. Base sa narinig niya, pills ang laman ng botelya. Pero nakapagtatakang walang label ang bote.

Sleeping pills kaya 'to? Pero bakit walang label? At bakit nakakalat lang dito?

Masama ang kutob niya sa pills na iyon, kaya ibinulsa na lang niya iyon at itatapon mamaya paglabas niya. Siguradong kay Odie iyon, kaya sigurado rin siyang masama ang magiging epekto ng gamot na iyon sa dalaga. Kabisado na niya ang "listahan" ni Odie, kaya may ideya siya sa kung para saan ang gamot na iyon.

I'm sorry, Odie. But we have to cross number four out of your list. I won't let you take medicines which are probably expired.

Nang marinig ni Tazmania ang pagbukas ng banyo, mabilis siyang nagpanggap na natutulog. Pero mahirap palang magpanggap, lalo na't biglang napuno ang buong palapag ng mabangong amoy ni Odie. Amoy-baby ito, na dahil siguro sa ginamit nitong shampoo at sabon. Ang amoy na iyon pa naman ang gustong-gusto niya sa mga babae.

Ah, shoot me.

Pasimpleng iminulat niya ang isang mata. Nakita niya si Odie na tila may kung anong hinahanap sa ilalim ng mesa. Doon na siya kumuha ng timing para "gumising." Nag-inat siya at naghikab pa kunwari. "Good morning, Odie."

Binigyan siya ng distracted na tingin ni Odie. "Good morning, Tazmania. May nakita ka bang botelya dito kanina?"

Tazmania took a good look at her first. Hindi niya napigilang hindi humanga sa magandang hubog ng katawan ni Odie na kitang-kita sa suot nitong sando at maiksing shorts. Mukhang nakabihis ito para tumakbo. God, her skin was flawless. Pantay ang pagkaputi nito sa lahat ng parte ng katawan. She looked so smooth and so soft. At ang sexy tingnan ng basang buhok nito na nakalugay lang. Pilit niyang ibinalik agad sa mukha ng dalaga ang atensiyon niya bago pa nito mahalata ang ginagawa niya.

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon