BIGLANG nahiya si Odie nang makita kung gaano kalaki at kaganda ang studio na ipapagamit sa kanya ni Tazmania nang libre. Iyon ang klase ng studio na ginagamit talaga sa pictorial, at talagang kompleto pa iyon sa mga kagamitan.
Ang mas ikinagulat niya ay nang dumating si Tazmania kasama ang kaibigan daw nitong professional photographer—na nagkataong ang professional photographer pala ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas!
Hindi pa natapos doon ang sorpresa ng binata dahil mayamaya naman ay dumating ang stylists na hinanda nito para sa kanya at sa mga kaibigan niya na pumayag magmodelo sa mga damit niya, kahit hindi naman niya iyon hinihingi.
"Sobra-sobra na 'to, Tazmania," hiyang-hiyang sabi ni Odie matapos niyang marinig si Tazmania na nag-uutos sa tauhan na magpadala ng pagkain mamayang tanghali.
"Ang alin?"
Iminuwestra ni Odie ang paligid kung saan nagsisimula nang ayusin ng mga tauhan ni Tazmania ang props na gagamitin sa photo shoot. Dahil "family" ang setting ng pictorial, may isang pulang sofabed ang gagamitin para sa unang set ng pictorial. Para sa ikalawang bahagi naman ng photo shoot ay may mga nakahandang baby toys bilang props. Puti lang ang background para sa dalawang set-up.
Ngumiti si Tazmania. "Huwag mo nang alalahanin ang mga 'yan, Odie. Gusto ko lang naman talagang makatulong."
"Bakit?" hindi napigilang tanong ni Odie.
"Because you're working so damn hard right now. It makes me proud of you. Natural lang siguro na ibigay ko rin ang lahat ng tulong na kaya ko."
Napatanga lang siya rito. Hindi niya inaasahan ang sagot nitong iyon. Napakabuting tao naman ni Tazmania kung ganito ito kabait sa lahat ng kaibigan nito.
So ano'ng sinasabi mo? Na espesyal ka kay Tazmania? kondena sa kanya ng isang bahagi ng isip niya na mabilis nagpa-guilty sa kanya. Magpasalamat ka na lang, Odie. Kaysa kung ano-ano pa 'yang iniisip mo.
"Salamat, Tazmania," sinsero at nakangiting sabi ni Odie.
Noon ay hirap na hirap siyang ngumiti. Pero ngayon, natural na niyang naibalik ang mga ngiti at tawa niya nang hindi pinupuwersa ang sarili. Muntik na niyang makalimutan kung gaano kasarap ang magkaroon ng magaan na pakiramdam.
Tinitigan siya ni Tazmania. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at marahang hinaplos ang pisngi niya. "Hindi mo kailangang paulit-ulit na magpasalamat, Odie."
Dahil sa haplos na iyon ni Tazmania, nakaramdam si Odie ng matinding pangungulila na tila nagising mula sa pinakamalalim na bahagi ng pagkatao niya. Hindi lang basta pangungulila ang nararamdaman niya ngayon. May kasama na iyong matinding pangangailangan.
Now she was craving for someone's touch, warmth, and company.
Love.
Natakot si Odie sa malalakas na emosyong naramdaman niya kaya napaatras siya mula kay Tazmania. Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito. Gusto sana niyang humingi ng dispensa sa binata, pero naantala iyon nang dumating na ang mga kaibigan niya.
Unang-una siyempre sa hiningan niya ng tulong ay sina Garfield at Snoopy. Pumayag agad ang mga ito na magmodelo ng mga design niya kasama sina Tom at Jerry, pero hindi na isinama ng mag-asawa si Minnie dahil masyado pa itong bata at baka umiyak lang sa photoshoot. Personalized ang tees na ginawa niya para sa pamilya. Sa bawat isa ay personal ang statement. Orange ang napili niyang kulay sa pamilya.
Garfield's tee: OVERPROTECTIVE DADDY
Snoopy's tee: LOVELY MOMMY
Tom's tee: LESS EVIL TWIN
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)
RomanceDumb Ways To Love By Luna King "And that smile was enough to make him forget why he hated the world, even for a while." For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazman...