NAKAUPO si Tazmania sa pandalawahang mesa sa HappyChic—isang fast-food chain—habang hinihintay ang take-out order niya. Nag-crave kasi si Odie sa pagkain doon, pero napansin niyang napagod ito sa paglilibot nila buong maghapon sa Emerald University, kaya iniwan niya muna ito sa park na pinuntahan nila—doon daw ito madalas i-date ni Pluto noon—para makapagpahinga. Saka napansin niyang relaxed ang hitsura ng dalaga sa lugar na iyon, kaya nagkusa na siyang bumili ng pagkain nila.
Habang naghihintay, pinapanood niya sa SLR camera niya ang video na kinunan niya kanina.
"Dito kami nag-celebrate ng first monthsary namin," kuwento ni Odie sa video, habang iminumuwestra ang rooftop ng College of Fine Arts building. "Pinuno niya ito ng heart-shaped balloons. 'Tapos may candles at petals pa ng roses sa sahig. Ang cheesy-cheesy talaga, pero kilig na kilig ako no'ng time na 'yon..."
Tazmania muted the video, and zoomed in on Odie's face. Nakangiti ito habang nagsasalita, pero sa pagkakataong iyon, nakita na niya ang napansin niyang kulang dito doon. There was no glow in her eyes, even if she was smiling or laughing. Pilit lang ang pagiging masigla at masiyahin nito sa harap ng ibang tao.
He could imagine Odie crying herself to sleep. Pagkatapos marinig ang ilang kuwento nito, at maramdaman kung gaano ito kasaya kapag binabanggit si Pluto, may ideya na siya kung gaano nito kamahal ang namatay na nobyo.
He couldn't imagine how painful it must have been to lose her fiancé. How devastated she must have felt.
Ang akala ni Tazmania ay kilala na niya ang lahat ng klase ng babae. Na gaya lang ang mga ito ng kanyang ina na makasarili. Kahit ang mga babaeng nakakarelasyon at nakakasama niya sa kama, pare-pareho lang. They all just wanted him, but never really loved him. Not that he wanted them to, anyway.
Pero kakaiba si Odie sa lahat. Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng kasimpuro ng pagmamahal at kasintapat sa lalaking mahal nito. Kahit na wala na ang lalaking iyon.
Somehow he envied Pluto for having a woman like Odie love him.
You're lucky, dude, pagkausap ni Tazmania kay Pluto kahit hindi niya alam kung maririnig ba siya nito. She really loved you. And she still does.
"Here's your order, Sir," masiglang sabi ng service crew na pumutol sa pakikipag-usap ni Tazmania sa sarili.
"Uh, thanks," sagot ni Tazmania, saka tumayo at binitbit ang supot ng pagkain sa pag-alis matapos niyang ibalik sa bag ang camera. Naglakad lang siya dahil malapit lang naman ang HappyChic sa parke kung saan niya iniwan si Odie kanina.
Nakita ni Tazmania si Odie sa eksaktong lugar kung saan niya ito iniwan kanina—sa may bench sa ilalim ng malagong puno. Nakaupo lang ito roon, nakatingin sa malayo. Napabuntong-hininga na lang siya nang makaramdam ng awa para sa dalaga. How could she even smile when she was still hurting?
Iyon ang bagay na hindi niya maintindihan sa mga babae. Kung paano nagagawa ng mga ito na ngumiti at sabihing "okay" sila kahit hindi naman. Hindi tuloy niya alam kung senyales ba iyon ng pagiging matapang.
O senyales na kailangan nilang mga lalaki na maging mas sensitive para huwag maniwala kapag sinabi ng isang babae na okay ito? But men weren't mind readers. So how the heck was a guy like him supposed to know what was running through a woman's mind if she wasn't going to tell him straight?
Namomroblema si Tazmania dahil hindi niya alam kung paano papakiramdaman si Odie. All along, he thought she had been doing fine. That she had moved on. Pero kanina, nakita niyang hindi pa ito okay.
Tinutubuan tuloy siya ng konsiyensiya. Hindi niya naisip na sa pagpilit niya kay Odie na isapelikula ang kuwento nito at ni Pluto ay ibinabalik niya rito ang mga alaalang siguro ay gusto nang kalimutan ng dalaga.
Pero hindi naman siya papayag na gawin ito kung hindi pa niya kaya, depensa niya sa sarili. Maybe I'm just overthinking things.
Naglalakad na si Tazmania palapit kay Odie nang napansin niyang kumilos ito, at may kung anong tinitingnan. Bago pa niya makita kung ano iyon, napansin niyang pumulot ng bato sa may paanan nito ang dalaga, saka iyon hinagis sa kung ano.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may malaking aso na galit na umuungol pala ang malapit kay Odie. Kung hindi siya nagkakamali, askal iyon. At muli, nagulat siya nang batuhin ng dalaga ang aso.
Sa pagkakataong iyon, tumahol nang malakas ang malaking aso at tumakbo papunta kay Odie na mukhang hindi na nakakilos sa kinauupuan dala siguro ng takot.
"Odie!"
Binitawan ni Tazmania ang bag at supot na bitbit, at tumakbo para ipagitan ang sarili mula kay Odie at sa malaking aso. Napasigaw na lang siya sa sakit nang bumaon ang matatalas na ngipin ng askal sa kanyang braso.
ng schoolmat9Eu@U/
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)
RomanceDumb Ways To Love By Luna King "And that smile was enough to make him forget why he hated the world, even for a while." For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazman...