Chapter 41

3.1K 66 1
                                    


"IKAW talaga. Kababalik mo lang, naaksidente ka agad," iiling-iling na sabi ni Kisa na karga-karga at pinapadede sa bote ang isang taong gulang na anak na babae na pinangalan nito at ng asawang si Stone na Kismet.

Inabutan ng sandwich ni Odie si Jerry bago siya sumagot nang pabiro. "I told you before, I'm a walking disaster."

Si Jerry lang ang alaga ni Odie ngayon dahil ayaw humiwalay ni Tom kay Moria, at ayaw naman niyang mag-stay sa puwesto ng birthday girl dahil siyempre, sina Monique at Tazmania ang bantay ng bata. Kaya hinayaan na niya si Tom sa pangangalaga ng mga magulang. Samantalang si Jerry naman, ayaw humiwalay sa kanya.

"Tadie, Kismet is so tiny," tila namamanghang sabi ni Jerry habang titig na titig kay Kismet. "I want to take care of her."

Sabay na natawa sina Kisa at Odie. Nakakatuwang marinig ang mga salitang iyon sa kapiraso at cute na batang gaya ni Jerry.

"Tita Kisa, can I marry Kismet when she becomes big?" malambing na tanong ni Jerry kay Kisa na ikinagulat nila. At muling ikinatawa.

"If you promise to love my daughter, why not?" natatawang sagot ni Kisa.

Napailing naman si Odie at marahang pinisil ang matambok na pisngi ni Jerry. "Ikaw talaga. No'ng nakaraan lang, si Moria ang gusto mong pakasalan. Ngayon naman, si Kismet na. Ang bata-bata mo pa, playboy ka na."

Mayamaya lang ay lumapit sina Stone at Snap sa kanila.

Hinalikan ni Stone sa mga labi si Kisa, saka sila nilingon. "Ano'ng nangyayari dito? Mukhang nagkakasiyahan kayo, ha."

"Nag-propose kasi ng kasal si Jerry kay Baby Kismet natin," natatawang kuwento ni Kisa. "Pumayag naman ako, kaya engaged na sila."

Napaderetso naman ng tayo si Stone, halatang hindi komportable sa narinig. "Honey, masyado pang bata ang anak natin..."

Natawa si Kisa. "That's just a childish promise, Stone. Baka nga makalimutan na 'yon ni Jerry paglaki niya."

"I won't forget," nakalabing giit naman ni Jerry.

Natawa lang si Stone at ginulo ang buhok ni Jerry. "Kapag big boy ka na, lagot ka sa 'kin. Pahihirapan kita sa panliligaw sa anak namin."

Napangiti na lang si Odie. Bago siya umalis ng bansa, engaged pa lang sina Stone at Kisa. Pero ngayon, kasal na ang mga ito at may baby na. Ang bilis talagang lumipas ng panahon.

"Welcome back, Ods," bati ni Snap sa kanya na umupo sa tabi niya.

"Thank you," nakangiting sagot naman ni Odie, saka siya may napansin. "Wala si Cloudie?"

Nagkibit-balikat si Snap, nakakunot ang noo. "Malay ko kung nasaan ang babaeng 'yon. Bakit n'yo ba siya hinahanap sa 'kin?"

Pabirong binunggo niya ang balikat ni Snap. "Sumuko ka na kay Cloudie?"

"Hindi naman. Nagpapa-miss lang ako."

Natawa si Odie. "Sampung taon mo nang hinahabol si Cloudie. Pikutin mo na kasi para wala nang kawala."

Natigilan si Snap, saka unti-unting napangisi. "Brilliant idea, Odie. Brilliant. Pipikutin ko si Cloudie para pumayag na siyang magpakasal sa 'kin."

"He's so hopeless," nangingiti habang iiling-iling na sabi ni Stone.

"Hopelessly in love," pagtatama naman ni Kisa sa asawa.

Nagkatawanan ang grupo nila, pero agad din silang natahimik nang marinig ang malakas na iyak ni Moria sa kabilang table.

Napansin ni Odie na mukhang natatakot si Moria sa clown dahil nakasubsob ang mukha ng bata sa leeg ni Tazmania habang umiiyak. Si Monique naman, hinahagod sa likod ang anak at tila pinapatahan.

"Mukha talaga silang pamilya," komento ni Odie. Namalayan na lang niyang nasabi niya iyon nang malakas nang sumagot si Stone.

"Oo nga. Nakakagulat na naging malapit sina Monique at Tazmania," sabi naman ni Stone.

"I think it started last year? Naalala n'yo no'ng isinugod ni Monique sa ospital si Moria? Nagkita yata sila ni Tazmania do'n. Pagkatapos, naging close na sila," kuwento naman ni Kisa. Binalingan nito si Odie, biglang bumakas ang guilt sa mukha. "I'm sorry. Hindi dapat ako napakuwento..."

Nagkatinginan ang mag-asawang Stone at Kisa, pagkatapos ay sabay na tumingin kay Odie. Maging si Snap ay nilinga siya.

Napakurap-kurap si Odie. "Bakit?" Nang walang sumagot sa tatlo, na-realize niya kung ano ang pinag-aalala ng mga ito. "Oh. Kung ang tsismis noon bago ako umalis ang pinag-aalala n'yo, wala 'yon. Walang namagitan sa amin ni Tazmania kaya walang problema sa akin kung nagkakamabutihan man sila ni Monique ngayon."

Ngumiti lang ang tatlo. Biglang nakaramdam ng pagkaasiwa si Odie, kaya nag-excuse siya sa mga kaibigan para magbanyo. Eksakto namang paglabas niya ay nasalubong niya si Monique na may bitbit na feeding bottle.

"O, Odie," nakangiting bati ni Monique, pero bumakas din ang guilt sa mukha nito. Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya. "Oh, Odie. Pasensiya ka na kung hindi kita naaasikaso nang maayos, ha? Ang dami kasing bisita, at hetong si Baby Moria naman, tinotopak pa."

"Okay lang, Monique. Birthday 'to ni Moria kaya natural lang na nasa kanya ang atensiyon ng lahat. Lalo na ang atensiyon mo."

Ngumiti si Monique. "Thank you for understanding, Odie."

Ngumiti lang din si Odie.

Mukhang may gustong sabihin si Monique, pero kung ano man iyon, hindi na nito naituloy dahil pumasok ng bahay si Tazmania, karga-karga si Moria na umiiyak pa rin.

"Mon, Moria is hungry. Nasa'n na ang milk niya?" tanong ni Tazmania.

"Here," mabilis na sagot ni Monique. She threw Odie an apologetic smile, before walking towards Tazmania. Pagkatapos ay maingat na isinalpak ni Monique ang dede sa bibig ni Moria. "Naku. Makakatulog na 'yan."

"Dalhin mo na sa kuwarto si Baby Moria," suhestiyon naman ni Tazmania. "Mukhang napagod talaga siya nang husto, eh."

"Okay. Go back to the party, Taz." Kinuha ni Monique si Moria mula sa binata, pagkatapos ay may ibinilin ito sa binata bago umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Ang akala ni Odie ay susunod si Tazmania kay Monique, pero naiwan sa sala ang binata... na unti-unting dumako ang tingin sa kanya.

Pakiramdam niya ay lumukso ang kanyang puso dahil sa titig ni Tazmania. Kahit kasi malamig ang mga mata nito, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pangungulila. Bigla niyang na-miss iyong lalaking parating nangungulit sa kanya. Ngayon kasi, mukhang wala itong balak na lapitan man lang siya o kausapin nang maayos.

Pilit na ngumiti si Odie, at bahagya pang kumaway. "Hi, Tazmania."

Kumunot lang ang noo ni Tazmania, saka siya tinalikuran.

Nawala ang ngiti ni Odie. Noon niya na-realize na sapat pala ang dalawang taon para magbago ang damdamin ng isang tao.

.7pt 171.65pt 2 I'vH;

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon