Chapter 50

3.3K 70 2
                                    


"KAMUKHA mo na si Pluto, ha."

"Oo nga. Ang laki-laki mo na, Python."

"The last time I saw you, totoy na totoy ka pa."

"Oh, come on, ladies. Para kayong proud titas kung magsalita, ha," natatawang sabi ni Python kina Monique, Kisa, Cloudie at Snoopy na hindi napigilang pansinin ang malaking pagbabago sa binata. Nagkatawanan tuloy sila.

Napangiti lang si Odie dahil ganoong-ganoon din ang reaksiyon niya kanina nang makita ang binatang-binata na si Python. Nasa early twenties lang ang binata, pero machong-macho na at parang handa nang magpaiyak ng daan-daang babae.

Napapiksi siya nang may maramdamang "masamang mata" na nakatingin sa kanya. Hindi nga siya nagkamali sa naramdaman dahil nakita niya si Tazmania na masama ang tingin sa kanya habang nasa bar at nakikipag-inuman kina Garfield, Stone, Oreo at Snap. Nag-iwas na lang siya ng tingin at tinungga ang laman na alak ng baso niya.

Hindi naman sinasadya ni Odie na ipakita kay Tazmania ang eksena kung saan magkayakap sila ni Python. Hindi naman niya alam na naghanda pala ng surprise birthday bash para sa kanya ang mga kaibigan niya.

Sina Snoopy at Kisa ang pumutol sa nakakailang na katahimikan kanina. Hinila siya at si Python ng mga ito papunta sa kusina kung saan maraming nakahandang pagkain. Pagkatapos ay kumain sila habang nagkukuwentuhan.

Napansin ni Odie kanina na nakaakbay lang si Oreo kay Tazmania na para bang pinipigilan lang ng ni Oreo si Tazmania na magwala. Hindi kasi nag-abala si Tazmania na itago ang pagseselos at panunumbat sa mga mata nito.

Mabuti na lang, naisipan ni Garfield na yayain sina Tazmania at ang iba pang lalaki sa grupo na mag-inuman sa bar, tutal naman daw ay birthday din ng kakambal niya.

Silang mga babae naman, sa sala pumuwesto habang nag-iinuman ng vodka. Siyempre, hindi pinakawalan ng mga kaibigang babae ni Odie si Python.

Mukhang planado talaga bilang adults' time ang gabing iyon dahil iniwan nina Garfield at Snoopy ang mga anak sa mommy nila, at wala ring nagdala ng anak sa kanyang mga kaibigan. Maliban kina Cloudie at Snap na wala pa naman talagang anak.

"Cloudie, don't drink!" saway ni Snap na nasa bar kaya pasigaw ito kung magsalita kay Cloudie, pero may lambing pa rin sa boses. "My baby could be growing in your belly right now, you know."

Napasinghap ang lahat, samantalang namula naman nang husto ang mukha ni Cloudie. Pinukol nito ng masamang tingin si Snap na inosenteng ngumisi lang.

"I'm not drinking. Juice lang 'tong iniinom namin ni Kisa," depensa naman ni Cloudie sa sarili, at inangat pa ang hawak na baso ng juice para makita ni Snap.

Buntis si Kisa kaya hindi ito umiinom ng alak. Kung hindi rin umiinom si Cloudie, malamang ay totoo ang sinabi ni Snap at hindi biro. Maaari ngang nabuntis na ng binata si Cloudie. Sa wakas.

"Naniniguro lang. I love you, babe," nakangising sabi ni Snap.

Napabuntong-hininga naman si Cloudie habang iiling-iling, pero nangingislap naman ang mga mata. "Handsome men can really be so embarrassing sometimes."

"Talaga palang pinikot ka ni Snap, ha," natatawang sabi ni Odie.

Umiling-iling si Cloudie. "Oo nga, eh. Ayaw na akong pakawalan."

Muli, nagkatawanan silang magkakaibigan.

Akmang magsasalin uli si Odie ng alak sa baso nang pigilan siya ni Python. "Bakit?"

"Nakakarami ka na ng inom, eh. Paano mo 'ko ihahatid mamaya kung lasing ka na?" nakangising biro ni Python.

Napangiti si Odie at nakaramdam din ng kaunting lungkot. Naaalala niya kasi si Pluto kay Python. Ganoon din kasi kapilyo ang namatay na kasintahan. "Tingnan mo 'tong batang 'to. Tumangkad lang nang kaunti, naging bad na."

"Hey, stop treating me like a child."

"Bata ka pa, Python. Kaya nga 'ate' ang dapat mong itawag sa 'kin."

"I'm not calling my future wife 'ate.'"

Biglang nagkaroon ng katahimikan dahil sa deklarasyon ni Python, at naramdaman ni Odie na sabay-sabay napatingin sa kanya ang mga kaibigan.

Nag-init ang mga pisngi ni Odie sa pagkapahiya, saka pinukol ng masamang tingin si Python. "Python, hindi ka dapat nagbibiro ng ganyan."

"Hindi ako nagbibiro. You're already thirty now, Odie. Kailangan mo nang mag-asawa at magkaanak. Ako nang bahala sa 'yo, gaya ng pangako ko kay Kuya," seryosong sabi ni Python.

"Python!" naiinis nang saway ni Odie.

"Hoy, bata."

Sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Tazmania na nakatayo na at pinapatunog ang mga buto sa mga daliri habang masama ang tingin kay Python. Mukhang walang balak ang mga kasamahan nitong lalaki na pigilan ang binata sa siguradong masamang balak kay Python.

"Excuse me?" kunot-noong tanong naman ni Python na para bang hindi makapaniwalang ito ang tinawag na "bata" ni Tazmania.

"Gusto mo na bang mamatay?" mapanganib na tanong ni Tazmania kay Python.

ass=MsoNoM9V+

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon