Chapter 33

3.5K 73 2
                                    

NANG maiparada ni Tazmania ang kotse niya, tiningnan niya si Odie sa passenger seat. Napangiti na lang siya nang makitang tulog pa rin ito. Mukhang pagod na pagod ang dalaga. Kanina kasi, nakipaglaro muna sila sa kambal bago umalis ng bahay nina Garfield.

Pagkatapos niyang magpalipas ng gabi at isang buong maghapon sa mga Serrano, nabawi na niya ang kanyang lakas. Saka lang siya pinayagang umalis ng kambal na Odie at Garfield. They could be pretty stubborn, especially when they joined forces.

Sumama kay Tazmania si Odie pabalik sa condo unit niya dahil kukunin na nito ang mga gamit. Nakakalungkot, pero wala naman siyang karapatang pigilan ito at pakiusapan na manatili sa bahay niya dahil wala na ang kambal.

Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Odie. Ayaw sana niyang istorbuhin ang tulog nito, pero baka sumakit ang katawan nito dahil sa posisyon. "Odie, wake up. Kung inaantok ka pa, sa bahay ka muna matulog."

Umungol sa protesta si Odie. "I'm too sleepy to move."

"Kung inaantok ka talaga, puwede naman kitang kargahin."

Napangiti si Odie, pero nanatili itong nakapikit. "That sounds so tempting."

Natawa nang mahina si Tazmania. Bumaba siya ng sasakyan, at lumigid sa passenger's side. Binuksan niya ang pinto, pagkatapos ay maingat na binuhat si Odie palabas. Hindi nagreklamo ang dalaga, at sa halip ay ipinulupot pa ang mga braso sa leeg niya. Then, she sighed contentedly and laid her head on his chest.

Sinipa ni Tazmania pasara ang pinto ng kotse, saka inayos sa mga bisig niya si Odie. Hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi dahil sa posisyon nila. He loved being this close to her.

"Hindi ko alam na may pagka-spoiled ka rin pala, Odie," tukso ni Tazmania habang naglalakad papunta sa ground floor elevator.

"Napagod lang talaga ako. Puwede mo 'kong ibaba kung nabibigatan ka na sa 'kin. Kaya ko namang maglakad nang nakapikit," antok na antok na sabi ni Odie.

"No way," tutol ni Tazmania, saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Odie. "Hindi ka naman mabigat. Matulog ka lang diyan."

"Mmm..."

Lumuwang ang pagkakangiti ni Tazmania. Odie looked like a baby right now and it was really adorable. Lalo tuloy niyang gustong alagaan ang dalaga.

Naputol ang pagmumuni-muni niya at napaderetso siya ng tayo nang may maramdamang nakatingin sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid ng parking lot, pero wala naman siyang nakitang ibang tao roon. Maging ang nakaparadang mga kotse ay wala namang sakay na tao. Naisip niyang baka guniguni lang niya iyon dahil gabi na.

Nang dumating ang elevator ay sumakay na siya roon, karga pa rin si Odie na natutulog sa kanyang mga bisig. Hanggang ninth floor ay karga niya ang dalaga, pero kahit nakakaramdam ng pangangalay ay masaya pa rin siya. Bakit naman hindi? She was literally in his arms.

Pero kinailangan ding ibaba ni Tazmania si Odie nang makarating siya sa unit niya dahil hindi niya mabuksan ang pinto habang buhat niya ang dalaga. Nagkusa rin naman itong bumaba nang dumating sila sa unit niya.

"Kung pagod ka pa, puwede namang bukas ka pa umuwi," sabi ni Tazmania kay Odie pagpasok nila sa unit niya.

"Baka nakakaistorbo na ko sa 'yo."

"Nah, just sleep for now. Bakit ba mukhang antok na antok ka?"

"Hindi kasi ako natulog kagabi," pag-amin ni Odie, saka ito umupo sa sofa.

"Bakit? Ano ba'ng ginawa mo?" curious na tanong ni Tazmania, saka nirolyo ang polo na suot hanggang sa mga siko. Naghahanda siya sa pagluluto ng hapunan nila.

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon