Chapter 10

4.5K 72 0
                                    

NGAYON lang may babaeng nagmaneho para kay Tazmania. Sa ordinaryong okasyon, hindi siya papayag sa ganoong setup. Pero mapilit si Odie. "Injured" daw siya kaya dapat lang daw na ito ang magmaneho para sa kanya.

"Masakit pa ba ang braso mo?" basag ni Odie sa katahimikan.

Tiningnan ni Tazmania ang braso niyang may benda. "Nah, it doesn't sting anymore. I told you, wala kang dapat ipag-alala."

Sinulyapan siya saglit ni Odie, bago ito muling bumaling sa daan. Pero nahuli niya ang pagngiti nito. "You don't look comfortable, Tazmania."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako sanay na pinagmamaneho ng babae."

"Talaga? Kahit injured ka?"

"When I can't drive, nagta-taxi ako. Hindi ako pumapayag na ipagmaneho ng babae."

"Are you sexist?"

"No," mabilis na tanggi ni Tazmania. "I just like making my woman feel like a queen, kaya hindi ko siya hinahayaang gumawa ng kahit ano para sa 'kin."

Natawa nang mahina si Odie. "Eh, di okay lang pala 'to. I'm not your woman, anyway. Ginagawa ko 'to bilang kaibigan mo."

Kumunot ang noo ni Tazmania. Did this woman just put him in the "friend zone?"

"Oh, sorry," biglang bawi ni Odie nang mapansin marahil ang reaksiyon niya. "I just thought we were already friends after everything that's happened. Pasensiya ka na kung FC ako."

Lalong kumunot ang noo ni Tazmania. "'FC?'"

"Feeling close."

"Ah. Hindi naman, okay lang naman sa 'kin na maging magkaibigan tayo. Hindi lang ako sanay. I'm used to women asking me to date them, not making me their friend."

Kinagat ni Odie ang ibabang labi na parang nagpipigil tumawa. "Since magkaibigan na tayo, let me tell you this, my friend: ang guwapo mo!"

"Salamat," sagot ni Tazmania kahit alam niyang sarkastiko ang pagkakasabi ni Odie niyon. She still called him handsome.

Natawa na nang tuluyan si Odie habang umiiling. "God, you're the most egotistical man I've ever met in my twenty-eight years of existence, Tazmanian Devlin Fortunate."

Tazmania smiled proudly. "I'll take that as a compliment, Odie Serrano."

Humupa na ang pagtawa ni Odie, pero nanatili itong nakangiti habang iiling-iling. "Pareho kayo ni Pluto."

"Paanong pareho kami?"

"Hindi rin niya 'ko hinahayaang gumawa ng kahit ano para sa kanya. Gusto niyang siya lang ang nag-aalaga sa 'kin noong buhay pa siya." Biglang natahimik si Odie. Nang muling magsalita, malungkot na ang boses nito. Pati ang ngiti ni Odie ay naging mapait. "Ang weird marinig ng sarili ko na sinasabing 'noong buhay pa siya.'"

"I'm sorry," sinserong sabi ni Tazmania. Kanina pa niya gustong sabihin iyon, pero ngayon lang niya naramdaman ang tamang pagkakataon.

"Para saan?"

"For making you remember everything."

Mukhang naintindihan naman ni Odie ang ibig niyang sabihin dahil umiling ito, malamlam ang mga mata habang nakatingin sa daan. "I remember him all the time. Every moment with him. Every word he said. Every memory we made."

Tumingin sa labas ng bintana si Tazmania. Hindi siya mahilig makisimpatya sa ibang tao. Pero tuwing kasama niya si Odie, hindi niya maiwasang hindi maramdaman ang lungkot at sakit nito. Her emotions were so pure and so intense that he could almost taste the sadness in her voice and the misery in her eyes.

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon