Chapter 57

9K 138 18
                                    

NAPABUNTONG-hininga at napangiti na lang si Odie nang magising sa pagkagat ni Tazmania sa balakang niya. "Tasmanian devils do bite, huh?"

Ngumiti si Tazmania at inangat ang katawan para magpantay ang mga mukha nila. "Good morning, baby. How do you feel?"

"Sore," nakalabing reklamo ni Odie, at totoo ang sinabi niya. Sa dami ba naman ng ginawa ni Tazmania sa kanya kagabi, imposibleng hindi siya mamaga. Lalo na sa ibabang parte ng katawan niya. Gayunman, masaya siya. She felt so cherished by the man she loved.

Nakangising pinaraan ni Tazmania ang tungki ng ilong sa pisngi niya, at sa pagitan ng leeg at mga balikat niya. "Sorry, not sorry. I love it when you're sore because of me."

Ah, si Tazmania talaga. Nakatulog si Odie kagabi dala ng pagod dahil sa mga ginawa ni Tazmania sa kanya kagabi. Ang akala niya ay pahinga ang kailangan niya nang umagang iyon. Pero hayun at nagising siya na handa muling angkinin ng binata.

Hinalikan si Odie ni Tazmania. Halatang tinutukso siya ng binata dahil hindi nito hinahayaang dumikit ang ibang parte ng hubad nitong katawan sa katawan niyang natatakpan pa ng bras at panty habang hinahalikan siya nito.

Hinding-hindi talaga siya magsasawa sa katawan ni Tazmania. Gustong-gusto niya ang matipuno nitong dibdib, ang matitigas na braso, ang malapad na likod, ang pipis na tiyan, at ang pagkalalaki nito na gustong-gusto niyang nararamdaman sa loob niya.

"Stop teasing me," anas ni Odie. Hindi na siya nakapagpigil kaya siya na ang unang humawak kay Tazmania. Pinaraan niya ang mga kamay niya mula sa pipis na tiyan ng binata, pataas sa matipuno nitong dibdib, dinama ang malapad na likod, hanggang sa ipalupot niya ang mga braso sa leeg nito. Kinabig niya ang batok nito para mas mapalalim ang halik, at inarko ang kanyang katawan para mas magdikit ang kanilang mga katawan.

Ngumiti lang si Tazmania bago tinugon ang malalalim niyang halik. Pagkatapos ay naramdaman niya ang mga kamay nito sa pang-upo niya, kinabig siya palapit, at mayamaya, tinanggal nito ang hook ng bra niya. Ngunit mukhang tinutukso talaga siya nito dahil hindi nito tuluyang hinubad ang bra niya. Hinayaan nitong malaglag ang strap sa mga balikat niya, pero bigla itong huminto sa ginagawa at tinitigan lang siya sa mga mata.

Pagkatapos ay bumulong si Tazmania sa tapat ng mga labi ni Odie. "Odie, do you remember your Dumb Ways To Die List?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Odie. Nakaramdam siya ng iritasyon dahil sa pagkabitin, pero nakaramdam din siya ng kuryosidad kung bakit biglang binalikan ni Tazmania ang nakaraan. "Yes. Why?"

"Nang iwan mo 'ko, nakagawa rin ako ng sarili kong listahan. Tinawag ko naman 'yong Dumb Ways To Love," nakangising sabi ni Tazmania.

Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti na rin si Odie. "At ano naman ang nakalagay diyan sa Dumb Ways To Love mo?"

"Simple lang." Bumaba ang kamay ni Tazmania sa cup ng bra niya at dahan-dahan iyong tinanggal. "Una, aminin mo sa sarili mong mahal mo siya dahil wala ring saysay ang itanggi pa 'yon." Nakita niya ang pagkislap ng paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa hubad na dibdib niya kahit ilang beses na nitong nakita iyon. "Pangalawa, kung alam mong may mahal siyang iba, manahimik ka muna. Palitan mo si Rizal sa pagiging martyr." Tinikman ng binata ang isang dunggot na ikinaungol niya. He licked and sucked on it sensually before he spoke again. Habang ang isang kamay nito ay pumipisil sa kabilang dibdib niya. Tumingala ito sa kanya. Magkahalo na ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata nito ngayon. "Pangatlo, mahalin at alagaan mo siya nang walang hinihintay na kapalit. Gagawin mo 'yon dahil mahal mo siya, hindi dahil gusto mong mahalin ka rin niya." Bumaba ang isang kamay nito sa balakang niya, ikinawit ang daliri sa garter ng panty niya, at unti-unti iyong ibinaba. "Pang-apat, kapag nakita mong may kaunti kang pag-asa, sunggaban mo na at halikan siya. Umasa kang matauhan siya, pero kung hindi, mag-sorry ka bago ka pa kasuhan ng sexual harassment." Hinalikan nito ang puson niya na muling nagpaungol sa kanya, pero imbes na pababa ay pataas ang halik nito. Sa pagitan ng mga dibdib niya, sa collarbone, sa leeg, sa pisngi, at sa mga labi niya. "Panlima, kung iiwan ka niya, maghintay at magdasal ka sa pagbabalik niya. Huwag kang maghanap ng kapalit dahil kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo ililipat ang atensiyon mo sa iba dahil lang wala siya sa tabi mo." Bumaba ang kamay nito sa pagkababae niya. He inserted two fingers inside her, making her moan. "At huli, kapag bumalik siya sa 'yo, huwag mo nang pakawalan. Kung kinakailangan mo siyang pikutin, gawin mo."

Bumigat na ang paghinga ni Odie dahil sa ginagawa ni Tazmania sa katawan niya, at dahil gustong-gusto niya ang mga naririnig niya mula rito. Hindi niya alam na posible palang magsabay ang pagkakilig na parang teenager, at ang masarap na pakiramdam ng pakikipagtalik sa taong mahal mo. "Those are really dumb ways to love. Pero mukhang epektibo naman."

Natawa nang mahina si Tazmania, saka idinikit ang kahandaan sa tiyan niya. Mukhang kaunti na lang, hindi na ito makakatiis na mag-usap lang sila. "Baby, naaalala mo 'yong sinabi ko sa 'yong hiningi ko kay Pluto nang dalawin natin ang puntod niya?"

Tumango si Odie. "Oo. Handa ka na bang sabihin sa 'kin kung ano 'yon?"

Masuyong hinaplos ni Tazmania ang pisngi ni Odie habang tinitingnan siya nang punong-puno ng pagmamahal ang mga mata. "Odie, I have a question for you."

Pinigilan ni Odie ang paghinga. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na puwede pa uli siyang magmahal nang sobra, gaya ng pagmamahal niya kay Tazmania ngayon. Pero ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya ang patunay na posible nga iyon. Na nangyari na. Na nagmamahal na uli siya.

Wala namang masama kung pipiliin ng isang tao na mabuhay mag-isa para protektahan ang sarili at hindi na muling masaktan. May mga tao lang talaga siguro na mas mabuting nag-iisa, dahil doon nila mas makikita ang halaga nila. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na sila masaya.

Minsan na rin niyang pinili ang pag-iisa. Pero sadya yatang hindi siya laan na tumanda na walang kasama dahil may ibinigay sa kanya ang Diyos na panibagong "sakit ng ulo."

Pinili ni Odie ang sumugal uli sa pag-ibig. Hindi dahil hindi niya kayang mabuhay mag-isa. Pinili niyang magmahal uli dahil nakilala niya ang lalaking nagpakita sa kanya na lahat ng bagay sa mundo, may karapatang bigyan ng ikalawang pagkakataon.

At dahil ang pinili niyang ito ang lubos na nagpapasaya sa kanya ngayon.

Hinawakan ni Odie ang kamay ni Tazmania na humahaplos sa pisngi niya. Alam na niya ang itatanong ng binata. At nakahanda na ang isip, puso, katawan at kaluluwa niya sa isasagot niya rito. "Just ask, Tazmania. Ask me now, my second-chance guy."

MAY NAGLALAKAD na couple na magkahawak-kamay sa harap niya. May hawak na kanya-kanyang malaking ice cream cone. Halatang nagde-date ang dalawa. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa nababasa niyang nakasulat sa likuran ng T-shirt ng mga ito. Hindi tuloy niya napigilang kuhanan ng picture magkasintahan.

The man's tee said: I ASKED HER TO MARRY ME

The woman's tee, on the other hand, said: I SAID 'YES!'

"Bakit kinukunan mo ng picture ang mga kaibigan ko?"

Napaderetso siya ng tayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pagpihit niya paharap ay sumalubong sa kanya ang matangkad at guwapong lalaki na may subo-subong lollipop. Kilala niya ang lalaki, pero mamamatay muna siya bago niya iyon aminin sa harap nito. "Na-cute-an lang naman ako sa kanila. Bawal ba silang kunan ng picture?"

Kinagat ng lalaki ang candy sa bibig nito at nang hilahin nito ang lollipop nito ay stick na lang iyon. Malamig ang tinging ibinibigay nito sa kanya. "Ang huling beses na may kumuha ng picture kina Odie at Tazmania, may hindi magandang nangyari. So tell me, saan mo gagamitin ang pictures na 'yan?"

Bumuga siya ng hangin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang lalaking ito. "You know what? I can just delete the picture." Ipinakita niya sa binata ang SLR camera niya at ang pag-delete niya sa litrato. "'Yan. Deleted na. Matatahimik ka na siguro."

"Hindi. Hindi ako matatahimik," mapait na sabi ng lalaki. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi mo tinitigilan 'yang pagpapanggap mong hindi ako nakikilala."

"Hindi naman kita kilala," giit pa rin niya.

"Say it. Say my name, please," pagmamakaawa ng lalaki sa basag na boses.

Pumikit siya, at saka sinambit sa isip ang pangalan ng binata. Oreo.

•••WAKAS•••



Available sa https://preciousshop.com.ph/products/phrs5530-dumb-ways-to-love/?dept=books

Also available on e-book format: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1935/Dumb-Ways-To-Love 

🎉 Tapos mo nang basahin ang Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR) 🎉
Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon