Sing for you IX

14 2 0
                                    

ALMOST


Nanami's POV

I left Lory and Mr. Transferee to settle their war. Hindi ko alam ang nangyari dahil wala naman siyang naikwento. Since, wala akong direct na pupuntahan, I decided to go to the school library pero agad din akong nagback-out when I remembered something. Yung output sa Contemporary Arts. Mrs. Cortez did not explain what our output is. Basta, sinabi lang niya na output. Tumuloy na ako sa faculty and look for Mrs. Cortez.

"Good afternoon, Ma'am." I greeted politely.

She gave me a quick glance at binalik agad ang atensyon sa sinusulat.

"Ms. Park, what brings you here?" She asked.

I cleared my throat before I ask, "Yung output po. It was not clear to me, Ma'am."

"Oh. About the output." She muttered. "I already told and explain that to Mr. Byun. Pinuntahan na rin niya ako kanina. Just approach him if you are interested." Kung sinabi na lang niya ng deretsahan para hindi na nasayang yung mahabang sinabi niya. Iba rin trip ni Mrs. Cortez.

I thanked her before said my goodbye at saka na lumabas ng faculty na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung dagdag 'to sa mga iisip ko pero gosh, how would I approach him? Someone like Byun Baekhyun? Walang masama, yes pero sa mata ng iba, meron. Bibigyan nila ng malisya yun. Aish. Hindi ko naman pwedeng hayaan na hindi ako makapag-participate sa output na yun. Argh! This is kinda frustrating! Ganitong bagay lang, sumasakit na ulo ko.

"Makaderetso na nga lang sa library." I told to myself at medyo binilisan na rin ang paglakad.

I don't have any class naman. Mag-a-advance lesson na lang ako.

Papasok na sana ako ng library when someone called my name. Napahinto tuloy ako at lumingon. I don't know but I felt my heart stops beating for awhile. Siya na naman?

"Hey, Nanami." He greeted cheerfully.

I frowned but I greeted him too, "Hi, B-Baekhyun."

Okay. Hindi ko na alam. Swear. Hindi ko na alam. Kanina, tinawag niya rin ako para mag-sabay pumasok sa Contem. Class, ngayon, ano? Jusko, iniisip ko na ngayon kung ilang beses na akong pinatay at nilibing ng mga fangirls niya na nakatuon ang tingin sakin ngayon. Is my life in danger, isn't?

He scratch his nape while looking at me shyly. "Uhm... It's about to our output that's why I called you."

"Ah," was all I could react and nod my head. Output lang naman pala.

Sumilip siya ng bahagya sa loob ng library. "Are you going inside?" He asked me.

Tumango ulit ako. "Uh, yes, yes." Nami, okay ka lang diba? Oo, okay pa ako physically and mentally, pero sa utak ng fangirls niya, hindi niya. Baka nga gutay gutay na ako eh.

"Sige, mauna na ako." paalam ko sa kanya at pumasok na ng library.

Naghanap-hanap ako ng libro. Hindi ko na alam kung ano yung nadampot ko at saka na ako naghanap ng table. Ibinaba ko ang bag ko saka umupo sa chair. Binuklat ko yung book na kinuha ko na hindi ko alam kung saang section. About theater itong book. Since theater arts is my course, hindi ako nainip sa binabasa ko.

"Nanami, hindi ka interesado sa output?"

Muntikan ko ng mabato yung librong hawak ko sa gulat. Napaangat pa nga yata ako sa kinauupuan ko. I almost scream for pete's sake. Mahina na nilapag ko yung libro na hawak ko at tumingin sa katapat ko.

"Baekhyun?" I frowned.

A wide smile flashed on his lips. "No other one. So, ano? Are you not interested to our output?"

"Excuse me? Ako? Hindi interesado?" I can't believe this.

"Eh? Why did not you approach me?" He pouted.

Aww, cute–shocks, Nanami. I shook my head. Gahd. Nakakahiya yun ah?

I don't know what to say. Hindi ko masabi na–well, nahihiya but at the same time, natatakot–natatakot na baka tuluyang kuyugin ako ng fangirls niya.

"Nevermind." He shook before he took the book I'm reading. "Theater Arts, huh?"

Mabilis naman na inagaw ko iyon sa kanya. "Our output."

"Oo nga pala." he chuckle. "Wait, diba, tatlo tayo? Nasaan yung isa?"

I shrugged my shoulder.

"Seatmate mo siya, diba?" He asked na hindi ko na sinagot. "Okay. Just remind him."

"Ako talaga?" Si Jongin? Ireremind ko about our output? He must be kidding! Eh napanood ko nga kung paano niya sigawan si Mrs. Cortez kanina. "Why not you?"

"Eh hindi ko naman kaclose yun eh."

D to the u to the h. Mas lalo naman ako 'no. Maybe, last na nakita ko siyang matino-tino when we were in clinic. Ginagamot yung sugat niya.

"So, here's our output..." He starts explaining. Dinaldal niya lahat yung about sa output at ako, nakikinig lang. Music presentation...

"That's it." He finished. "Just remind Jongin."

Hindi ako makatango. "When will we record it?"

"If you will remind him, as soon as possible. Yun na rin kasi ang finals natin for Contem."

Tumango na lang ako at binuksan ulit yung libro na binabasa ko kanina. Hindi ko na pinansin si Baekhyun kung umalis na siya. Pero parang hindi pa, I still feel his presence.

"Nanami?"

I gave a quick glance as I react, "Bakit?"

"Uh... Are you willing to sing for our output?"

Nahinto ako sa pagbabasa pero hindi ko nilipat ang tingin ko sa kanya. Para akong binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Ha?"

"Well, I once you heard humming. Can you please try?"

Mabilis na umiling ako. Nabuhay yung kaba sa dibdib ko. Shocks. Don't tell me may alam siya? Kailan ba ako nag-hum in public? Boset. Di ko matandaan!

"Bakit naman?"

"Ayoko."

"Why?"

Masasayang ang ilang taon na pagtatago ko sa katauhan ni Jin. "Sintunado ako so ayoko." I lied.

Hindi siya kumibo, nakatitig lang siya, well sakin yata. I look at my back kung meron siyang tinititigan don pero wala naman student.

"B-Baekhyun?"

He didn't answer me instead his right hand move towards my face. I frozed. Hindi ako makakibo dahil sa action na ginawa niya.

I gasped when his hand touch my eyeglasses. Saka lang ako nakabawi sa pagkakashock when he slowly removing it. Mabilis na tinabig ko yung kamay niya at saka tumayo.

Patakbo na lumabas ako ng library. It almost. Almost, Nanami. Almost.

Sing For You [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon