Sing for you XX (Part 3)

20 2 0
                                    

ACQUAINTANCE BALL

Nanami's POV

"Inhale, exhale. Woo! Kaya mo yan Nami!" bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin ng dressing room ng ESU.

Tonight will be the acquaintance ball. Kinakabahan ako to the point that I want to back out pero— aish. Nandito na rin lang ako kaya bahala na. Huminga ako ng malalim sa huling pagkakataon at nagpasyang lumabas na. Pupuntahan ko na sa back stage ang Labyrinth kasi kami ang opening performance ngayong gabi. Nabalitaan ko rin sa madaldal na si Baekhyun na ang kasama naming magh-host dito ay ang The Eve's Bistro. Ibig sabihin nandito rin si Lory. Nasaan na kaya yung babaeng yun?

The moment I stepped out on the dressing room, naramdaman kong may humawak sa kamay ko and interwined our fingers together. What the?

"Get out. I have my date with me." A cold baritone voice spoke.

"Aw. Sayang."

"Sino yung girl? Nag-aaral ba siya dito?"

"Girls let's go! Malapit ng magstart ang program!"

Tiningala ko ang lalaking humawak sa kamay ko at literal akong napaatras ng makita ko kung sino siya.

Kim Jongin.

"Hey, Miss? Are you okay?" His voice make me back on my senses.

"A-ah eh, o-oo." Ano ka ba naman, Nami! Si Jongin lang yan! Snap out of it!

A small smile appeared on his face. "Let's go? The ball is about to start."

Bago pa man ako makaprotesta ay hinila na niya ako papunta sa grand hall ng University. My eyes were still glued on our eyes that interwined together causing my heart to pound crazily. Ano na, Nami? Bat parang naparalisa ka dyan? Make a move!

"A-ah ano! K-kailangan ko ng umalis." Mabilis kong iwinaksi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagmamadaling tumakbo papuntang back stage.




"And now, let us all welcome, the East Sun University's Pride. Labyrinth!"

Mula sa likod ng malaking kurtinang kumukubli sa amin ay rinig na rinig namin ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao na lalong nakapagpakaba sa akin. Junmyeon tapped my shoulder and smile reassuringly.

"Wag kang kabahan, Jin. Kaya natin to. Diba guys?" Sabi niya at humarap kay Lay at Baekhyun.

Tumango naman si Lay. Lumapit sa akin si Baekhyun at hinawakan ang mga kamay ko.

"You can do it, Jin. Nandito lang kami para sayo." Tsaka siya ngumiti.

"Hoy bugok. Iba na yan ah. Bumalik ka na nga don!" Kantyaw ni Junmyeon tsaka tumawa dahilan para tumungo kami ni Baekhyun. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

"It's showtime, guys." Lay remarked kasabay ng paghawi ng pulang kurtinang tumatakip sa amin.

Lay started to beat his drums hudyat na magsisimula na kami. Pumikit ako at huminga ng malalim as I sang the first line of the song.

You were the shadow to my light

Did you feel us?

Another star

You fade away

Afraid our aim is out of sight

Wanna see us

Alight...

Iminulat ko ang mga mata ko at tumama ang aking paningin sa lalaking nakatayo sa madilim na parte ng grand hall. His eyes were sparkling as well as his ashgray hair being lighted by the dimlights. H-He's beautiful.

Sing For You [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon