Sing for you XXI

13 2 0
                                    

COINCIDENCE


Nanami's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Last night was really a tiring night. Nakakapagod mag-isip. Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano dahil bukod kay Lory, may nakaalam sa sikreto ko. Nakapikit na naipukpok ko ng mahina ang noo ko sa mesa. Why is this happening?! Tahimik naman yung buhay ko behind Jin's identity the past years tapos ngayon lang masasayang? I want to scream, you know.

"Nami, ayos ka lang ba?"

Napatuwid ako ng upo nang tinap ni Lola yung balikat ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Opo, Lola. Ayos lang ako." Alam din nina Lola na nagttrabaho ako pero ang hindi nila alam ay yung sitwasyon na ginagalawan ko gabi-gabi. So, it means, wala silang idea na nagpapalit ako ng identity. Shocks. Parang may super powers lang.

Nga pala, hindi ko alam kung sisiputin ko ba yung lalaking 'yon o hindi. Imbis na malaya akong kumilos parang kailangan ko pang bilangin yung kilos ko ngayon.

"Aish. Doble-dobleng pag-iingat 'to." payo ko sa sarili.

Inilapag ni Lola ang isang baso ng tubig. "Aba'y, parang ang lalim ng iniisip mo, apo. Pati sarili kinakausap mo na." puna ni Lola sakin.

Ngumiti ako. "Ah, Lola, aalis po ako maya-maya." pag-iiba ko sa usapan.

"Saan ka naman pupunta?" sabat ni Lolo.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Sa Dean's lang po." pagsisinungaling ko.

Tumango sila. "Mag-iingat ka."




* * * * *
It's 10 in the morning when I reached Day and Night. Actually, I did not enter. Nasa may 'di kalayuan lang ako kung saan matatanaw ko pa ang mga tao sa loob ng shop since glassed wall naman ito. And there, I saw Baekhyun. He occupied the table na nasa tabi lang ng glass wall.

I want to know more about you. That's impossible! Bukod kay Lory, hindi ko kayang magtiwala. Lory and I had the same situation, kaya naiintindihan namin ang isa't isa. You know, we're both afraid to expose the other side of ourselves. Mas panatag ako kung siya lang eh but there's Baekhyun now. Lalo akong nahihirapan. Mas lalo akong natatakot magtiwala.

"Hindi ko kaya." I whispered to myself. Bahala na sa lunes, lulusot na lang ako sa guard.

Hindi ko na sinipot si Baekhyun. Eh sa hindi ko talaga kaya. Hindi naman ganon kadaling mag-open sa isang tao especially when it comes to your personal life. Saka paano 'yon? Ikukwento ko kung kailan nagsimula ang buhay ni Nanami kay Jin. Ikukwento ko kung paano. Ikukwento ko panigurado ang pangiingawan ni Mama samin ni Papa noong eight years old ako. Na sumama siya sa ibang lalaki dahil hindi kaya ni Mama yung buhay na meron siya kay Papa at hindi niya minahal si Papa. At namatay si Papa dahil sa depression. Ganon?!

"Ah! Ewan!" naibulalas ko. Napansin ko na lang na narito ako sa may park ngayon, nakaupo sa isang bench. Mas mabuti na rin siguro na nandito ako. Kung ibuburyo ko ang sarili sa bahay baka tuluyan na akong mabaliw sa kakaisip.

I shut my eyes close as I covered my face using my palm. Gusto kong umiyak. Imbis na nakabaon na kasi ang lahat, pilit pa ring hinuhukay. Hindi ko na nga naiisip kung nasaan na yung Mama ko. Hindi ko na nga naiisip na siya at ang lalaki niya ang dahilan kung bakit namatay si Papa. Ang dami kong gustong isumbat kay Mama magmula noong iwan niya kami. Papa.

Naramdaman ko na lang na may patak ng tubig ang mga palad ko. Kinapa ko yung pisngi ko. Aish! Ba't ako umiiyak? Mabilis na pinunasan ko ang pisngi ko pero mas lalo akong naiyak.

"Bwiset ka, Nanami. Stop being emotional." suway ko sa sarili. Patuloy pa rin ako sa pagpunas when I felt someone sat beside me. I turned my gaze.

Sing For You [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon