Chapter Twelve
Dalawang araw pa ang nagdaan bago ulit kami nagkaroon ng oras para tumakbo together. Sobrang sakit ng katawan ko matapos yung first time naming pagtakbo na halos hindi na ako makaalis ng kama. I even called in sick that day. Eventually, the pain wore off and we started running again. That was two weeks ago.
Naging close na din kami ni Lee dahil sa lagi kaming magkasama araw-araw. We often teased each other sa kung anu-ano. And then we shared some personal facts na ngayon lang namin nalaman. Nalaman kong he was twenty-nine (three years older than me) and one of the youngest doctor in St. Mary’s. He was twenty-seven nung nagsimula siyang magtrabaho sa pareho naming pinagta-trabahuan. He’s an only child of the Lee family. No one ever called him “Howard” kung hindi yung nanay niya lang. Kahit yung tatay niya ay “Lee” din ang tawag sa kanya. And since siya lang yung nag-iisang anak, inaapura na siya ng kanyang mga magulang – especially his mother – to settle down para daw mabigyan na niya ito ng mga apo. Napatawa na lang ako ng malakas nang sinabi niya yun while we’re on the run. Kailangan niya pa tuloy akong iwan para daw hindi akalain ng mga tao na kilala niya ang baliw na babaeng tumatawa ng mag-isa. That was his words, not mine.
At the same time, I told him about Greg and that he was my first boyfriend and everything. I also told him that time when Greg broke up with me sa restaurant where we celebrated our fifth anniversary and thought he was going to propose at nung pinamukha niya sa aking wala na kami outside that café sa Taft. Nanggagalaiti pa siya habang kinukwento ko ‘yun – which I found him really adorable – samantalang tinatawanan ko na lang ‘yung reaksiyon niya. I guess, I’ve already moved on. ‘Nung nagkwento ako tungkol kay Greg, hindi ko na nararamdaman yung sakit na gaya ng dati. I felt like living a normal life again, like I didn’t need a man to be happy.
Lee and I get to comfortable around each other. Kahit ang mga kasamahan namin sa St. Mary’s ay napapansin yung pagbabago sa aming dalawa. Hindi naman namin nilalagyan ng malisya ang mga nangyayari. Though, once in a while, Bee would smile her shit-eating smile and she sometimes told me her I-told-you-so’s. Kung ano man ang ibig sabihin ‘nun, hindi ko alam.
“You know, I’ll be in Pampanga tomorrow.” Wika ni Lee that snaps me out of my reverie. Nilingon ko naman siya.
“Oh? Anong gagawin mo ‘dun?” curious kong tanong. Aside from running every morning, nagkakaroon din kami ng time para gumala, either kaming dalawa lang or kasama ‘yung mga kaibigan niya or ‘yung mga BAKA Girls. And mind you, everyone and I mean everyone keep on mistaking us for a couple. I don’t even know why. Sure, we’re comfortable around each other, teasing and telling each other a couple of jokes or so but that was it. At hindi ko pa nakakalimutan yung rebound guy sa list. The more I spend time with him, the more na ayaw kong gawin siyang rebound lang.
“Wala lang. Adventure. You should come with me.” Anyaya niya sa akin. Kung dati ay hindi siya masyadong makalapit at makausap ako, ngayon ay hindi na siya nahihiyang ayaain ako kung saan-saan.
“Hmm. Let me think about it.” Sabi ko, kunwari pa nagdadalawang-isip sumama. And then he pouted. The famous Doctor Lee pouted. Napahalakhak na lang ako. He looks so cute when he made faces. Never mong maiisip na napakakwela ng doktor na ito.
“Sumama ka na! ‘Pag di ka sumama iba pipilitin kong sumama.” Banta pa nito. Aba, nagbanta pa yung lolo niyo.
“Sus. Oo na. Sasama na!” nakangiti kong sagot sa kanya.
Para namang na-shock ito sa naging sagot ko at napatitig siya sa aking mukha. Na-conscious naman ako bigla. Ikaw ba naman titigan ng gwapong-gwapong doktor na ito, hindi ka kaya ma-conscious? Kahit na naging comfortable na kami sa isa’t-isa, may mga pagkakataon pa ring hindi ako nasasanay sa pagtitig niya o kaya naman ‘pag hinahawakan niya ang kamay ko or when he puts his hand on my lower back. ‘Pag ginagawa niya ang mga ‘yun, hindi ko na siya matignan ng deritso sa mukha. Ako lang naman ata ang malisyosa sa amin dalawa dahil tila balewala lang naman sa kanya ‘yung ginagawa niya.
“Thank you.” Wika niya pagkatapos ay pinitik niya yung tungki ng ilong ko. Namula naman agad ako sa ginawa niya ngunit hinawakan niya lang yung magkabilang pisngi ko saka pinisil din ito na para bang isa akong batang kanyang napanggigilan.
I frowned but then he just laughed at ginulo yung buhok ko. Nahampas ko tuloy yung kamay niya. Alam naman niyang ayaw na ayaw kong ginugulo ‘yung buhok ko, ginagawa pa rin niya. Though, madali lang naman ayusin yung red bob-cut hair ko.
Hindi naman namin namalayan na nakabalik na pala sina Ann, Charlyn, Jasmin, Aly at Bee sa table namin. Magkasama kaming tatlo ni Bee at Lee kanina habang naghahanap ng makakainan. Hindi kasi namin nagugustuhan ang mga pagkain sa canteen kaya naman lumabas muna kami ng hospital. Lumabas din naman pala sina Ann, Charly, Aly at Jasmin kaya nagkita-kita kami dito.
“Are you sure you’re not an item?” deritsong tanong ni Ann. Kahit kailan talaga itong babaeng ito napaka-straightforward.
Umiling naman ako and then I heard Bee stiffled a giggle.
“Malapit na.” I heard him whispher. Napalingon naman ako agad sa kanya ngunit sa labas ng restaurant na ito nakatingin.
I turned my gaze sa mga BAKA Girls but they just shrugged and shared a knowing smile.
****
“Seryoso ka dito?!” sigaw ko. Hindi na kasi kami masyadong magkarinigan dahil nakaandar na yung mga Cessna planes na sasakyan namin. Nasa loob kami ng Clark Special Economic Zone.
He just smiled habang inaayos yung mga safety harness and jumpsuits na kanilang isusuot bago sila isasakay sa eroplano.
Nasa himpapawid na kami ng biglang buksan ng isa sa mga kasama nila ang pinto ng eroplano.
“Shit!” bulong ko. Seryoso na talaga ‘to? Skydiving?! Shocks, this is something extreme.
“Pag ako namatay, Lee. Mumultuhin kita!” ngayon naman ako ang nagbabanta sa kanya. To tell you the truth, takot talaga ako sa mga matataas na lugar kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Hindi ‘yan. Kasama mo naman ako.” Bulong pa niya mula sa likuran ko habang hinahawakan ‘yung kamay ko.
“Ready?” tanong niya kung saan umiling naman ako. Hindi ko alam kung ready na ba ako, o kung magiging ready pa ako.
Tinawan na lang niya ako and he whisphered something in my ear, “You just have to let the gravity pull you, Liz. Let yourself fall.” Then he shouted.
“One, two, three. Jump!”and with that he jumped.. kasama ako.
And I feel like falling.
![](https://img.wattpad.com/cover/16479653-288-k431000.jpg)
BINABASA MO ANG
How To Be A Single Girl 101 (Baka Girls #1) [Completed]
Romantizm[Self Published] After years of being together with her first boyfriend and her first in everything, Elizabeth "Liz" Summers is already making plans for their future. Plans which includes white wedding dresses, kids and the white picket-fence house...