CNCH 7

507 15 1
                                    

Gwapong Francis: ‘Ano song ang kakantahin natin?’

Text sa akin yan ni Francis. Hindi ako yung naglagay ng name niya dyan. Siya yun. Feeling niya naman gwapo siya. Pero real talk, gwapo naman talaga siya.

‘Ewan ko sayo’ reply ko naman. Bahala na siya kung ano’ng kanta ang gusto niyan’ng kantahin namin sa prom concert.

Gwapong Francis: ‘So, ako ang mag-iisip. Ganun, ha?’

Sheryl: ‘Oo. Bahala ka na. Madami ka namang alam na kanta dba?’

Gwapong Francis: ‘Oo na. Ako na mag-iisip.’

Galit ba siya? Bakit ganun yung reply niya sa akin? Hmp! Baka hindi naman. Baka ganyan lang talaga siya magreply, kapag wala ng sasabihin pa. Tatayo na sana ako ng biglang umilaw at nagvibrate yung phone ko. Nagtext si Martin.

Martin: ‘Galit ka pa ba? Sorry naman na, oh’ eto nanaman. Dahil hindi na lowbat yung phone ko, nireplyan ko ng diretsong hindi. Tapos bigla namang nagreply. Ba’t ba ang bilis bilis niya magreply?

Martin: ‘Eh, ba’t hindi ka magreply kanina? Nawalan ka ng load?’

Sheryl: ‘Nalowbat lang. Naka-line ako’

Nung hindi na siya nagreply, bumaba na ako para kumain. Nung tapos naako kumain nanuod muna ako ng TV kaya, hindi ako agad naka-akyat sa kwarto ko. Pag-akyat ko sa kwarto ko, nabigla ako, kasi yung phone ko.. andaming missed calls, galing kay Martin. Ano ba problema nito? Tapos may mga text pa siya.

Martin: ‘Ok. Kumain ka na?’

Martin: ‘Ba’t di mo sagutin?’ tapos dirediretso ng ganyan. Ta’s ito yung pinaka-last niya’ng text.

Martin: ‘Sasabihin mo’ng hindi ka galit, yun naman pala galit ka. Sana naman naging honest ka. Sige di na kita gagambalahin pa’

Ano ba’ng problema nito? Di pa naman kami masyadong magkakilala, uh. Kung maka-asta naman akala mo sobrang close namin. Honest naman ako, kanina uh. Sinabi ko naman talaga yung totoo. Sa sobrang asar ko, pinatay ko yung phone ko at natulog na. Nakaka-asar talaga.

Kinaumagahan, maaga ako nagising at maaga din dumating sa school. . Kukonte pa lang ang tao. Kinuha ko yung phone ko sa bag pati narin yung headset at yung libro na din pala. Tatapusin ko na talaga to ngayon. Nagiiscan ako ng kanta ng biglang may tumawag sa akin. Si Iccy, tumatawag.

“Bakit?” sabi ko pagkasagot ko sa tawag niya.

“Yan na ba ang bagong ‘Hello’?” sabi niya, umirap nalang ako. Kahit alam ko’ng di naman niya makikita yun.

“Bakit?” tanong ko ulit.

“Andito ako sa harap ng bahay niyo. Sabay ulit tayo pumasok”

“Wala na ako sa bahay. Andito na ako school. Pumasok ka ng mag-isa” sabi ko sakanya at pinatay na yung tawag niya. Nag-scan ulit ako ng kanta, nang makapili na ako. Nagbasa na ako.

After 30 minutes ng dumating yung teacher namin. Sasabog na yata utak, pano ba naman kasi, tawag siya ng tawag sa akin. Iexplain ko daw ito, ano ibig sabihin nito. Yung totoo? Teacher ba siya o hindi? Nakaka-asar lang. -.-‘

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon