CNCH 14

316 7 2
                                    

"Shweng.." tanong sa akin ni Iccy habang nagbabasa ako ng notes. May quiz kasi at recitation.

"Hmm?"

"Kaano ano mo yung....." napatigil siya at hinawakan yung labi niya. Weird!

"Yung? Ano yun?" tanong ko naman. At hinarap na siya.

"Yung... Yung ano... Ano yun?" bulong niya sa sarili niya. Ano ba kasi yun? :3

"Alam ko na! Yung ano... Sino yun ulit?" tanong niya ulit sa sarili niya.

"Ewan ko sayo. Ang gulo mo" sabi ko sakanya at pinagpatuloy na yung pagbabasa ko.

"Alam ko na talaga.. Si ano… Khry... Kryzter. Oo siya nga!" sigaw at dinuro pa ako.

"Oh? Ano'ng meron sakanya?" kunot noo ko'ng tanong sakanya.

"Yun ngaa. Kaano ano mo siya?" at bumuntong hininga siya at himawakan ulit yung lips niya. Ang weird talaga!

"Pinsan ko. Bakit uh?" tanong ko at sinarado na yung notebook ko. Hindi na ako makaka-concentrate nito.

"Ahh. Wala" casual na sabi niya at narinig ko siya'ng nagmura.

Ba't kaya niya tinatanong. Eh nakita ko sila na nakasilong sa iisang payong. Teka ngaa!! Hindi ba sila? Pero, bakit.... Bago pa magtanong ng madami yung utak ko. Tinanong ko na siya.

"May something ba sainyo ni Khryzter?" tanong ko sakanya na siya'ng kinagulat niya.

"Ha?! Wala. B-ba't mo naman n-natanong?" aniya at nagiwas ng tingin. Nagkibit balikat nalang ako kasi dumating na yung teacher namin.

"Hoy, pinsan mo talaga yun?" tanong ulit sa akin ni Iccy habang nagddisscuss yung teacher namin.

"Oo. Bakit mo ba kasi siya tinatanong? Boyfriend mo yata" sabi ko sakanya at hinarap ulit yung teacher namin.

"Boyfriend?! Di ko nga kilala yun eh. Nung... kahapon lang naman. Pero seryoso pinsan mo talaga yun?" inirapan ko nalang siya at nakinig na ulit. Mamaya pagalitan pa kami eh.

"Di nga? Di kapani-paniwala talaga.." yan ang sinabi ni Iccy pagkatapos ng kalse namin.

"Ano'ng di kapani-paniwala na sinasabi mo dyan, ha?!" sabi ko na sakanya, kasi naman kanina pa niya sinabi yan. At pabulong pa. Tss...

"...Pinsan mo talaga siya?" hanggang ngayon di parin siya makaget-over? Geez.

"Aish.. Oo. Paulit ulit tayo Iccy eh. Isa pa'ng ganyan, makakatikim ka na sa akin. Isagad mo pa uh" sabi ko sakanya at pumunta na sa seats namin. Syempre, tapos na ako bumili.

"Oh?! Naka-contacts kana?" tanong sa akin ni Mart, pagkadating nila.

"Eh? Di." maikling sagot ko sakanya. Tas tinignan ko si Francis at Iccy. Tumango nalang sila at parang naintindihan naman nila yung pagtingin ko sakanila.

"Ahhh.. Tol, ganito kasi yan......" at ikwenento na nilang dalawa, kung bakit wala ako'ng salamin na suot ngayon.

"Oh? Ang babaw mo uh" sabi niya sa akin,  pagkatapos nilang magkwento sakanya.

"Eh, bakit ba?!" sigaw ko sakanya at sumubo ng piattos.

"Parang yun lang ay" aniya at uminom ng coke. At dahil katabi ko siya, pinalo ko siya sa likuran at muntik na niya maibuga yung coke kay Iccy. Laftrep lang!!

"Bakit mo ginawa yun?!" sigaw sa akin ni Mart pagkarecover niya dun sa ginawa ko.

Nagkibit balikat ako. "Wala lang" sabi ko sakanya at tumawa naman yung dalawa. Wala namang nakakatawa dun uh. Nanahimik na kami at kumain.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon