CNCH 22

136 3 0
                                    

As always, been busy with school. Wag na magtaka bakit matagal ang UD it's because buhay ko ang school fyi.

So here's the update my angels! Happy reading! Comment down below and vote! xoxo

Chapter 22

Dumaan ang isang buwan na ganun ang set up namin ni Francis. Lagi kami nagsasabay sa dinner at hinahatid niya rin ako sa parking ng condo. Wala rin namang sinasabi si Martin, naiintindihan naman niya siguro.

"Adrienne! Tara lunch mag chill naman tayo!" kumakaway na tawag sa akin ni Bowie, bakla 'kong classmate sa isang subject.

Hindi ko alam ang trip niya bakit Adrienne ng tawag niya sa akin. I already told him na lahat ng kaibigan ko Sheryl ang tawag sa akin pero ayaw paawat, gusto talaga ng Adrienne. Hinayaan ko nalang.

"Next week nalang after Prelims. Marami ako'ng irereview sa major ko."

Ngumuso siya sa sinabi ko. Hindi siya mukhang bakla kung titignan mo lang dahil sa tindig niyang badboy look, medyo malaki pa ang kanyang pangangatawan at ang boses buong buo. Yun nga lang nung tumili dahil nakita si Francis alam ko na. Hindi na kailangan ng confirmation galing sa kanya.

"Sinabi mo yan ha? Kapag hindi natuloy sabunot abot mo sa akin. Babae ka!" may kasamang pang gigil ang pagkakasabi niya.

Tumatawa ako habang hinahawakan siya sa kamay. "Oo promise. Remind me nga lang kasi as in ang dami 'kong kailangan ireview."

Pumayag naman siya. Buti nalang madali siyang kausapin. Pumunta nalang ako sa next class ko pero pagdating ko doon ay attendance lang ang kinuha sa amin dahil masama daw ang pakiramdam ng instructor namin.

Sana pala tinanggap ko nalang ang anyaya ni Bowie. Matagal tagal pa ang paghihintay ko kay Francis at baka mabored lang rin ako sa library kakabasa para sa prelims.

Umupo muna ako sa bench sa may silong ng narra. Bumuntong hininga ako at nag isip, ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Kung nandito lang sana si Iccy it will be better kaso hindi eh.

Tinawag ko si Bowie baka sakaling wala siyang klase ngayon. Pakrating ng pang ilang ring saka niya sinagot.

"Bowie, I'm bored. Let's chill." tumawa pa ako sa dulo habang tumitingin ng mag taong dumadaan.

"Did you ditch your class?" natatawa rin na tanong niya.

"Hindi ah. Walang klase kasi and yeah I'm bored. Tara labas na tayo, sagot ko na."

"Hindi pwede, Adrienne. Major subject kasi eh."

"Ay ganun ba, sige, next time nalang. I'll end na..."

Major class pala niya tapos ginugulo ko siya!

"Call your boyfriend!" natatawa niyang sabi.

"He's busy. Sige na, bye na." pinatay ko na para hindi na siya matagalan pa sa pakiki usap sa akin. Mapagalitan pa siya.

Tinignan ko ang mga irereview ko para sa exams next week. Marami rin kahit minor subjects. Ngumuso ako ng humangin, parang gusto ko matulog. Paglingon ko sa bandang may parking lot nakita ko si Martin. Aalis ba siya? Mamaya pa ang uwian niya.

Dumiretso ako sakanya bago siya makasakay sa kotse.

"Addie!" sigaw ko sakanya. Lumingon naman agad siya at nakakunot ang noo.

Narinig ko kasi noong bumisita ang Mama niya sa condo. Tinawag siyang Addie and I find it cute kaya I decided kapag kaming dalawa lang, yun ang itatawag ko sakanya. Syempre nakakahiya naman kung hanggang sa public ay Addie ang itawag ko baka iba pa ang maisip ng mga tao. Kaso bumawi, Addie rin itinawag sa akin.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon