CNCH 6

644 20 4
                                    

Hindi na siya nagreply pa. Siguro na confiscate yung phone niya o kaya naman may klase siya. Hindi nila ako mahuhuli kasi nga nasa likod ako, saka hindi din nila ako napapansin. Napapansin lang nila ako kapag nagrerecite ako.

Habang nagdidisscuss si Sir. Saka ko lang naalala na kung saan niya napulot yung number ko. Wala naman ako’ng pinagbibigayan eh. Ni kay Francis nga, hindi ko binigay. Ako pa kumuha ng number. Well, hindi naman talaga ako ang kumuha, pinatype ko sakanya number niya sa phone ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko, at pinatong sa libro ko. At tinext siya. ‘San mo nakuha number ko?’ at sinend na sakanya. Hindi ko lang alam kung magrereply pa ba siya. After 3 minutes bago siya nagreply ‘Sa kapatid mo. Sorry kung kinuha ko ng hindi mo alam.’ So kay Steph niya pala nakuha number ko. Pinagsabihan ko na nga na wag ibinibigay yung number ko sa hindi ko kilala.

‘Hindi okay lang. Nakilala naman na kita, kaya ayos lang’ at sinend ko na, pero deep inside ayoko talaga. Hindi okay sa akin na nasa kanya ang number ko. Uncomfortable ako, ewan ko kung bakit. Siguro dahil hindi ko pa siya masyadong kilala.

‘Sorry talaga. Hayaan mo, hindi naman kita gagambalahin lagi’ reply niya. ‘Okay’ yun nalang ang sinabi ko sakanya at nakinig na ako sa disscussion. Nang malapit na mag break nagtext ulit siya. Tinatanong niya ako kung sino daw kasabay ko sa break, sabi ko naman sakanya si Iccy. At nagreply naman agad siya at sabi pa, kung pwede daw siya’ng makisabay sa amin. Wala ba to’ng kaibigan? Pumayag nalang ako, nakakahiya naman kasi kay Iccy, kung tatanggihan ko pa daw ang offer niya.

Nakita niya kasi ako habang katext ko siya, at naki-basa pa siya. Tsismosa ba siya? Tatanungin ko nga siya mamaya. Hindi ko sana tatanggapin, eh alam niyo naman na nakikibasa si Iccy, sabi niya, tanggapin ko para masaya daw. La kwenta namang reason yun.

Papunta na kami nagyon sa canteen ng may sumabay sa akin na lalaki. Tinignan ko at si Francis pala. Nang malapit naman na kami sa canteen may sumabay nanaman, ngayon hindi ko na tinignan pa, sigurado kasi ako’ng si Martin yan.

“Ano’ng gusto mo?” tanong niya sa amin ng makalapit na kami sa counter. Ilillibre niya ba kami? Well, sorry siya. Hindi kasi ako tumatanggap ng libre. Hindi ako yung katulad ng ibang tao. Namukhang libre.. (Natamaan naman ako dun. HAHAHA! – Aiby)

“Manlilibre ka’ba?” tanong naman ni Iccy kay Martin.

“Oo. Libre ko kayo, pati ikaw na’din, tol. Kahit labag sa kalooban ko” sabi naman niya kay Francis. Magkakilala sila? Hindi ko yata napansin kanina habang naglalakad kami.

“Magkaibigan ba kayo?” tanong sakanila’ng dalawa.

“Yup/Oo” sabay nilang sabi.

“Oh, ano gusto niyo? Sabihin niyo na, may bibili pa’ng iba, oh” sabi ni Martin.

Sinabi nila yung gusto nilang dalawa na si Francis at Iccy kay Martin. “Ikaw ba,Sheryl? Ano gusto mo?” tanong naman niya sa akin. “Wala. May baon ako” sabi ko sakanya. Totoong may baon ako, binaunan ako ni Mama. Share daw kami ni Iccy dito. Chocolate cake, spaghetti at sandwich ang binaon ni Mama sa akin. Parang may birthday lang ay.

Nang makaupo na kami, nilabas ko na yung baon ko. Tigdalawang tupperware kami ni Iccy ng spaghetti at cake. Habang nilalabas ko ang mag baon ko, nakatingin sila’ng tatlo sa akin, sabay tanong ng... “Birthday mo ba?” nabigla naman ako sa tanong nila. Porket may spaghetti at cake, birthday na agad?

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon