CNCH 19

294 5 0
                                    

CNCH 19

“Ma, you’re kidding right?” tanong ko kay Mama. Nagbabasakali na baka nagloloko lang sila.

“Nope. I’m not kidding.” At sumubo siya ng pagkain niya. Ngumiti pa kay Mart.

Tinignan ko ng masama si Mart. Paano ba naman kasi gumanti din siya ng ngiti kay Mama. Nakaka-asar lang ay. Nilabas ko yung phone ko at nitext ko siya. Tinaas ko yung phone, meaning nagtext ako sakanya. Na-gets niya yata kasi nilabas niya din yung phone niya at binasa yung ni-text ko sakanya.

‘Sheryl: Hey. Totoo ba yun?’

‘Mart: Tingin mo?’ ha! Sungit ha. Gusto mo pala ng sungitan uh. Sige ba. Marunong ako dyan.

‘Sheryl: Sa tingin mo din? Duh!’

‘Mart: Ano ba sa tingin mo? Try mo magtanong.’ Aish! Ang sarap lang mag-mura ng malutong eh. Pasalamat siya at ayoko.

‘Sheryl: Tinanong ko na! Narinig mo naman dba?’

‘Mart: Yup, rinig na rinig ko. Dba sabi di sila nagbibiro? E’di totoo yun’ tinignan ko nalang siya ng masama. At kumain nalang. Wala po siya’ng kwenta. Nakaka-asar.

Habang busy ako sa pagkain, di nalang siya pinapansin kahit na, tanong ng tanong si Mama, if nagkikita daw ba kami sa school, if close daw ba kami. Oo nalang ako ng oo, siya naman ngiti. Mapunit sana yung labi niya. Di siya clown para ngumiti ng ngumiti. Pero kung gusto niya. Pwede naman, walang pipigil sakanya.

“Mom, labas po ako” ani Mart at tumayo. Tumango nalang yung Mommy niya kaya umalis na siya.

Maghe-headset n asana ako ng bigla nalang magtanong si Mama, if may gwapo daw siya. Tumawa naman yung parents niya. Di muna ako sumagot. Iniisipin ko pa. Lahat sila naka-tingin sa akin, nagaabang ng sagot. Ngumiti ako sakanila at sumagot…

“Ewan ko. Exotic yata yun”sabi ko na ikinatawa nila. Ngumiti nalang ako, nagagaya ko na si Mart. Nakaka-hawa pala ang ngiti, dapat di ko tinitignan ang mga taong naka-ngiti. Masama sa kalusugan, masyadong nakaka-hawa.

Busy sila na nag-uusap ng biglang nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino. Oh shoot! Si Francis! Nakalimutan ko na siya, hala, paano nay an. May fiancé daw ako tapos may boyfriend ako. Para tuloy ako’ng two timer. Tinignan ko kung ano ang laman.

‘Francis: Hey, how was the dinner?’

‘Sheryl: Di pa tapos, medyo nalate kami. pero, masaya naman’ kahit na hindi. Ikaw ba naman na, malaman mo na may fiancé ka daw, tas may boyfriend ka. Tignan lang natin kung masaya ka pa.

‘Francis: Good then. You eat well, okay? Talk to you later, don’t wanna be a disturbance” aww. Ang sweetniya talaga kahit kalian. Kaya ako na-inlove diyan eh!

‘Sheryl: Okay’

Ilalapag ko na sana yung phone ko nang mag-vibrate ulit ito. Tinignan ko, baka nagreply pa si Francis, pero hindi pala si Mart lang. Nangingkit yung mga mata ko. Ano kaya laman nito? Pumikit muna ako bago buksan.

‘Mart: Go outside’ yun lang. Siguro may sasabihin ‘to. Tumayo ako at nagpa-alam sakanila. Sabi ko sa Cr, para di halata na susunod ako sakanya.

Pagkalabas ko, nakita ko siya na may hawak, pahaba siya ng puti. Naninigarilyo ba siya? Luampit ako sakanya at dinikwat yun, sabay tapon.

“Hey. Bakit mo ibinato yun?’ tanong niya at itinaas yung kamay niya ana para ba’ng susuntukin niya ako. Hinarang ko naman yung dalawa ko’ng kamay, panangga.

“Alam mo ba’ng bad yun ha?! Naninigarilyo ka, eh kabata-bata mo pa. Saka ka na manigarilyo kapag may trabaho kana” still nakaharang parin yung mga kamay ko sa ulo ko.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon