CNCH 12

373 5 1
                                    

"Kuya, magaling na ba si Ate Sheryl?" tanong sa akin ng kapatid ko.

"Hindi ko alam. Tanungin mo kaya si Steph."

"Oo nga noh."  at pumunta na sa kwarto niya.

"Dalian mo. Kain tayo! Malelate nanaman tayo nito, sa kabagalan mo eh!" sigaw ko sakanya bago siya maka-akyat.

"Magaling na daw. Papasok na daw eh" sabi niya pagkababa niya.

Tinango-an ko nalang siya at kumain na. Maaga kami ng kunti ni Xamara. Oo, konti lang kasi medyo malapit na magtime. Siguro, mga 15 minutes pa bago mag start ang klase.

-----

"Ano ba ito? Ang tagal tagal umorder." reklamo ni Iccy. Break na kasi.

"Arte neto. Wag ka nalang umorder kung gusto mo" sabi ko sakanya.

"Alis ka na dyan. Para ako na yung susunod" dagdag ko.

"Heh!" aniya at inirapan at tinulak pa ako. Mutik pa nga ako out of balance eh.

"SheShe. May basag yata yang salamin mo" sabi ni Francis at kinuha yung salamin ni Sheryl.

"Okay lang yan. Nagagamit pa naman eh" sabi niya at binawi yung salamin niya.

Nakita ko naman si Iccy na nagmemake face kay Sheryl. Grabe to'ng babae na to.

"Hindi okay sa akin. Papalitan ko to. Punta tayo sa optical shop"  sabi ni Francis at kinuha ulit yung salamin ni Sheryl.

Ano to? Bawian sila? Kung putulin nalang kaya natin yung salamin ni Sheryl, para hindi na sila magbawian. Hahahah. Djuk lang. Baka mamaya magalit pa sa akin si Sheryl eh. Sayang, medyo mawala yung closeness namin. Teka nga, may closeness nga ba kaming dalawa? XD

Busy ako'ng kumakain dito, habang si Francis atSheryl busy na nagbabangayan tungkol sa salamin ni Sheryl. Oy!! Hindi ako nagseselos uh. Saka di pa naman ganun kalalim yung feelings ko kay Sheryl eh. So back to the topic. Ayun nga, busy ako dito sa pagkain nang biglang nagvibrate yung phone ko. Sino naman kay to'ng nagtext?

Shee: 'Tulong naman dyan oh. Pakisabi sa bestfriend mo na, hindi na niya kailangan palitan yung salamin ko'

Kumunot yung noo ko at napatingin sa kanya ng nagtataka. At tumingun naman siya sa akin ng nagmamakaawa. Pagtritripan ko nga to'ng babae na to.

Ako: 'Ayoko nga :p'

Reply ko yan sakanya. Joke lang naman yan, pagtritipan ko lang siya mg kunti.

'Sige na' sabi niya sa akin pero walang tunog. Yung bibig niya lang yung gumalaw.

Umiling nalang ako. Bahala siya. Kumain nalang ulit ako, kakain nalang ako dito! Bahala na sila dyaaan~

"Laro tayo!" sigaw ni She. Napatigil si Francis sa pagpilit kay She. Napa-"eh" naman kaming tatlo. Laro? Ano yun? Bata lang eh?

"Laro? Hoy. Ang tanda tanda mo na, naglalaro ka parin?" sabi ni Francis kay She.

"Eh, bakit ba. Gusto ko ehhh :3" ani She. Samantalang kaming dalawa ni Iccy, natatawa dito kasi hindi mo maipinta yung mukha ni Francis, nung marinig niya yung word na 'laro'

"Shweeengg... Ano ka Pre-school? Elementary?" -Iccy. At binato si She ng tissue.

"Bakit sinabi na nila na, kapag highschool ka na. Di ka na pwedeng maglaro..... Hoyyy! Tandaan niyo to! Walang age limit ang paglalaro" ani She, at tinuro kami isa isa dun sa huli niya'ng sinabi.

"Oo na. Sige na. Laro na tayo. Ano naman lalaruin natin ha?" -Francis.

"Hmmm..... Ano nga baaaaa?" -She. At inilagay niya sa baba niya yung kamay niya at hinimas himas ito.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon