CNCH 23

279 6 3
                                    

Happy reading! I love you all! ❤️

Chapter 23

Akalain niyo yun, sobrang bilis ng araw. Parang kailan lang kakapasok ko palang ng school pero ngayon malapit na matapos ang first semester ng unang taon ko sa kolehiyo. Baka ganun talaga kapag hindi mo pinapansin ang oras.

"Sasabay ka ba, Addie?" tanong sa akin ni Martin. Ang aga nga niya nagising eh, wala naman siyang pasok ngayong araw. Saan kaya ang punta niya?

Umiling ako bilang sagot. Kunot noo ako'ng kumakain habang sinasaulo ang mga naireview ko kagabi. Ngayon kasi ang finals ko sa major, kailangan ko maipasa ito para makuha ko ang scholarship. Wala naman kaming problema financially, gusto ko lang talaga maging independent. Siguro itatago ko nalang sa bank account ko ang allowance ko para narin sa kunting ipon.

"Sigurado ka ba? Aalis na ako."

"Oo. Sige na umalis ka na baka at malate ka pa kung saan ka man pupunta." sabi ko at tinignan ang notebook sa tabi ng aking plato.

Umalis na rin siya kinalaunan, parang may importanteng lakad ngayong araw. Bahala siya sa buhay niya.

Pagkatapos kumain ay naghanda ako sa aking pagpasok. I wore a cream halter top and a gray trousers and paired it with a white sneakers. Ayoko mag mukhang formal gayong sa school lang naman ang punta ko. Natuto na rin ako manamit dahil sa galing sa fashion ni Steph at Iccy. Namiss ko bigla si Iccy.

I also tried to apply a light make up. Nagkilay lang at naglagay ng kunting blush on at nude lipstick. Para naman hindi ako mukhang ewan sa pagpasok. Ano yun? Nakastyle ang damit pero hindi naman nag ayos na mukha.

Paano nga pala ako papasok? Umalis na si Addie! Sino ang maghahatid sa akin? I was panicking at the parking lot ng makita ko na tumigil ang kotse ni Francis. Oh yeah, I forgot may boyfriend nga pala ako.

"Oh my god! You truly are my saviour." patakbong lapit ko sakanya at niyakap siya.

Tumawa naman siya at niyakap rin ako pabalik tsaka hinalikan sa noo.

"Martin told me kasi na hindi ka raw sumabay sa kanya kaya naisipan ko na sunduin ka na."

Remind me later to thank him too!

Sumakay na kami sa kotse at nag drive na patungo sa university.

"May major exam ako ngayon. Kinakabahan ako baka hindi ko maipasa." nag aalangan na sabi ko sakanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Don't be worried. Kaya mo yan, ikaw pa ba? Believe in yourself."

Ngumiti nalang din ako sakanya at niyakap siya bago bumaba ng kotse.

Hinatid niya ako sa aking room at bago umalis ay hinalikan ulit ako sa noo. Ngumiti ako habang kumakaway sakanya.

Umupo ako sa gitnang bahagi ng classroom at binasa ulit ang mga naireview ko kagabi.

"Alam mo ang sweet niyo talaga ng boyfriend mo. Ilang taon na kayo?" kinikilig na lumapit sa akin si Reign.

"Months palang." nahihiya kong sabi.

"Bagay na bagay kayo. Ang gwapo na niya at ang ganda mo pa. Magtatagal kayo nun panigurado."

Ngumiti nalang ako bilang sagot.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aming proctor at nagsimula na ako exams. Buti nalang hindi ako nagcramming, kundi baka hindi ko nasagutan ang mga tanong. Sana maipasa ko ito.

"Adrienne! Let's chill sa coffee shop!" salubong sa akin ni Bowie na naghihintay sa akin sa labas ng classroom.

"Great idea Bow. Kailangan ko irelax ang aking brain. Nahirapan ako sa exam ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon