CNCH 17

261 6 0
                                    

Iccy's

Saturday ngayon, wala ako'ng ginagawa. Ang boring naman kasi eh! Nu kaya pwedeng gawin? Hmmm...

Habang busy ako na nagiisip kung ano ang gagawin ko biglang nagring yung phone. Pagkatingin ko napasimangot ako.

'Khryzter: You free?'

You free you free siya dyan. Nakaka-asar! Lagi niya nalang ako tinatanong ng ganyan. Hindi ko siya nireplayan at nagpatuloy ako sa pagiisip.

Tumunog nanaman yung phone ko. Pero this time tawag na. Siya nanaman! Sinagot ko at sabay sabing...

"Ang inyong tinatawagan ay kasalukuyang natutulog. Subukan niyo nalang mamaya kapag gising na siya." at pinatay ko na agad.

Pagkababa ko ng tawag niya, tawa ako ng tawa. Laftrep yun!  Habang busy ako kakatawa tumunog nanaman yung phone ko.

"Tulog nga siya! Mamaya ka na tumawag! Istorbo ka sa natutulog na tao" bago ko mapatay yung tawag, nagsalita siya.

"Tulog.. Eh nasa bintana mo ako no?" sarcastic na sabi niya.

Huwat da?

Tumingin ako sa bintana ko. And huwaaaat!! Asa bintana ko nga siya at naka ngisi pa ang loko. Pumunta ako sa bintana at sinakal agad siya pagkalapit ko. Tngna niya! Ano'ng ginagawa nito dito?

"Ang brutal mo naman mag welcome ng bisita... Ang sakit nun uh" sabi niya at hinimas ang leeg niya.

Shoot! Dumudugo yung leeg niya. Ako ba may gawa nun o talagang may sugat na siya dun.

"Ang sakit. Tss" masakit siya dyan! Di pa nga yun yung pinakamasakit at pinakabrutal na sakal ko eh.

Patuloy parin siya paghimas ng leeg niya at singhap pa siya ng singhap. Pumunta ako sa tukador ko at kinuha ang alcohol. Lumapit ako sakanya at hinawakan yung kamay niya paalis dun sa leeg niya at isinaboy ko agad yung alcohol sa leeg niya.

"Aray! Ang sakit ha?!" aniya at suminghap nanaman.

"Syempre.. Alangan na hindi. Natry mo na ba magamot yung sugat mo na hindi ka nakakadama ng sakit? Lahat ng sugat kapag ginagamot, may sakit na mararamdaman, kahit na maliit at katiting n sugat yan, may sakit parin kapag ginamot mo. Di nga yung sobra'ng sakit."-ako

" Eh di sana betadine nalang kesa alcohol atleast di siya ganun kasakit"

"Ang arte mo ha. Pasalamat ka nga may awa pa ako sayo" at tumalikod sakanya. Bababa ako, kakain nalang ang gagawin ko. Tinatamad na ako lumabas ng bahay.

"O-oh? Saan ka pupunta?" pero di ko na siya pinansin at lumakad at lumabas na ako diretso papuntang kusina.

"Hoy! Sorry na. Thank you na uh?" hinabol niya pala ako dito.

"Wag na. Umuwi ka na"  at naghanap ng makakain.

"Eh? Sorry na kasi~" hindi ko parin pinansin.

"Bati na tayo ha. Silence means okay or yes" hanu daw?!

"Bati ka dyan! Umuwi ka na nga!" sigaw at sinubo na yung ice cream na nakita ko sa ref.

Susubo na sana ako ulit nang hilain niya ako papunta sa kanya. Kaharap ko lang kasi siya sa kitchen stool.

"Ayoko nga.. Siguro kapag kiniss kita bati na tayo ano?" at lumapit na siya sa akin. Wag niyang itutuloy yan. Kukuhanin niya din yata yung second kiss ko. Nooo!

Bago pa siya makalapit sa akin sinuntok ko siya sa tyan. Napalayo siya at sumigaw. Impit na impit siya sa harapan ko. Serves him right! Kiss stealer!

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon