CNCH 10

355 11 0
                                    

Mukha ba ako' ng clown at lagi nalang silang tumatawa. Sa gwapo ko'ng to?! Pagtatawanan lang ako ng bestfriend ko at yung taong gusto ko. Pssh.

"Ano ba kasi yang pinagtatawanan niyo? Kanina pa yan uh" kako at hinampas ko si Francis. Di ko kayang hampasin si Sheryl eh.

"Wala nga kasi. Tsaka, wag mo nalang kaming pansinin kapag tumatawa kami" ani Francis.

"Oo nga naman" ani din ni Sheryl, at tumawa. Yan nanaman yung tawa eh.

Gaya nga ng sabi ni Francis wag ko nalang sila pansinin kapag tumawa o tumatawa sila. Mga weirdo to'ng mga to.

Habang sila enjoy na enjoy sa seats nila, ako eto. Parang tangang kumakain kahit hindi naman ako ganun kagutom. Aishhh! Bahala na, gwapo pa naman ako kahit na mukha ako' ng tanga.

--------

Dismissal na ngayon, ano kaya pwedeng gawin? Wala namang assignment, pati din quiz. Ahhh! Alam ko na. Haha.

Yung drama na sinabi ni Xamara na dapat bukas namin papanuodin. Since, maganda naman ang mga kdramas na pinapanuod namin kahit hindi ko maintindihan. Ngayon nalang namin panuodin. Sigurado ako' ng madami pa yung alam na kdramas. Hindi yata nauubusan ng mga papanuodin yung kapatid ko' ng yun. Yun pa..

Kaya nung nakauwi na kami, sinabi ko sakanya na ngayon na nin panuodin yung kdrama na sinasabi niya. At ang loka tuwang tuwa.

Habang nanunuod kami, may tumunog na phone, akala ko akin yun pala sa kapatid ko. May tumatawag.

"Sese? Bakit?" si Steph pala yung tumawag.

"May sakit si Ate?" ano daw? May sakit si Sheryl? Anyare dun? Eh, kanina lang ang sigla sigla niya. Tawa pa nga siya ng tawa.

"Okay. Sige. Sige" ani Xamara at pumunta kusina. Ano'ng gagawin niya dun?

Pinause ko yung pinapanuod namin at sinundan ko siya sa kusina.

"Hoy, ano'ng gagawin mo dito?" sabi ko sakanya.

"Magluluto" aniya

"Magluluto? Eh, hindi mo nga alam magluto eh. Abno lang?" kako at nilapitan siya.

"Oo nga no. Ikaw nalang magluto, alam mo naman eh" aniya.

"Ano naman lulutuin ko? Ha?"

"Sopas? Lugaw? Ikaw na bahala. May sakit daw si Ate Shee eh."

"Eh asan yung katulong nila? Parents nila?"  alangan namang hindi marunong magluto yung katulong nila pati parents nila.

"Umuwi daw sa bahay nila. Iisa lang kaya katulong nila. Yung yaya nilang magkapatid. Tsaka nasa Macau yung parents nila. Ano na? Magluluto ka na?" sabi niya

"Oo na. Magluluto na ako. Dun ka na, ako na bahala dito"

"Ayoko. Dito lang ako, utusan mo nalang ako, kung gusto mo" aniya

"Ok. Sabi mo eh" sopas nalang lulutuin ko. Medyo matagal pa kapag lugaw eh.

So, ayun nagluto na kami. Dinala nadin namin dito yung laptop at nanunuod kami habang hinihintay na maluto yung sopas.

Nung naluto na, nagbihis na kami at pumunta na sakanila Steph. Ihahatid lang naman namin yung niluto namin. Tas alis din kami agad.

"Sese!!" sigaw ni Xamara, pagkarating namin sa bahay nila. Pwede namang magdoorbell, sumigaw pa siya. Abno talaga to.

"Nagdoorbell ka nalang sana. Pasok kayo ni Kuya" -Steph.

"Sorry sa abala Kuya Mart uh. Si Ate kasi, hindi niya sinabi na masakit pala ulo niya kaninang umaga" ani Steph.

"Okay lang. Tsaka wala naman kaming ginagawa sa bahay eh"

"Upo kayo" sabi niya pagkapasok namin sa bahay nila. Iginala ko yung mata sa sala nila, naghahanap lang picture ni Sheryl.

"Gising ba si Ate Sheryl?" tanong ni Xamara.

"Hindi eh. Alam mo ba na nag nagcollapse kanina si Ate, pagkauwi namin." ani Steph. Ano daw? Nagcollapse siya?

"Bakit?" takang tanong ni Xamara. Makikinig nalang ako sakanila.

"Ewan ko. Saka ang init init niya nung inihiga namin siya ni Yaya." -Steph

"Grabe naman.... Ay oo nga pala. Uy, Sese napanuod mo na yung MV ng A. Syet. Ang gwapo ni Bambam at Mark dun" ani ng kapatid ko.

"Ay, oo! Grabe lang. Ang cute cute nga ng steps nila eh" ani Steph

Ayun nga, nagusap sila ng nagusap about sa Kpop. At hindi ako makarelate. Haggang sa late na ng gabi, niyaya ko na si Xamara na umuwi. Baka malate kami bukas.

"Bbye Kuya. Bbye Xam. Ingat kayo. Thank you sa food Kuya" ani Steph at kumaway sa amin nung paalis na kami.

-------

Sorry, late ko na upload to. Busy kasi eh. Nangampanya pa kasi ako ng SSG. Sorry talaga.

Sorry din sa typos, phone lang gamit ko ngayon eh ^^

Update ako next week, hintay niyo lang.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon