CNCH 20

406 14 3
                                    

CNCH 20

Ang bilis ng panahon, feeling ko first year lang ulit ako. Pero hindi eh, graduation na bukas at panigurado college na ako. Naging maayos naman ang relationship namin ni Francis, pero hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi sakanya. Natatakot nga kasi ako.

Ni-try ko na minsan na sabihin sakanya pero, nung tinignan at tinanong niya ako kung ano yung sasabihin ko sakanya, iba yung lumalabas sa bibig ko. Malayo sa sasabihin, okay sana kung may connect eh, pero wala!

Nag-march na ako sa stage para kunin ang diploma ako, tiningan ko ito. This is it, graduate na din ako sa wakas! After 4 years of hardships, finally! Another 4 years again of hardships! Buhay nga naman.

The ceremony goes on, until they called the valedictorian which is me, to give my speech. Inumpisahan ko ito ng happiness then next is yung mga pahhirap ng teacher kada magbibigay sila ng quiz kasi may mainggay. Mga reports na hindi ko alam kung kaya mo ba'ng ireport yun kasi masyado'ng mahirap. At lastly ang pasasalamat ko sa mga naging adviser at subject teacher na nagtiis sa mga classmate ko'ng sutil at mahirap suwayin.

Nagpalakpakan sila. Tumingin naman ako kay Francis na naka-ngisi sa akin at ngumiti din ako sakanya. Ang gwapo lang niya at nakaka-kilig. Pagka-tapos ng ceremony umuwi kaagad kami at nagcelebrate. Andami pa'ng pumuri sa akin, este ang galing ako daw kasi valedictorian. Ang ganda ko daw. Ha! Asa lang sila.

Ang boring ng bakasyon kasi hindi kami dito nagbakasyon, sa Korea. Kasi yun yung gusto ni Steph. Ako kasi yung nasunod last year at pumunta kami ng Japan nun. At ang kapatid ko naman ang saya-saya baka kasi daw makita niya yung asawa niya. Sigaw pa ng sigaw nung may nakita siya'ng isang company. Pinagtingginan nga siya. Buti nalang at hindi nila siya na-iintindihan. Ano ba'ng meron sa Kpop, at mahal na mahal nila? Kasi may gwapo ganun? Oo, may gwapo dun. Nakita ko sa phone ni Steph, hindi ko lang alam kung sino yun.

Umuwi lang kami ng enrollment na. Si Mama na yung nagpa-enroll sa akin. Hindi ko kasi alam eh. After a week, pinag-impake ako ni Mama. Akala ko, aalis ulit kami. Yun pala ako lang ang aalis kasi, dinala nila ako sa isang condo unit. Ang saya-saya ko nun, pero nag-alinlang din ako kasi di ako marunong magluto, maglinis ng bahay at mag-wash ng mga damit. Kumain, matulog, manuod, mag-aral lang ang alam ko'ng gawin.

Isang kwarto, CR at maliit na sofa ang andun, Ref na puno at flatscreen TV. Hindi ka nga yata kasya dun sa sofa kapag humiga ka. Kailangan mo pa'ng bumaluktot ay. Wala ako'ng magawa kaya inayos ko nalang yung mga gamit ko sa kwarto.

Habang busy ako sa pag-aayos may narinig ako na nagbukas ng pinto. Nilock ko naman yun uh. Bakit may naka-pasok. Baka siguro sila Mama at Papa lang. Namiss na siguro ako kaya bumisita kaagad. Lumabas ako ng kwarto at nabigla ako sa nakita ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad.

"Ano'ng ginawa ko dito? Condo ko 'to kaya ako dapat ang magtanong sayo nyan. Ano'ng ginawa mo dito sa condo ko?" aniya at pinagdiinan pa ang condo ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Condo mo? Condo ko 'to noh. Wag mo'ng sabihin na, binili ng parents ko at parents mo 'to----" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi, nahulaan ko na kung bakit andito siya.

"I'm calling my Mom" ani Martin at tumalikod na para tawagan ang Mom niya. Hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko. Ano nanaman ba ito Mama at Papa?

"What?! No! Are you insane Mom?!" natauhan nalang ako nang marinig ko na sumigaw si Martin. Tinignan ko siya.

"Closure?!... What the heck, Mom?! We're close alright... Please, stop it. I got it already... Yeah, yeah... Okay, bye." At ibinaba na niya ang tawag. Nagtataka man ako kung ano kung ano yung pinagusapan nila, nahihiya naman ako'ng tanungin.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon