CNCH 8

474 12 0
                                    

CNCH 8

“Okay lang ako, nakakakita pa naman ako no. Hindi pa ako bulag” sabi ko at tumawa. Nag makasakay na ako sa kotse niya, nagheadset lang ako at umidlip. Nagising nalang ako na andito na ako sa kwarto ko. Nakatulog pala ako.

Nakakahiya naman kay Francis. Tinignan ko yung phone ko baka may text siya. Meron nga, dalawa siya. Tig-isa nila Iccy. Una ko’ng inopen yung kay Iccy. Kanina pa pala ito’ng text niya. 1hour ago pa eh.

Iccy: “Shwengyy! Punta ako bahay niyo. Pwede?” eh? Dati Shweng nagyong naman Shwengyy. Ano ba pinagagawa-gawa niya sa pangalan ko? Lalo’ng pumanget habang tumatagal. -.-“

Sheryl: “Slr. Kakagising ko lang eh. Oh?! Ba’t ngayon humihingi ka na sa akin ng permisyo? Eh, dati dati basta basta ka nalang papasok dito” reply ko sakanya. Totoo naman kasi eh. Basta basta nalang siya papasok dito. Agad naman ito’ng nagreply.

Iccy: “Grabe ka! Pasalamat ka nga, nagpaalam ako ngayon. Btw, andito na ako :D” huh? Wala pa’ng 30 minutes nung nireplayan ko siya uh? Andito na agad siya?

Sheryl: “Superhuman ka ba?” reply ko sakanya at bumaba na para iconfirm kung andito na talaga siya. At nagulat ako, ANDITO NGA SIYA. Paano niya nagawa yun?

“Hoy! Ang bilis mo!” sabi ko sakanya at hinampas siya. Yung hard na hampas.

“Andito na kasi ako kanina pa. Hehehe.... oh?!! Nasaan yung salamin mo?” tanong niya sa akin. Tinuro ko yung taas, alam na niya yan. Hindi naman siya siguro slow.

“Hindi ba nanlalabo paningin mo? Nagcontacts ka na din?” tanong niya. Nasabi ko na nooon d’ba na nerd dati si Iccy, nagcocontacts siya kasi malabo yung eyes niya.

“Nanlalabo pero, nakakakita pa naman ako kahit papaano. Hindi naman ako bulag no! Saka hindi ako nakacontacts. Ayoko magcontacts” sabi ko at umupo sa sofa. Nanunuod siya ng Koizora. Napanuod ko na to eh.

“Eh yung TV nakikita mo ng maa---“ I cut her at hinampas ng throwpillow.

“Andami mo’ng tanong! Hindi nga kasi ako bulag!” sigaw  ko sakanya at tumayo. Pupunta ako’ng kusina, gutom na ako. 8 na kasi, 7:40 nung nagising ako.

“Saan ka pupunta?” tanong niya nung mapansin niya na paalis na ako sa sofa.

“Kusina. Kakain. Wag ka ng magtanong pa please” sabi ko at dumiretso na sa kitchen. Wala ako’ng gana kumain ng rice, kaya naghanap nalang ako ng sweets  sa ref. Buti nalang may cake.

8 na uh. Bakit wala pa sila Ma at Pa? Eh ang uwi nila minsan 7:30 o 7. Tinawag ko si Manang, sabi ko tawagin niya si Steph, at sabihin papuntahin siya dito sa kitchen. Busy ako sa pagkain at paghintay kay Steph, nang may narinig ako’ng sumigaw ng aray. Tumayo ako at nakita ko si Iccy na, nakahandusay sa sahig namin.

“Bakit? Anyare sayo?” tanong ko sakanya.

“Nadulas ako. Huhu. Help naman dyan” sabi niya at nagpacute pa. Ayy, loko!

“Tumakbo ka no?” tanong ko sakanya. Natry ko na kasi yan, tumakbo ako nun dito, kasi hinabol ko yung... nvm. Sakit ng pwet ko nun. Asar.

“Oo. Patulong naaa~” sabi niya at nagtaas ng kamay. Inabot ko naman ito at itinayo siya. Pagkatayo niya, hinimas himas niya yung pwet niya. Told yah! Masakit sa pwet.

“Grabe naman kadulas ‘to’ng sahig niyo. Nidaig pa ang slide” naka nguso niya’ng sabi at tumawa. Baliw talaga ‘to.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon