CNCH 13

369 7 0
                                    

Iccy's POV

Makikisingit lang muna ako sa story, ha? Saglit lang ako dito. Promiseeee. Echapwera lang ako dito eh...

Crush pala ni Shweng si Francis. Bakit? Bakiiit?? Bakit?! Bakit, hindi niya sinabi sa akin? Nakakatampo lang ay. Oyy!!! Hindi ako galit sakanya. Di porket crush ko si Francis, galit na agad? Okay lang naman sa akin yun. Crush lang naman, di pa naman love eh.

"Aish! Naasar na nga ako, dumadagdag ka pa! Leche naman!! Ahhh!!!!" sigaw ko pagkalabas ko ng mall. Yep, nasa mall ako. Bumili kasi ako ng requirements at materials para sa projects. Sumigaw ako dahil umuulan. Ng malakas.

"Leche ka" sabi ko nanaman. Sakto namang may guy na lumabas at nakapayong to. Napatingin siya sa akin, yung tingin niya parang nagtatanong bakit ko nasabi yun. Magsasalita na sana ako pero nauna siya.

"Leche ako?" aniya at tinuro niya pa sarili niya.

"Ayyy, hindi ikaw yun" sabi ko sakanya at winagayway ko kamay ko na para bang hindi ang sinasabi.

"Hindi ako? Eh, sino pinagsasabihan mo? Ako lang naman dumaan dito" -siya. Ay, naman!

"Porket, ikaw lang dumaan dito. Ikaw na agad. Baka pwede yung ulan yung kausap ko, no?"  sabi ko sakanya ng mataray.

"Ahhhh, yung ulan. So, baliw ka?" aish! To'ng lalaking to. (>_<)

"Yaaaahhh!!!" sigaw ko sa pinakatinis at pinakamalakas ko na boses. Hindi ko na mahandle yung inis ko.

"Aish, sakit sa tenga naman nun. Maka-alis na nga lang." aniya. Omo! Wag ka aalis! Kailangan ko yung payong mo.

Tumakbo ako papunta sakanya at nakipayong. Hihihi. Pero nilipat niya yung payong paright side. Kaya sinundan ko. Pero nilipat niya nanaman paleft side naman na ngayon, syempre sinundan ko ulit yung payong. Ayoko mabasa noh. Tapos nilipat niya na sakanya yung payong, para di din siya mabasa. Sumunod nanaman ako, pero tinulak niya ako kaya natisod ako.

Pag ako talaga napuno, iitapon ko siya sa pinaka malapit na ilog dito. Nakaka-asar ay. O, kaya naman bubugbugin ko nalang siya hanggang sa pumangit siya. Gwapo kasi siya kaya papapangitin ko siya. Wahahaha.

Hindi ko napansin na naka-alis na pala siya. Tumakbo nanaman ako papunta sakanya at this time yumakap na ako sakanya sa likuran para di niya ako matulak. Naramdaman ko'ng nagulat siya pero nakabawi din agad siya at tinray na tanggalin yung mga kamay ko, pero hindi ako nagpumiglas.

"Let go." aniya sa pinaka malalim niya na boses. Hala! Galit na ba, siya?

"No" sabi ko din at mas hinigpitan yung yakap ko. Para kaming nasa isang pelikula. Na nagmamakaawa ako wag niya lang ako iwanan. Ang cool nun! Hahaha.

"I said, Let go!" hala! Tumaas na yung boses niya. Galit na talaga siya. What to do? What to do?

At dahil hard headed ako, hindi ko parin inalis yung mga kamay ko. Kasi ngaaa, kailangan ko yung payong para makauwi na ako. Ni-try niya nanaman na tanggalin yung kamay ko. This time, natanggal na niya. Oh noes!

Dahil nilikha nga ako ng Diyos na makulet na tao, niyakap ko nanaman siya, pero this time sa harap na niya.

"Oyy, wag mo'ko ii---" naudlot yung sasabihin ko kasi may sumigaw sa likod ko.

"Khryzter?!" Khryzter? Sino yun? To'ng lalaking to? Humarap ako dun sa nagsalita. Pero pinagsisihan ko.. Sana hindi na ako humarap pa. Lagot na!!

"Iccy?!" sabi ni Shweng na nanlalaki yung mata.

"Hehehehe.... Hi, S-Shweng"

"Bakit nakayakap ka kay Khryzter?" sabi niya at hinila ako palayo kay Khryzter? Yung payong... Ay, may payong pala siya, pero ang naghahawak si Francis.

Campus Nerd and Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon