Santiago's POV
Alas siyete y medya na nang makarating kami sa Lagusan Resort. Katabi lang naman kasi ito nang resort na tinutuluyan namin. Nandito kami ngayon sa lobby at naghihintay kina Gigi na bumaba para makapunta na sa party.
"Pare, ang tagal naman nina Gigi." reklamo ni Franco.
Ayaw kasi nito na pinaghihintay siya. Ang tatlong kapatid kasi niya na mga babae ay sobrang bagal kung mag-ayos. Aabutin ka ng siyam-siyam bago sila ma tapos. Yon ang palagi nilang pinagtatalunan ng mga kapatid niya.
Napatingin ako kay Franco. "5 minutes na wala pa sila, aalis tayo." inis na sabi ko.
Ang ayaw ko kasi sa lahat ay yung mga tao na pa importante. Hindi ba nila alam na nasasayang ang oras?
"Nandito na pala sila eh." sabi ni Joaqs habang tinitignan ang mga babaeng pababa ng hagdan.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni at napatingin na rin sa mga babae. Laking gulat ko ng makita ang dalawa. Si Gigi naka red na tube dress na sobrang hapit na hapit sa katawan. Si Cindy naman ay naka silver na halter top at naka leather black skirt. Yung sobrang iksi. Parang makikita mo na ang kaluluwa nilang dalawa.
Typical hookers.
Napailing na lang ako ng ulo sa naiisip ko.
Women. Gagawin talaga ang lahat, mapansin lang at mabigyan ng konting attention.
"Shall we go girls?" tanong ni Jax habang inaalok ang braso kay Cindy.
Agad naman tinanggap ni Cindy ang nakalahad na braso ni Jax. "Yup. Let's go na. Party party!" malanding sabi ni Cindy habang hinihimas-himas ang braso ni Jax.
**
Pagkapasok namin sa Club Verz, ang dami nang tao. Puno ng usok ang paligid dahil kaliwa't kanan ang mga naninigarilyo. Mapa babae man o lalaki. Siyempre hindi nakalampas sa akin ang mga magagandang babae. Nagkalat lang sa paligid. This must be my lucky night.
Marami nang tao sa dance floor. May mga magkapareha na sobrang dikit na dikit ang mga katawan sa pagsasayaw. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, nahapit ng mata ko ang hot chick na nasa bar. Mag-isa lang ito at umiinom. Mukhang malaki ang problema. Sa palagay ko broken-hearted to.
Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.
Lumapit ako sa bar. "Brad, one scotch on the rocks nga." sabi ko sa bartender.
Bigla namang napalingon ang babae sa akin. Nagulat siguro na may katabi na siya. Mapupungay na ang mga mata niya, halatang lasing na at problemado.
"Hi. Alone?" tanong ko sa babae.
Tinignan niya muna ako sabay irap.
Mataray.
"Mukhang may problema ka ah? Need someone to talk to?" tanong ko sa kanya.
"Leave me the fuck alone!" giit nito sa akin.
Mataray nga.
Pero siyempre, hindi ako nagpasindak.
"Relax lang miss. I meant no harm. Okay, I'll leave you in peace then. But in case you change your mind and you want someone to talk to, I'll be in the VIP lounge. By the way, I'm Migz." sabi ko sabay lahad ng kamay para makipaghand shake.
Tinignan nito ang nakalahad kong kamay at nag-iisip pa kung tatanggapin ba nito o hindi.
I was about to turn around and leave when she grabbed my arm.
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
General FictionWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...