Chapter 6: Enrollment (Part 2)

1.3K 18 1
                                    

---> pic ni Quel sa side

Margarita's POV

Ang kapal ng mukha ng lalaking yon para pagtawanan ako. Sino ba siya sa akala niya? Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Siguro ay new student. Tsss. Ka bago-bago, akala mo kung sinong umasta. Humanda talaga yung lalaki yon pagnakita ko siya. Sisiguraduhin kong pagsisihan niya na ako ang napagtripan niyang pagkatuwaan. Nakakainis! Sinira niya ang araw ko. Kasi naman itong si Quel, kinaladkad ako sa bulletin board kung saan naka post ang mga classrooms at schedules ng klase. Excited lang? Sa susunod pa nga na linggo ang pasukan. Kaya ayun, sa kakakaladkad niya sa akin, hindi ko napansin na may bag pala na nakaharang sa daanan ko. Napatid tuloy ako. At ang kapal lang nga mukha ng lalaking yun huh?! Ang lakas ng loob niya. Nakakairita!

"Oh..Oh. Bakit parang hindi na naman maipinta yang mukha mo?" tanong ni Quel habang hinahanap ang pangalan namin sa listahan.

Lalong nabusangot ang mukha ko. "Pano, ang kapal talaga nang lalaking yon. Anong karapatan niya na pagtawanan ako?" naiinis talaga ako pag naaalala ko.

"Eh pano kasi, panay ang day dreaming mo."

"Anong day dreaming?" dipensa ko. "Kinaladkad mo kaya ako. Yan tuloy, napatid ako."

"Di bale na Margz, hayaan mo na yon. Na gagandahan lang sa'yo yun." sabi niya na parang nang-aasar.

"Inaasar mo ba ako? Hindi ako natutuwa sa'yo Jacqueline ha." agad naman nitong tinakpan ang bibig ko sabay palinga-linga sa paligid.

"Ssshhh...Huwag kang maingay. Alam mo naman na ayoko na may makaalam ng buong pangalan ko. Ang pangit kasing pakinggan. Masyadong makaluma." sabi niya na hindi pa rin tinatangal ang kamay sa bibig ko.

"So... Jacqueline pala ang pangalan mo."

Bigla kaming nagulat at napalingon sa nagsalita sa likod namin, only to find a very handsome man staring at us. A smile is playing in the corners of his mouth.

"Maganda ang pangalan mo. Kasing ganda mo." sabi niya habang hinahawi ang hibla ng buhok ni Quel.

Nagtitigan ang dalawa. Parang nakakalimutan nila may kasama pa sila. Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Quel na nakatakip sa bibig ko.

"Hay naku Franco. Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Aatakihin kami sa puso sa pinaggagagawa mo eh." sabi ko na nakahawak ang kamay sa dibdib. Ang lakas ng heartbeat ko. Nagulat talaga ako kay Franco.

Siya si Franco Rafael Landaverde. Kilalang heartthrob dito sa school pero hindi siya babaero. Hindi ko pa nga nakikita yan na may kasamang babae eh. Ok sana kung lahat ng lalaki ay kagaya ni Franco. Eh di sana wala tayong problema na mga babae. Nakilala ko si Franco dahil magkaibigan sila ng pinsan ko na si kuya Anton. Palagi silang nagja-jamming sa bahay ng pinsan ko. Mahilig kasi si Franco sa music. Isa yun sa mga dahilan kung bakit mas lalong lumalakas ang appeal niya sa mga girls. Pero kahit na ganon, iisang babae lang tinitibok ng puso niya. Walang iba kundi ang bestfriend kong ubod ng ganda. 

Si Rafaela Jacqueline Olivares.

"Pwede ba Franco. Tigilan mo nga ako." sabi ni Quel sa naiiritang tinig.

Hindi naman kasi sila magkakilala ni Quel. Narinig ko lang na pinaguusapan nila ni kuya na crush niya daw si Quel. Ang sabi niya yung babaeng palagi ko raw kasama. Kaya lang hindi niya kilala ang pangalan. Hindi naman kasi pumupunta si Quel sa bahay nila kuya Anton. Nahihiya siya. Crush niya kasi yon. Pero hindi tulad ng ibang babae na nagpapacute sa mga crush nila, iba si Quel. Mas gugustuhin na lang niyang manahamik at titigan sa malayo ang taong gusto niya. Yun bang makita niya lang ito, buo na ang araw niya.

Dying Inside To Hold You (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon