------> picture ni Adriana sa side
Joaquin's POV
Hila-hila ko na ngayon si Ria palabas ng bar. Malapit na kami kung saan nakapark ang kotse ko ng bigla niya na lang hinablot ang kamay niya sa pagkakahawak ko.
"Ano ba Rodrigo? Saan mo ba ako dadalhin? Ayokong umuwi kasama mo!" sigaw nito sa akin habang hinihila ang kamay.
Tinignan ko ito ng masama. "Uuwi ka kasama ko Ria, and that's FINAL." nilagyan ko talaga ng emphasis yung final.
Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to. Kahit kailan hinding-hindi kami magkakasundo hanggat hindi siya natututo na sumunod sa mga kagustuhan ko. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang sinusuway ako.
Hinihila ko pa rin siya papuntang kotse ng bigla na lang siyang natigalan sa paglalakad.
*sniff* *sniff* " Wala ka namang pakialam sa akin eh. Bakit mo ba ako pinapakialaman, bakit ka pa nagaaksaya ng panahon sa akin?" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya gamit ang likod ng palad niya. "I'm just a burden to you." she said in a soft voice.
Tinignan ko muna ang kabuo-an niya bago ako nagsalita. "Is this about what happened last week?" Hindi niya ako matignan ng diretso. "My God Ria! Learn how to handle things maturely. Nasa legal age ka na ah. Isip bata ka pa rin. Asal bata ka pa rin. What were you thinking when you whore yourself with my friend?!" Sabi ko sa kanya.
Sobrang galit talaga ang naramdaman ko nung nakita kong naghahalikan sila ni Migz kanina. Migz. Mapapatay ko yung gagong yon. Naglalaro na naman sa isip ko yung eksenang nasaksihan ko kanina. Kung paano siya hapitin ni Migz sa bewang habang ang isang kamay nito ay naglalakbay sa iba't ibang parti ng katawan niya. At parang nagugustuhan naman ni Ria ang ginagawa ni Migz sa kanya.
Kung gusto niya ng ganong klaseng intimacy, ako ang magbibigay sa kanya. Ako lang. Dahil ako lang ang may karapatan na humawak sa katawan niya. Ako lang ang may karapatan na halikan siya. At ako lang ang may karapatan na magparamdam sa kanya ng ganong klaseng sensasyon. Hindi si Migz. Hindi ang ibang lalaki. AKO LANG!
Napabalik ako sa ulirat ng naramdaman ko ang kamay niya na dumapo sa mukha ko. Gulat na napatingin ako sa kanya.
Nanlilisik ang mga mata nito sa sobrang galit. Hindi siguro makapaniwala sa mga sinasabi ko sa kanya. Spoiled kasi si Ria. Hindi siya sanay na pinagsasabihan lalo na pagnagkakamali ito.
Parang nagulat din siya sa nagawa niya pero hindi siya natinag. "Sumusobra ka na Rigo!" sabi niya habang patuloy pa rin na dumadaloy ang mga luha sa pisngi niya. "Pinilit kong pakisamahan ka, tiniis ko lahat ng panlalait at pangaalipusta mo sa akin." huminga ito ng malalim at parang kumukuha ng lakas ng loob. "Nagbulag-bulagan ako sa lahat ng kagaguhang ginawa mo sa akin, kahit na trinatrato mo ako na parang basahan, I kept my mouth shut. Wala akong sinasabi sa mga magulang natin." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Inaamin ko naman ang mga pagkakamali ko eh. "But calling me a whore? Sumusobra ka na talaga." Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya.
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig and for the first time in my life, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I felt like a crap! Sumobra ako. Hindi ko dapat sinabi yon. Pero na bigla lang ako, lalo na kanina nung nakita ko na naghahalikan sila ni Migz. Parang gusto kong patayin si Migz right at that moment. How dare he touch what's mine?
"Siguro nga tama ka. We will never work. Isang kalokohan lang ang arrange marriage na to." She said in a defeated tone. "Let's just call off the wedding. I'll talk to my dad."
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
Ficción GeneralWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...