Adriana's POV
Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na ring ng cellphone ko. I immediately answered my phone without even looking at the caller i.d.
"Hello?!" inis na sabi ko. Kulang pa kasi ako sa tulog tapos iistorbohin pa ang tulog ko.
"Hay salamat sinagot mo rin." sabi sa kabilang linya.
"Ria...baby. Asan ka? Susunduin kita."
Bigla naman akong napabangon ng marinig ang boses niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sobrang gulat. Parang bumalik na naman ang lahat ng sakit ng marinig ko ang nagaalalang boses niya.
Heto na naman siya. Paaasahin niya na naman ako na may pakialam siya sa akin pagkatapos the next thing I knew, he's screwing another girl again.
Great!
Just fucking great!
"Ria..baby. Please magsalita ka naman." He begged. "Where are you? You got us all worried."
Huminga ako ng malalim.
"Ria...baby. Please..."
"Nagaalala ka ba talaga Rigo?" mahinang tanong ko.
"Baby...I-I'm s-sorry."
"Are you?" Hindi siya sumagot. "Nagaalala ka ba talaga sa akin?"
"Ofcourse nagaalala ako sa'yo. You're my fiance for fuck sake." he hissed.
Napatawa naman ako ng nanunuya sa sinabi niya. Ganon na lang ba iyon? He's worried about me just because I'm his fucking fiance? This is bullshit.
"Yeah...I'm just your fiance. Kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Wala kang pakialam kung nasasaktan ako." I said. "Konting respeto lang namam ang hinihingi ko sa'yo Rigo. Bakit napakahirap sa'yo na ibigay sa akin iyon?"
Natahimik naman siya. Kagabi pinakilala niya ako sa lahat as his fiance maliban na lang sa babaeng yon. The moment I saw her, I knew that she was a threat to me.
Instincts.
The way Rigo looked at her, I know she is very special to him. Something that I am not. Sa palagay ko kaya lang si Rigo nakikisama sa akin at nagiging sweet ay dahil nahihiya siya sa mga magulang ko. I can't spend the rest of my life with a man who doesn't realize my worth. Ikababaliw ko iyon.
"Rigo..." I breathe heavily. "Rigo...let's just call off the wedding."
"What?!" gulat na sigaw niya. "Baby, about last night....I-I'm so sorry."
Naramdaman ko na umiinit na naman ang gilid ng mga mata ko. I tried so hard to stop my tears from falling. I don't want him to hear my misery. I need to do this for myself.
"It's for the best Rigo." I whispered.
"Ria..please." he begged. "Don't do this."
"At pagkatapos ano? Titiisin ko na lang ang lahat ng kagaguhan mo?!" asik ko sa kanya. "Go to hell, Rigo! I deserve much better."
Napatahimik siya. I can hear his heavy breathing on the other line.
"Ria...You..you are important to me."
"Bakit?"
"Importante ka sa akin kasi..." he paused. "Kasi...espesyal ka sakin."
BOOM!
I didn't expect that from him. I was hoping na sana sabihin niya na mahal niya rin ako. Pero espesyal? Espesyal lang ako sa kanya. Maraming meaning ang salitang espesyal. Hindi katulad kung mahal niya ako. Wala nang maraming tanong. Mahal niya ako...period. Kung sinabi niya iyon, I'll come running. Tatanggapin ko siya ng buong-buo. Pero hindi eh, hindi iyon ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
Ficción GeneralWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...