Margarita's POV
"Good morning honey."
Nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Honey. Isang tao lang tumatawag sa akin ng ganon.
Napalingon naman ako sa taong nagsalita.
"Basti." sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit? Bawal bang bisitahin ang fiance ko?" He asked.
Napatigil naman ako sa paga-arrange ng mga bulaklak sa vase. Fiance. Nakalimutan ko na ikakasal pala ako sa iba. Masyado akong na o-overwhelmed kay Santi na nakalimutan ko na may isa pa pala kaming malaking problema.
"Ahhmmm...Basti..."
Hinalikan naman niya ako sa pisngi.
"Pasyal tayo Honey." aya niya sa akin.
"Ahh..kasi..."
"Ano na naman ang excuse mo?" tanong niya. "Alam mo, nagtatampo na ako sa'yo. Palagi mo na lang akong tinatanggihan."
"Hindi naman sa ganon Basti. K-kasi ano.."
"Kasi ano?"
"Kasi may gagawin pa ako sa school. Marami kaming aralin ngayon. Malapit na kasi ang exams week." alibi ko sa kanya.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo Marga?" He asked. "You're always busy. Baka naman sa kasal natin may proxi ka pa ha?"
Kung alam mo lang Basti. Wala sa bokabularyo ko ang magpakasal sa'yo. My heart belongs to Santi. At mananatiling na sa sa kanya iyon.
"Sobra ka naman. Hindi pa nga natin napaguusapan ang tungkol sa bagay na iyan."
"Ano pa ba ang dapat nating pagusapan? Ikakasal tayo Marga. It has been decided."
Gusto kong kausapin si lolo na itigil na ang arranged marriage na ito. Gusto ko nang ipakilala si Santi sa pamilya ko, pero one part of my brain is telling me that this not a good idea.
Instincts.
Ayokong isipin ni Santi na kinahihiya ko siya. Ginagawa naman niya ang lahat para sa amin. This is the least I could do.
"Sige na honey. Kahit ngayon lang, sumama ka namang mamasyal sa akin." he pleaded.
"Ahhh..Teka lang ha? May gagawin lang muna ako sa kwarto." paalam ko sa kanya.
Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. I grabbed my phone and dialled Santi's number.
"Hello Sabel ko?" sagot niya sa kabilang linya.
"Santi...m-may problema."
Narinig ko naman na parang may kumaripas sa kabilang linya.
"Anong problema Sabel ko? Okay ka lang ba?"
"Okay kang ako. Kasi ano.." nauutal na sabi ko. "Ahhmm..yung fiance ko, inaaya akong mamasyal."
"Huwag!" sigaw niya. "Huwag na huwag kang sasama!"
Para naman akong mabibingi sa lakas ng sigaw niya.
"Bakit mo ako sinisigawan?"
"S-sorry." Para naman siya natauhan sa sinabi ko. "Basta huwag kang sumama sa kanya Sabel ko."
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
General FictionWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...