Franco's POV
Nandito ako ngayon nakaupo sa pinakadulo na table ng canteen. Kumakain ng baked mac at umiinom ng softdrinks kasama si Joaquin. Hindi lang pala ako ang may problema ngayon, pati siya. Malabo din kasi ang isang to. Maganda naman si Adriana, ewan ko kung ano ang inaarte nito at ayaw niyang pakasalan. Pasalamat nga siya at mahal na mahal siya nung tao kahit na may pagkagago siya.
"Ano na ang gagawin ko pare?" giit niya habang pinapadaanan ng mga daliri ang buhok.
Kung titignan si Joaqs, mukha siyang miserable. Ang dali lang naman ng problema niya. Kung ako yun at si Raffy ang pakakasalan ko, aba..hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Maganda naman si Adriana, mabait, edukada, sexy at higit sa lahat hanep sa sex appeal. Ano pa ang nirereklamo ng unggoy na to? Hindi na naman siya lugi don.
"Pare, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka na lugi kay Adriana?" pangongonsensya ko sa kanya. "May bonus ka pa kasi mahal ka nun."
"Yun na nga pare eh, mahal niya ako." he said in a desperate tone.
"Oh.. yun naman pala eh. Anong problema dun?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Gago ka ba? Malaking problema yun." nagtaas na siya ng boses. "Hindi niya ako pwedeng mahalin dahil kahit kailan hinding-hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya." he said in a defeated tone.
"Importante si Adriana sa akin. Siyempre, kababata ko yun. Ayoko siyang masaktan." tumingin siya sa malayo. "My heart already belonged to someone else."
Sinundan ko ang tinitignan niya.
BOOM!
So all this time pala siya pa rin ang mahal ni Joaqs. Kawawang Joaquin. Move on, move on din pag may time. tsk. tsk. tsk.
"Pare, give it up. Matagal na kayong tapos." naaawa talaga ako kay Joaqs. He looks so broken. "It's time to begin the next chapter of your life......with Adriana."
Bumuntong-hininga ito tapos ay tinignan ulit yung babae at tsaka binaling sa akin ang tingin. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? I can't turn my back now on Adriana. I'm stuck with her." malungkot na sabi niya.
Stuck with her?
"W-wa-wait lang pare. What do you mean stuck with her?" parang hindi naman ako makapaniwala na ang isang Joaquin Rodrigo Altamirano ay magpapatali ng ganon ganon lang.
Huminga ito ng malalim at saka yumuko. "Basta. Hindi ko siya pwedeng talikuran."
Ano bang nangyayari? Knowing Joaquin, hindi yun magpapadikta kahit na kanino. Ayaw na ayaw niya na kinokontrol siya. So why the sudden change of heart? Lately kasi napapansin ko na malungkot si Joaquin, bihira na rin siyang sumama sa amin. Ano bang nangyayari sa gagong to?
I was in deep thoughts when someone entered the canteen. Agad akong tumayo at nilapitan ang bagong dating. Hinigit ko siya sa braso at hinila palabas ng canteen.
"Ano ba?! Let me go!" sigaw niya sa akin.
Hindi ko ininda ang mga sigaw niya at sapilitan siyang dinala sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Pinatunog ko ang alarm at pinapasok siya sa passenger seat.
"Don't you dare get out of this car or I swear I'll tie you up in bed." I hissed.
Galit na galit naman na tinignan ako sa nanlilisik na mata. Hindi na siya nagsalita. Umikot ako sa driver's seat at nang makapasok ako pinaghahampas niya ako sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
General FictionWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...