Dedicated to her. Thank you for adding Dying Inside Tp Hold You in your reading list. Enjoy!
Margarita's POV
"Margz! .....Hintay sandali!" Sigaw ni Quel habang hinahabol ako palabas ng classroom.
Kakatapos lang ng klase namin. Hindi naman kami masyado nakakapagusap these past few days marami kasi kaming mga aralin. Hindi na rin kami masyado nakakapagtext kasi nga grounded ako. Kinuha ni lolo ang cellphone ko at hindi naman ako basta-basta makakalabas ng bahay.
"S-sandali l-lang n-naman. S-saan k-ka b-ba p-pupunta." sabi niya na hiningal pa.
Nakakatawa ang itsura ni Quel. Nag s-smudge na ang make-up niya dahil sa pawis.
"Uuwi na ako Quel. Hinihintay kasi ako ni lolo."
"Huwat?! Agad-agad? HOHOL muna tayo." sabi niya habang pinupunasan ang pawis sa mukha.
Gustuhin ko mang sumama sa kanya hindi puwede. Hinihigpitan kasi ako ngayon ni lolo. These past few days si Basti ang palagi kong kasama. Minsan nga sumasama pa siya sa pagsundo sa akin dito sa school.
"H-hindi puwede Quel eh. M-magagalit si lolo."
Tinignan naman niya ako ng nakataas ang kilay. "Ano ba naman yan? Hindi ka rin nagre-reply sa mga text ko. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko." maktol na sabi niya.
"W-wala na kasi akong cellphone. K-kinuha ni lolo."
Nagulat naman siya sa sinabi ko. "A-ano? W-why? Anong nangyari? Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong niya.
Napayuko ako sa tanong niya. Ang totoo kasi ay hindi ako okay. Namimiss ko na rin kasi ang mga kaibigan ko. Palagi na lang si Basti ang kasama ko. Maaga pa siya kung dumating sa bahay at gabi na kung umuwi. Wala talaga akong time na pumuslit.
Labag man sa kalooban ko tumango na lang ako sa tanong ni Quel. Ayoko na magaalala siya sa akin.
"Sure ka ba?" tanong niya ulit. "Bakit naman niya kinuha yung phone mo?"
"M-mahabang kuwento Quel eh."
"Makiki-----"
"Ma'am Marga, kailangan na po nating umalis. Naghihintay na ang lolo mo at nasa loob na ng sasakyan si sir." hindi na natuloy ni Quel ang sasabihin niya ng magsalita ang isa sa mga bodyguard ko.
Napatanga naman si Quel sa nagsalita at tinignan ako na para bang nagsasabi na WHO-THE-HELL-IS-HE? look.
Binalingan ko ng tingin ang bodygurad ko. "S-sige Max....susunod ako."
"Care to explain?" tanong naman ni Quel nang makaalis na ang bodyguard ko.
"Hindi talaga ako puwedeng magtagal Quel. Bodyguard ko yun. Mahabang kuwento kasi sasabihin ko sa'yo kapag nakahanap ako ng tiyempo."
Hindi naman siya sumagot at pinagmamasdan lang ako. "Kailangan ko nang umalis." at nagbeso na ako sa kanya.
Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan nandoon na si Basti.
"Hi Hon." bati niya sa akin at kiniss ako sa pisngi.
Hon. Kinikilabutan ako sa tuwing naririnig ko sa kanya yan. Yan kasi ang tawag niya sa akin. Okay naman si Basti eh kaso parang may kung ano na nagsasabi sa akin na hindi ito tama.
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
General FictionWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...