Margarita's POV
"Hoy Adriano! Ngiti-ngiti ka diyan." saway sa akin ni Quel.
"Bakit ba ha?" asik ko sa kanya.
"Sino ba yang katext mo at kanina ka pa ngumingiti diyan?" namula naman ang mukha ko sa tanong niya.
Kaibigan ko si Quel pero natatakot akong ipaalam sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Nitong mga nakaraang araw palagi kaming magkausap at magkatext ni Santi. Patago nga lang. Mahirap na baka makarating kay lolo at kung baka ano pa ang gawin niya.
"Grabe ka naman Marga. Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit ka naglilihim sa akin ngayon?" nagtatampong sabi ni Quel.
"Hindi ako naglilihim." pagsisinungaling ko.
*toot toot*
1 message recieved
From: Santi_Ko
Sabay tayo maglunch babe?
I miss you. I love you.
Your Santi.
"Aha! Naiinis na talaga ako sa'yo Marga! Hindi na ako updated sa lovelife mo!" maktol ni Quel.
Sinisilip pala nang bruha ang phone ko. Kahit kailan talaga usyosa tong kaibigan ko.
"Sinong boyfriend mo? At kelan ka pa nagkaboyfriend?"
"Hindi ko siya boyfriend. Or shall I say...hindi pa."
"Oh my God! So meaning sasagutin mo siya anytime soon?" nanlalaki ang mata niya.
Napatawa naman ako sa reaksyon niya.
"Hmmm...tignan natin." pa bitin na sagot ko sa kanya.
"Sino ba yang loverboy mo?"
Sasabihin ko ba? Hindi naman chismosa si Quel eh sadyang maingay lang talaga siya. Bahala na.
"Si Santi."
Natahimik naman siya.
"Uy!" tawag ko sa atensyon niya. "Nakikinig ka ba?"
"Sino ulit yon?"
"Si Santi nga."
Nalaglag naman ako sa upuan ko sa sunod na ginawa niya.
"Si Santiago Miguel Ortega III ang boyfriend mo?!" sigaw niya.
Lahat nang mga kaklase namin napatingin sa amin. See? Sabi na sa inyo eh. Hindi siya chismosa, maingay lang. Yan tuloy alam na nang buong classroom ang sikreto ko.
"Totoo na ba ito Marga?" tanong niya.
"Hindi ko pa nga sinasagot."
"Oh my God! I can't believe my bestfriend is dating the school's heartthrob." sabi niya habang nagpa-puppy eyes. "Ang dreamy nang loverboy mo Margz. Pinapantasya nang lahat. Maliban sa gwapo at mayaman, aba eh talented pa. Bokalista siya nang The Jammers diba?"
Nagbabanda nga si Santi. Kasama niya sina Javier, Joaquin at Franco. The Jammers ang tawag sa banda nila. Naikuwento ni Santi ang tungkol dito nang tinawagan niya ako sa bahay one time.
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
General FictionWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...