A/N: This chapter is dedicated to: SweetAngel_25 and @roberosegian. dahil sa pinupuno niyo ng message ang wall ko, this chap is for you girls. Request granted. Hope you'll like it. Enjoy!
Margarita's POV
Kanina pa ako tingin ng tingin sa cellphone ko. Hinihintay ko ang text ni Santi. Ang sabi niya sakin ipaalam ko daw sa kanya kung saan kami pupunta ni Basti. Kanina ko pa na i-text sa kanya kung nasaan kami pero wala akong natatanggap na reply.
Nagtype ako ulit ng message sa kanya
To: Santi_Ko
Andito na kami sa Esplanade. Asan ka na?
Na i-send ko na iyon sa kanya.
"Hon, magtatampo na ako sa iyo niyan. You've been ignoring me the whole time." nagtatampong sabi ni Basti sa akin habang pinagmamasdan akong nagtetext.
"Sino bang ka text mo?"
"Ah..Wala. Classmate ko lang. Tinatanong ko kung may mga assignments ba kami. Hindi kasi ako nakikinig sa prof namin last time."
"Masyado ka nang busy sa school mo Hon. Na s-stress out ka na. You need to relax." Sabi niya. "Gusto mo magbakasyon tayo this weekend?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Alam ko na super stress ako pero hindi iyon dahil sa school. Na s-stress ako dahil sa lalakeng 'to. Panay kasi ang pangungulit sakin na magdate.
Nginitian ko siya. "Yeah. Super stress ako sa school. Ang dami lang kasi ng mga assignments eh. Nahihirapan akong mag cope up. Ayaw ko pa naman sa course ko."
Nagkunot ang noo niya. "Bakit? Ano bang gusto mong course?"
"Fashion design sana."
"Fashion design? Ano naman ang mapapala mo sa fashion design?"
Aba. Aba. Aba.
Anong karapatan niyang laitin ang kursong gusto ko? Eh sa dun ako masaya eh.
"Ano naman ang masama sa fashion design?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Well, wala naman. It's just that it's not profitable and it's not stable. Mag stick ka na lang sa bussiness management."
Umalma ako sa sinabi niya. How dare him say that. Pangarap ko yon, mababaw man yon para sa ibang tao pero yun ang gusto ko. That's my passion. And I won't let anyone tell me otherwise.
"Yun ang gusto ko. Wala kang magagawa kung yun ang gusto kong course." Pagtataray ko sa kanya.
Mukha namang nagulat siya sa inasal ko. He grabbed my hand and squeezed it.
"Come on Hon. Think about it. Kung magb-business management ka, makakatulong ka sa negosyo ng pamilya niyo."
Hindi ko siya kinibo. Alam ko naman na may point si Basti. Pero anong magagawa ko kung fashion design talaga ang gusto ng puso ko? My heart sings for it. And I can't do anything to help it.
"Hey Honey. I'm sorry. Okay. Okay. If you want fashion design so be it. Hindi na ako mangingialam." Pagaalo niya sakin.
"Sorry na Honey. Bati na tayo."
I let out a deep sigh. Tinignan ko siya at tumango. I hate arguing with him, wala din namang patutunghan eh. Ano ba naman ang mapapala ko kung makikipagtalo ako sa kanya? As if naman magpapakasal ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
Ficción GeneralWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...