Chapter 20: Kilig Moments Part 2

793 10 0
                                    

Santiago's POV

"Hi Miggy. I miss you."

Oh Shit!

"C-Charie."

Naglalakad siya palapit sa akin. Nang tumigil siya sa harapan ko agad naman niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat.

"Ang tagal nating hindi nagkita Miggy. Nakabalik ka na pala." malanding sabi niya sa akin.

"C-Charie...Ano bang kailangan mo sa akin?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko Miggy." sabi niya. "It's been what? 7 years since we last saw each other? But my feelings are still the same Miggy. I still love you."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na walang tayo." maktol ko sa kanya. "Parang kapatid lang ang turing ko sa'yo."

"Well how can you explain the intimate moment we shared?"

"Anong intimate moment?" tanong ko. "Walang intimate moment Charie. You are the one who compromised yourself. Wala akong ginawa sa'yo."

Nanonood lang ang mga kaibigan ko sa paguusap namin ni Charie. Kung bakit kasi na bumalik pa siya eh.

"What did you say? Pagkatapos akong pagtawanan ng mga tao dahil ayaw mo akong panagutan ito pa ang gagawin mo sa akin?" naiinis na tanong niya sa akin.

"Walang nangyari sa atin Charie. So stop thinking that. Hinding-hindi ako papatol sa'yo dahil parang kapatid lang ang tingin ko sa'yo, nothing more nothing less."

Naglakad na ako palayo sa kanya dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Ayoko ko siyang patulan dahil may pinagsamahan naman kami kahit papano.

"Hindi kita titigilan Miggy! Akin ka! No one else can have you but me!" sigaw niya.

**

Margarita POV

Nababato na ako sa lecture ni Sir Golez. Paulit-ulit na lang hindi naman pumapasok sa isip ko ang tinuturo niya. Inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pag ha-highlight nang libro ko.

*tok tok tok*

Binuksan naman ni Sir Golez ang pinto. May kausap siya na lalaki sa labas ng pinto. Sana magtagal pa ang usapan nila sa labas para magkaroon naman kami nang break sa boring niyang subject. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa libro.

"Miss Adriano, may naghahanap sa'yo sa labas."

Hindi ko na rinig ang sinabi niya dahil abala ako sa pag ha-highlight.

"Uy, Marga...Tawag ka ni Sir." sabi ni Jenny sabay siko sa akin.

Napatingin naman ako kay sir. "Yes sir?"

"May naghahanap sa'yo sa labas."

May naghahanap? Sino naman? Naku, kung si Santi na naman yon mapapatay ko talaga siya. Magkikita naman kami mamaya ah. Bakit ba atat na atat siyang makita ako?

Dying Inside To Hold You (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon