WARNING: MEDYO SPG. MEDYO LANG PO.
Javier's POV
"No!" she said. "I'm coming with you."
Wala na akong magawa kung ayaw niyang bumaba. I started the engine and started driving.
Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang babaeng ito. Ako na ang umiiwas, habol pa rin siya ng habol. It even came to a point that I have to leave the country makaiwas lang ako sa kanya, pero wala pa rin.
Nagtataka nga din ako kung anong nagustuhan sa akin ng babaeng ito. Alam naman niyang babaero ako at papalit-palit ako ng girlfriend pero hindi pa rin siya sumusuko. Alam naman niyang hindi ko siya kayang mahalin o kahit magustuhan man lang. She is so out of my league.
Ang gusto ko sa babae maganda, yung parang tulad ng mga babae na nakikita mo sa mga magazines at runway. Siyempre dapat magaling manamit yun bang parang sa mga billboards. Dapat sexy, pang FHM ang katawan. Malakas dapat ang sex appeal, yun bang tinitignan ka pa lang niya para ka nang mababaliw. At higit sa lahat dapat magaling sa kama. Parang tulad ng babae sa mga porn na marunong gumiling.
Paano ko naman siya magugustuhan eh wala namang ni isang katangian na gusto ko ang nasa sa kanya. Nakakagago lang, may babae ngang baliw na baliw sa'yo, yun pa yung hindi mo gusto.
Itong katabi ko para siyang si Tandang Sora. Balot na balot kung manamit, mukha siyang manang. Ang kapal-kapal pa ng eyeglasses niya, buhaghag ang buhok na parang hindi nakakakilala ng suklay at higit sa lahat ang lakas ng loob.
Naalala ko pa dati nung highschool ako kapag may pinopormahan akong chick, inaaway niya. Pinagkakalat niya sa buong campus na girlfriend ko daw siya at magpapakasal daw kami pagkagraduate namin. Sino ba naman ang matutuwa doon?
Kinikilabutan ako kapag naiisip ko na ikakasal ako sa kanya. Magpapakamatay na lang ako kung sa kanya man lang ako ikakasal. Hindi yon kakayanin ng sikmura ko. Sinisira niya ang image ko sa mga girls. Baka isipin nila bumaba na ang standards ko at pati mga losyang ay pinapatulan ko.
"Saan tayo pupunta Alex?" tanong niya.
"Tumahimik ka! Ikaw ang nagpupumilit na sumama kaya wala kang karapatan na magtanong kung saan ako pupunta!" sigaw ko sa kanya.
*sniff sniff*
"B-bakit ba ang s-sama mo sa akin?" tanong niya. "Dahil ba sa pangit ako?"
Napahinga naman ako ng malalim. Nagtitimpi ako dahil baka magdilim ang paningin ko at ilaglag ko to sa kotse.
"Huwag mo akong iyakan!" sigaw ko. "Hindi mo ako madadala sa pa ganyan-ganyan mo!"
"A-alam ko hindi ako kasing ganda ng mga babaeng dinedate mo pero mahal kita Alex." sabi niya. "Mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko." she whispered. Napayuko naman siya matapos sabihin iyon.
"Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo! Hindi ko hiningi na mahalin mo ako!" napipikon na talaga ako sa babaeng ito. "Kaya huwag mong isusumbat sa akin ang lintik na pagmamahal na yan!"
"Ano pa bang kailangan kong gawin mahalin mo lang ako Alex?" tanong niya habang umiiyak pa rin.
"Wala kang kailangan gawin dahil kahit kailan hinding-hindi kita mamahalin. Mamamatay muna ako bago kita matututunang mahalin."
BINABASA MO ANG
Dying Inside To Hold You (SPG)
Narrativa generaleWARNING: CONTAINS MATURE SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang mas matimbang? Pamilya o pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makasama lang ang taong minamahal? Tama kaya ang kasabihan...